backup og meta

Paano Magkaroon Ng Kambal Sa Natural Na Paraan?

Paano Magkaroon Ng Kambal Sa Natural Na Paraan?

Ang ating mga lola at lolo ay nagpaalala sa mga kababaihan na ang pagkain ng kambal na saging ay magreresulta ng kambal na supling. Posible bang magkaroon ng kambal sa pamamagitan lamang ng pagkain nito? Alamin natin ang iba’t ibang mga kadahilanan kung paano magkaroon ng kambal o higit pa sa natural na paraan at tingnan natin kung mahalagang idagdag ang kambal na saging sa iyong diet. 

Mga Kondisyon Kung Paano Magkaroon ng Kambal 

Bago magpasya na magkaroon ng kambal, ang unang hakbang ay ipasuri sa iyong mga doktor kung mayroong anumang mga isyu sa pagbubuntis na kailangang matugunan. Ito ay agad na nagdaragdag ng iyong pagkakataon upang magbuntis.

Ang ilang mga kababaihan ay may mas mataas na tsansa kaysa sa iba. Ang pagkakaroon ng kambal ay nagsisimula sa mga magulang, lalo na sa mga nanay.

Genetics

Kung ang kambal ay nananalaytay sa pamilya, ang pagkakataon na magkaroon ng kambal ay mas mataas kumpara sa iba. Ito ay naaangkop lalo na sa mga magulang na mayroong kakambal. Ang hyperovulation ay isang kondisyon kung saan ang obaryo ay naglalabas ng higit sa isang itlog, na maaaring maipasa sa pamamagitan ng genes. 

Tangkad

Ang mga kababaihan na may taas na 5 feet 5 inches o 165 cm ay may mas mataas na tsansa na magkaroon ng multiple pregnancies. Napasisigla ng pagkakaroon ng insulin-like growth factor (IGF) ang tangkad pati na rin ang pagtaas sa obulasyon.

Lahi

Ang lahi ng mga magulang ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng kambal. Ang pinakamataas na tsansa ay mula sa mga kababaihang Aprikano, partikular na ang mga Nigerians. Sa kabilang banda, ang mga babaeng Japanese ang may pinakamababang tsansa na magkaroon ng kambal. 

Nakaraang pagbubuntis

Kung nakaranas ng pagbubuntis na kambal, ang pagkakataon na magkaroon ng kambal muli ay mas mataas kumpara sa isang anak 

Paano Magkaroon ng Kambal sa Natural na Paraan

Ang genetics at lahi ay isang bagay na hindi mo maaaring baguhin o piliin, ngunit may iba pang mga pamamaraan na maaaring nakaimpluwensya na magkaroon ng kambal. Heto ang mga tips kung paano magkaroon ng kambal:

Edad

Ang mga kababaihan na nasa edad 30 ay nagpoprodyus ng mas maraming estrogen kumpara sa mas nakababata. Pinasisigla nito ang mga obaryo upang maglabas ng higit sa isang itlog sa bawat siklo. Ito ay maaaring humantong na magkaroon ng mataas tsansa para sa marami ang mga itlog na mai-fertilize. Nagaganap din ito sa edad ng babaeng may mababang pagkakataon ng pagbubuntis at nangangailangan na ng fertility assistance.

 Pagpapasuso

Maaaring kakaiba na pakinggan na kung ano ang nakapipigil sa pagbubuntis ay nakatutulong naman sa pagkakaroon kambal na anak. Ang pagpapasuso habang buntis ay may mas mataas na pagkakataon ng ang iyong susunod na anak ay kambal dahil sa mas mataas na lebel ng prolactin na pinoprodyus ng katawan. Nagbibigay ito sa iyo ng maliit na kalakasan upang magkaroon ng anak na kambal sa natural na paraan.

 Body mass index

Ang kababaihan na may 30 o mas mataas na body mass index o BMI, na nasa kategorya ng sobra sa timbang, ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng kambal. Maaari mong kalkulahin ang iyong BMI batay sa iyong taas at timbang. Gayunpaman, hindi ito mahusay na hakbang dahil may mga komplikasyon na kaugnay sa labis na katabaan na maaaring maging sanhi ng kahirapan sa pagbubuntis.

 Diet

Ang mataas na pagkain ng mga dairy products ay maaaring maging karagdagan sa pagkakataong magkaroon ng kambal. Ayon sa pananaliksik, ang mga kababaihan na isinasama ang gatas sa kanilang diet ay mas may pagkakataong magbuntis ng kambal kumpara sa mga kababaihan na nasa vegan diet. 

Assisted reproductive technology

 Ang mga mag-asawa na may mga isyu sa pagkakaroon ng anak ay binibigyan ng opsyon sa pamamagitan ng Assisted Reproductive Technology or ART. Ang isa sa mga komplikasyon ng ART ay multiple pregnancies. Ito ay may mas mataas na tsansa ng pag-produce ng maramihang fertilized egg, ang isa mula sa IVF at ang isa ay mula sa natural na paraan.

Mga Paalala

 Ang mga factors na ito ay maaaring makaapekto lamang sa posibilidad na magkaroon ng mga fraternal twins. Ang mga kambal na ito ay ipinanganak sa pamamagitan ng dalawang egg at sperm cell. Ang identical twins ay maaaring mangyari sa sinoman at hindi alam ng mga doktor ang kanilang eksaktong sanhi. Sesquizygotic twins ay isang pang kaugnay na bagong konsepto na masusi pang pinag-aaralan.

Key Takeaways


Walang eksaktong sagot kung paano magkaroon ng kambal na anak sa natural na paraan tulad ng kambal na saging na ibinilin sa atin ng mga matatanda. Ang mga pag-aaral ay nagpapakita ng ugnayan ng genetics at lahi na maaaring maging karagdagang tsansa sa pagkakaroon ng anak na kambal. Mayroon ding mga paraan upang mapaunlad ang kakayahan kung paano magkaroon ng kambal sa pamamagitan ng fertility assistance, diet, at iba pa.
Ang mga factors na ito ay nakaaapekto lamang sa mga pagkakataon ng fraternal twins dahil ang identical twins ay maaaring mangyari sa sinomang nanay. Ang pinakamahalaga ay nagkaroon ka at ang iyong partner ng mga pagsusuri para sa mga isyu sa pagkakaroon ng anak dahil ang mga factors na ito ay magiging pangalawang dahilan na lamang kung hindi ka mabubuntis. Bilang karagdagan, ang pinakamainam na kalagayan sa kalusugan ay hinihikayat sa pagdadala ng higit sa isang anak sa sinapupunan dahil malalagay ang iyong katawan sa labis na stress.

Matuto rito nang higit pa tungkol sa iba pang mga paksa ng pagbubuntis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Delayed Childbearing as a Growing, Previously Unrecognized Contributor to the National Plural Birth Excess, https://journals.lww.com/greenjournal/Fulltext/2018/10000/Delayed_Childbearing_as_a_Growing,_Previously.26.aspx, Accessed March 20, 2021

Assisted Reproductive Technology, https://medlineplus.gov/assistedreproductivetechnology.html, Accessed March 20, 2021

Is the probability of having twins determined by genetics?, https://medlineplus.gov/genetics/understanding/traits/twins/, Accessed March 20, 2021

Relationship of maternal body mass index and height to twinning, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15738030/, Accessed March 20, 2021

Mechanisms of twinning: VII. Effect of diet and heredity on the human twinning rate, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16779988/, Accessed March 20, 2021

Mechanisms of twinning: VIII. Maternal height, insulin like growth factor and twinning rate, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17039697/, Accessed March 20, 2021

Twinning and the changing pattern of breast-feeding: a possible relationship in a small rural population, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/7349695/, Accessed March 20, 2021

Dizygotic twinning, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18024802/, Accessed March 20, 2021

FAQs Multiple Pregnancy, https://www.acog.org/womens-health/faqs/multiple-pregnancy, Accessed March 20, 2021

Twins – identical and fraternal, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/twins-identical-and-fraternal, Accessed March 20, 2021

Twin pregnancy: What twins or multiples mean for mom, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/twin-pregnancy/art-20048161, Accessed March 20, 2021

A genome wide linkage scan for dizygotic twinning in 525 families of mothers of dizygotic twins, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2912534/, Accessed March 20, 2021

Pregnant with twins, https://www.nhs.uk/pregnancy/finding-out/pregnant-with-twins/, Accessed March 20, 2021

Study Finds That A Woman’s Chances Of Having Twins Can Be Modified By Diet, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/05/060521103211.htm, Accessed March 20, 2021

Taller Women Are More Likely To Have Twins, Obstetrician’s Study Confirms, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/09/060923104930.htm, Accessed March 20, 2021

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement