backup og meta

Kambal na Hindi Magkamukha: Bakit ito Nangyayari?

Kambal na Hindi Magkamukha: Bakit ito Nangyayari?

Kambal. Kalimitan nating nakikita at naririnig ang tungkol sa kanila sa libro, telebisyon, at mga pelikula. Ngunit paano sila nagiging ganun? Bakit ang ibang mga kambal ay magkamukha? Paanong mayroong mga kambal na hindi magkamukha? Bihira lang ba talaga sila? Basahin upang malaman.

Ano ang Kambal?

Ang kambal ay dalawang sanggol na isinilang sa parehong sinapupunan. Mayroong dalawang uri ng kambal: fraternal at identical na kambal. Upang mas madaling malaman ang uri: ang identical twins ay kambal na magkamukha at ang fraternal twins ay kambal na hindi magkamukha.

Identical Twins

Ang identical twins ay tinatawag ding monozygotic twins. Ito ay dahil ang identical twins ay mula sa parehong egg sa panahon ng fertilization. Sa isang punto habang nasa maagang stage ng conception, ang isang egg na ito ay naghihiwalay sa dalawang magkaibang indibidwal.

Ang nakakahanga pa ay ang dalawang ito ay mula sa iisang egg lamang, pareho sila ng genes at laging pareho ng kasarian. Kaya’t tinatawag silang identical twins. Sila ay magkamukha dahil sila ay magkapareho sa lebel ng genetic.

Mahalaga na tandaan, gayunpaman, ang identical twins ay hindi ganap na magkamukha. Bagaman sila ay identical sa lebel ng genetic, ang kanilang development sa loob ng sinapupunan at iba pang mga salik sa paglaki ay nakapag-aambag ng kaunting pagkakaiba sa kanilang itsura.

Fraternal Twins

Sa kaibahan, ang fraternal twins ay mula sa fertilization ng dalawang magkaibang eggs sa parehong pagbubuntis. Ang mga doktor at siyentista ay tinatawag din silang dizygotic twins para sa rason na ito.

Dahil ang dalawang kambal na ito ay mula sa dalawang indibidwal na eggs, mayroon lamang silang bahagi ng kalahati ng kanilang genes. Ibig sabihin nito na habang sila ay magkatulad, sila ay kambal na hindi magkamukha. Ibig sabihin din nito na sila ay magkaiba ng kasarian.

Identical Twins or Fraternal Twins?

Maliban sa pagtingin kung sila ba ay kambal na magkamukha o kambal na hindi magkamukha, may ibang mga siyentipikong paraan upang malaman.

Ang DNA test ay isang siguradong paraan upang malaman kung ang kambal ay fraternal o identical. Ang identical twins ay laging mayroong parehong genes. Ang placenta ay maaaring magpahiwatig kung ang kambal ay fraternal o identical.

Ang maagang ultrasound scan o eksaminasyon ng placenta matapos ang panganganak ay makatutulong. Ang pamamaraan na ito ay hindi 100% na tiyak hindi tulad sa DNA test. Mas madali ring malaman kung sila ba ay mayroong magkaibang kasarian dahil awtomatiko silang fraternal na kambal.

kambal na hindi magkamukha

Mga Dahilan

Walang nakakaalam kung ano ang mga sanhi ng identical twins. Ang bawat babae ay may parehong tsansa na mabuntis ng identical twins. Ang identical twins ay hindi namamana na katangian kaya’t hindi sila mapapasa sa susunod na miyembro ng pamilya. Ang fraternal twins, gayunpaman, ay may salik na nagpatataas ng posibilidad na mabuntis.

Mga Salik

Maraming mga salik na nag-aambag sa mataas na probabilidad na panganganak ng fraternal twin. Narito ang ilan:

Edad ng Ina

Ang mga babaeng mas matanda sa 35 ay mas maaaring mag-release ng two o mas maraming eggs sa isang menstrual cycle kumpara sa mga mas batang babae.

Mga Nakaraang Pagbubuntis

Ang probabilidad ng isang babae na magsilang ng kambal ay napatataas sa bilang ng mga nakaraang pagbubuntis na naranasan niya.

Namamana

Ang babae na fraternal na kambal ay mayroong kapatid na fraternal na kambal, o nagsilang na ng fraternal na kambal ay may mas mataas na posibilidad na magsilang ng kambal. 

Race

Ang mga bababeng African ay nagsisilang ng mas maraming kambal habang ang Asian na kababaihan ay nasa pinakamababang ranggo.

Assisted Reproductive Techniques

Ang procedure na nag-stimulate ng mga obaryo (kadalasan na may kasamang fertility drugs) ay nagpo-produce ng maraming eggs tuwing ovulation. Mahalaga rin na tandaan na ang pagbubuntis ng kambal ay mas lamang sa panahon ngayon, dahil sa maraming mga babae na umaasa sa ganitong mga reproductive techniques para sa pagbubuntis.

Mahalagang Tandaan

Sa pagbubuod, may dalawang uri ng kambal: fraternal at identical.

Maaari nating malaman ang pagkakaiba ng dalawa sa pagiging magkamukha (identical) at kambal na hindi magkamukha (fraternal).

Sa lebel ng genetic, ang identical twins ay mayroong parehong genes at ang fraternal ay kalahati lamang. Hindi namin alam ang dahilan ng pagkakaroon ng identical twins ngunit alam namin na ang fraternal twins ay namamana at mas malamang na nakadepende sa mga tiyak na salik.

Alamin ang marami pa tungkol sa conception na paksa dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fraternal Twins, https://www.genome.gov/genetics-glossary/Fraternal-Twins Accessed March 18, 2021

Identical Twins, https://www.genome.gov/genetics-glossary/identical-twins Accessed March 18, 2021

Pregnant with Twins https://www.nhs.uk/pregnancy/finding-out/pregnant-with-twins/. Accessed March 18, 2021

The Difference Between Identical and Fraternal Twins, https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/Pages/The-Difference-Between-Identical-and-Fraternal-Twins.aspx Accessed March 18, 2021

Twins – Identical and Fraternal, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/twins-identical-and-fraternal Accessed March 18, 2021

Twins, Triplets and Other Multiples, https://www.womenshealth.gov/pregnancy/youre-pregnant-now-what/twins-triplets-and-other-multiples Accessed March 18, 2021

Kasalukuyang Version

03/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement