Kapag hindi nagka regla ang isang babae at may gut feeling na buntis, ang karaniwang ginagawa ay bumili ng home pregnancy test kit. Kaya lang, kahit na ang home pregnancy test kit ay mas accurate ngayon, pwedeng iba pa rin ang lumabas na mga resulta. Ang madalas na tanong ng mga babaeng gumagawa ng pregnancy test ay: Posible bang makakuha ng maling resulta ng pregnancy test? Ang in-home-pregnancy tests ba ay okay na, para masabi na ako ay buntis? Alamin Natin.
Kailan Ako Dapat Kumuha ng Pregnancy Test?
May mga available na pregnancy test kit na ang claim ay malalaman ang pagbubuntis bago mawalan ng regla ang isang babae. Gayunpaman, upang matiyak na tumpak ang resulta, maaari kang kumuha ng pregnancy test isang araw pagkatapos mong makaligtaan ang iyong regla.
Kung regular mong mino-monitor ang iyong cycle at napapansin mo na hindi ito dumating ngayong buwan, mas mainam kung magpa-pregnancy test ka kaagad. Sa kabilang banda, kung wala kang ideya kung kailan magsisimula ang iyong susunod na regla, maaari kang kumuha ng pregnancy test sa ika-21-28 araw pagkatapos kang magkaroon ng unprotected sex.
Tandaan na hindi lahat ng over-the-counter na pregnancy tests ay pareho-pareho. Ang ilan ay maaaring maging mas sensitibo kaysa sa iba, habang ang iba pang mga kit ay maaaring hindi gaanong accurate. Palaging basahin ang label at mga tagubilin bago magsagawa ng anumang mga test.
Paano Gumagana ang Pregnancy Test?
Ang pregnancy test ay gumagana sa pamamagitan ng pagtukoy kung mayroong human chorionic gonadotropin (hCG) sa ihi o dugo. Ang nabubuong inunan ng isang buntis ay magsisimulang gumawa ng hCG hormones 10 araw pagkatapos ng conception.
Mahalagang maghintay bago kumuha ng pregnancy test dahil ang hCG ay nagiging mas potent habang ang pagbubuntis ay umuusad. Kung masyadong maaga kang magte-test, maaaring hindi pa matukoy ang antas ng hCG, lalo na kung gumagamit ka ng home pregnancy test kit. Kung gusto mong malaman ang accuracy ng iyong home pregnancy test o kumpirmahin agad ang iyong pagbubuntis pinakamabuti na humingi ka sa iyong doktor ng pregnancy test sa pamamagitan ng blood sample.
Ano ang mga Uri ng Pregnancy Tests?
Ang iyong pagbubuntis ay maaaring makita mula sa ihi o sa sample ng dugo. Narito ang mga uri ng mga pregnancy test na maaari mong gawin upang i-verify ang iyong pagbubuntis:
Urine tests
Ang mga pagsusuri sa ihi ay maaaring gawin sa bahay gamit ang isang pregnancy test kit na maaari mong bilhin sa iyong lokal na botika, o maaari mo itong gawin sa ospital.
Ang sumusunod ay ang proseso ng urine pregnancy test sa ospital:
- Hihilingin ng iyong attending physician na mangolekta ka ng mga sample ng iyong ihi sa isang specimen cup.
- Pagkatapos ay gagamit ang doktor ng dropper para maglagay ng ilang patak ng ihi sa test kit.
- Ang indicator ang magpapakita kung ikaw ay buntis o hindi. Magbabago ng kulay o magpapakita ng simbolo ang mga indicator ng test kit.
Ang urine pregnancy test na ginawa sa ospital ay accurate upang kumpirmahin ang pagbubuntis kumpara sa isang home-pregnancy test.
Mayroong iba’t ibang uri ng home urine pregnancy test kits na maaari mong bilhin. Ang At-home UPT ay ginagawa sa pamamagitan ng:
- Alinman sa direktang pag-ihi sa strip, pagkolekta ng ihi sa isang tasa at paglubog ng strip, o pagkolekta ng ihi sa isang tasa at paggamit ng dropper upang ilipat ang ilang patak ng umihi sa isang espesyal na lalagyan.
- Itabi at maghintay ng ilang minuto upang makita ang mga resulta.
Tandaan na basahin ang manufacturer’s instructions kung gaano katagal kailangan mong maghintay sa resulta.
- Maaari kang mag-set ng timer sa iyong phone na nagpapaalala sa iyo kapag tapos na ang test. Huwag iwan ang test nang mas mahaba kaysa sa nasabing oras dahil maaaring magbago ang mga resulta.
- Kapag naging positibo ang pagsusuri, agad na mag-iskedyul ng pagbisita sa isang OBGYN. Ito ay para mabigyan ka ng doktor ng tamang assessment at pangangalaga na kailangan mo.
Bagama’t ang mga home-pregnancy test ay sinasabing tumpak na 97%-99%, may mga pagkakataon pa rin na may maling resulta ng pregnancy test. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan ang second opinion o maramihang pagsusuri upang makita kung magbabago ang maling resulta ng pregnancy test o hindi.
Blood tests
Kung gusto mong kumpirmahin ang iyong pagbubuntis sa pinaka accurate na paraan, ang inirerekomenda ay isang pagsusuri sa dugo. Ang blood pregnancy tests ay 99% na accurate at maaaring kumpirmahin ang mga pagbubuntis nang mas maaga kaysa sa mga urine pregnancy tests dahil maaari nitong makita ng mababang antas ng hCG.
Kasama sa pamamaraan ng blood pregnancy test ang:
- Pagkuha ng mga sample ng dugo mula sa isang ugat sa iyong braso.
- Pagbibigay ng mga sample ng dugo sa laboratoryo para sa pagsusuri.
- Maghintay within the day para sa resulta.
- Pag-inform ng laboratory technician sa iyong doktor tungkol sa mga resulta, at isang kopya ng resulta ang ibibigay sa iyo
Maaari bang maging Mali ang Positive Pregnancy Test?
May mga pagkakataon na hindi accurate ang mga resulta ng pregnancy test, lalo na kung ang isang babae ay gumagamit ng home test kit. Maaari bang mali ang isang positibong pregnancy test? Iyan ang karaniwang tanong ng mga kababaihan na maaaring nakakuha ng positibong resulta ng pagsusuri ngunit nagdududa pa rin kung sila ay talagang buntis.
Ano ang iba pang mga resulta ng test na maaaring makalito sa mga kababaihan? Karaniwan, ang isang test ay magpapakita ng alinman sa positibo o negatibong resulta. Ngunit, may mga bihirang pagkakataon kung saan lumalabas ang mga resulta bilang false-positive o false-negative.
Ano ang False-Positive?
Ang false-positive ay isang napakabihirang resulta ng pregnancy test na nagpapakita ng positibong resulta kahit na hindi buntis ang babae. Ang mga dahilan kung bakit lumalabas ang resultang ito ay maaaring dahil sa mga sumusunod:
- Dugo o protina sa ihi
- Depektibong pregnancy test kit
- Menopause at iba pang mga problema sa ovary tulad ng isang ovarian tumor na naglalabas ng HCG
- Recent miscarriage or abortion (dahil ang hCG ay naroroon pa rin sa dugo at ihi ng isang babae 6 na linggo pagkatapos ng pagkawala ng pagbubuntis)
- Kung uminom ka o umiinom ng ilang mga gamot, tulad ng mga fertility pill, anticonvulsant, diuretics (water pills), at tranquilizer.
Upang masagot ang tanong, maaari bang mali ang isang positibong pregnancy test? Oo, pwede. Pinakamainam na subukan ang iba pang mga pagsusuri sa mga susunod na araw o kumunsulta sa isang doktor.
Ano ang False-Negative?
Ang false-negative ay isa pang mapanlinlang na resulta na nagpapakita ng negatibong resulta sa pregnancy test kapag ang babae ay talagang buntis. Ang mga sanhi ng false-negative ay kinabibilangan ng:
- Isang maling test kit o maling paggamit ng kit.
- Masyadong maaga ang pagkuha ng test kapag hindi pa nakikita ang hCG. Karaniwan, ang mga test kit ay dapat gamitin isang araw o isang linggo pagkatapos ng iyong naantalang regla.
- Masyadong maaga o huli na ang pagsuri sa mga resulta. Tandaan na mag timer kapag gumagamit ng pregnancy test.
- Paggamit ng diluted na ihi sa test kit. Ang diluted na ihi ay sanhi ng pag-inom ng maraming tubig bago gawin ang pagsusuri o pagkuha ng pagsusulit sa susunod na araw. Para sa tumpak na mga resulta, pinakamahusay na kumuha ng test sa umaga, sa sandaling magising ka, at bago uminom ng anumang fluid.
- Napakataas na konsentrasyon ng HCG tulad ng nakikita sa molar pregnancy
May iba pang dahilan kung bakit naantala ang iyong regla bukod sa pagbubuntis. Maaaring ikaw ay:
- Stressed
- Nagpapasuso
- Bumaba ang timbang dahil sa matinding diet at ehersisyo
- Overweight o obese
- Malapit na mag menopause
- Polycystic ovarian Syndrome
Kung mayroon kang concerns tungkol sa kung may maling resulta ng pregnancy test, palaging kumunsulta sa isang doktor, upang magkaroon ka ng pagkakataong i-verify kung ikaw ay buntis o hindi.
Key Takeaways
Ang pagkuha ng pregnancy test ay maaaring maging nerve-wracking. Kung sa tingin mo ay buntis ka, magpa-test kaagad, at kausapin kaagad ang iyong doktor para sa anumang alalahanin.
Habang naghihintay ka ng kumpirmasyon mula sa iyong doktor, pinakamahusay na alagaan mo ang iyong sarili na parang buntis ka. Maaaring lumabas ang mga resulta ng pagsusuri sa dugo pagkatapos ng ilang araw. Ito ay para lamang matiyak na anuman ang resulta, hindi mo ilalagay sa panganib ang iyong sarili at ang iyong sanggol.