backup og meta

Bakuna Para sa Nagbubuntis: Anu-ano ang mga Kailangan?

Bakuna Para sa Nagbubuntis: Anu-ano ang mga Kailangan?

Normal lang sa mga babae na nais mabuntis na magsimulang maging fit, at magkaroon ng mas malusog na lifestyle. Sa katunayan, ang ilan ay umiinom pa ng prenatal vitamins upang makuha nila ang nutrisyon na kailangan nila para sa malusog na pagbubuntis. Ngunit alam mo ba na mahalaga rin na magkaroon ng nararapat na bakuna para sa nagbubuntis?

Anong bakuna ang kailangan mong makuha? At posible ba na mabakunahan habang nagbubuntis? Alamin ang mga sagot dito.

Bakuna Bago Magbuntis: Bakit Dapat Kang Mabakunahan?

Pampalakas ng Immune System

Una, bakit mahalaga sa mga babae na mabakunahan bago mabuntis? Isa sa mga rason bakit kailangan ang bakuna bago ang pagbubuntis ay dahil ang immune system ay humihina kapag buntis ang babae.

Ibig sabihin nito na ang mga buntis ay mas prone sa sakit tulad ng flu o kahit maging sa COVID-19. Kaya’t mahalaga na mabakunahan upang maging malusog siya at ang kanyang baby. Ito ay nakatutulong na masiguro na siya ay magkakaroon ng ligtas at malusog na pagbubuntis, at ang baby ay maipapanganak na malusog at walang mga komplikasyon.

Proteksyon para sa baby

Nakatutulong din ang bakuna sa hindi pa isinisilang na sanggol mula sa tiyak na impeksyon. Halimbawa, kung ang magulang ay nabigyan ng bakuna laban sa tigdas at kung siya ay nanganak, ang kanyang baby ay protektado laban sa tigas. Bagaman, ang proteksyon ay tatagal lang mula sa tatlong buwan hanggang isang taon. Kahit na ang proteksyon ay hindi tumagal sa mahabang panahon, ang unang taon ng sanggol ay napakahalaga.

Isa pang mahalagang bagay na dapat alalahanin ay ang mga bakuna na natanggap na. Kung hindi ka sigurado, subukan na tanungin ang iyong mga magulang o kamag-anak kung naalala nila dahil ang ilang bakuna na ibinigay simula pa pagkabata ay maaari pa ring magbigay ng immunity hanggang pagtanda.

Hindi lahat ng bakuna ay dapat na matanggap kung buntis

Sa huli, ang rason bakit mahalaga ang magpabakuna bago mabuntis ay dahil may mga bakuna na hindi dapat na matanggap kapag buntis na. Maaari itong maging sanhi ng side effects o maapektuhan ang development ng baby kung nakuha ito habang nagbubuntis. Kaya sa kaso ng mga bakunang ito, ang pagkuha nito bago mabuntis ay ideal.

Mahalagang Bakuna Bago Mabuntis

Ngayon na tinalakay na natin bakit mahalaga ang pagbabakuna bago ang pagbubuntis, alamin naman natin anong bakuna ang dapat? Narito ang ilang mga mahahalagang bakuna na dapat makuha.

MMR Vaccine

Ang mmr na bakuna ay nagproprotekta sa mga magulang ng baby mula sa tigdas, beke, at rubella. Karamihan ng mga bata ay bakunado nito habang sila ay bata pa at pinoprotektahan nito ang buhay ng isang tao. Gayunpaman, magandang ideya pa rin na mag-double check.

Flu Vaccine

Isa pang mahalagang bakuna bago magbuntis ay ang flu vaccine. Ang bakuna na ito ay reformulated kada taon, dahil ang flu strains ay mabilis magbago. Kaya’t magandang ideya na makuha ito bago ang magbuntis, upang maging protektado mula sa flu habang nagbubuntis.

Hepatitis A and B Vaccine

Ang hepatitis A at B ay inirerekomenda na bakuna para sa nagbubuntis. Maaari mo ipabakuna ito habang ikaw ay nagbubuntis. Ngunit mas madali itong gawin bago magbuntis upang masiguro na walang side effects. Siguraduhin na konsultahin muna ang iyong doktor bago kunin ang bakunang ito.

Varicella or Chickenpox Vaccine

Ang bulutong ay maaaring magkaroon ng masamang dulot sa parehong buntis na nanay maging sa fetus, kaya’t mahalaga na makuha ang bakuna para sa bulutong bago subukan na magbuntis. Sa ideal, kailangan mong makuha ito 4 na linggo bago magbuntis. Bagaman maaari mong makuha ito nang mas maaga.

HPV Vaccine

Kasama sa mga listahan ng bakuna bago magbuntis, ang HPV na bakuna ay nagproprotekta sa nanay laban sa HPV, at nagpapababa ng banta ng cervical cancer.

COVID-19 Vaccine

Bilang parte ng bakuna bago magbuntis, dahil sa pandemya, mahalaga na makakuha ng COVID-19 na bakuna sa lalong madaling panahon. Ito ay nakatutulong na mapataas ang resistance laban sa virus, at maprotektahan kayong dalawa ni baby.

Mahalagang Tandaan

Sa bakuna para sa nagbubuntis, mahalaga na laging talakayin muna ito kasama ng iyong doktor. Maaari silang magbigay ng payo sa kung anong bakuna ang kailangan na makuha, at kung kailan i-schedule ang mga bakunang ito upang hindi makaranas ng seryosong side effects.

Matuto pa tungkol sa Paghahanda na Mabuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Vaccinations and pregnancy | Pregnancy Birth and Baby, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/vaccinations-and-pregnancy, Accessed October 7, 2021
  2. Vaccines Before Pregnancy | CDC, https://www.cdc.gov/vaccines/pregnancy/vacc-before, Accessed October 7, 2021
  3. Vaccinations and pregnancy, https://www.marchofdimes.org/pregnancy/vaccinations-and-pregnancy.aspx, Accessed October 7, 2021
  4. Vaccines for women: Before conception, during pregnancy, and after a birth – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/blog/vaccines-for-women-before-conception-during-pregnancy-and-after-a-birth-2020011018649, Accessed October 7, 2021
  5. Before Becoming Pregnant – Vaccinate Your Family, https://vaccinateyourfamily.org/which-vaccines-does-my-family-need/pregnancy/before-becoming-pregnant/, Accessed October 7, 2021

Kasalukuyang Version

05/09/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits

Follicular Study: Bakit at Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement