Ang pagitan ng pagbubuntis ay isang mahalagang aspeto ng pagpaplano ng pamilya. Ang pag-alam kung kailan puwede mabuntis ulit ay hindi lamang nagbibigay sa iyo na pumili ng angkop na contraceptive method. Nakakatulong din ito sa iyong pamilya na maghanda para sa mga bagay na kailangan mo sa pag-aalaga ng isa pang bata.
Gusto mo bang malaman ang higit pa kung kailan puwede mabuntis ulit? Maaaring makatulong sa iyo ang sumusunod na guidelines at rekomendasyon:
1. Pagkatapos ng live birth, ang mga couple ay dapat maghintay ng 24 na buwan bago subukang magbuntis muli
Ayon sa mga ulat ang guideline na ito, ay isang “evidenced-based na pandaigdigang rekomendasyon” para sa malusog na timing at spacing ng pagbubuntis ulit. Ang paghihintay ng hindi bababa sa dalawang taon ay mabuti para sa ina at anak.
Ang agwat ay nagbibigay sa ina ng sapat na oras upang makabawi mula sa nakaraang pagbubuntis at panganganak at maghanda para sa susunod.
Halimbawa: Ang pagbubuntis at pagpapasuso ay nakakaubos ng mga nutrient store, kabilang ang folate. Kung ang isang babae ay mabuntis ulit bago palitan ang mga sustansyang iyon, maaari itong makaapekto sa kalusugan ng ina at sanggol.
Gayundin, ang genital tract ay nagkakaroon ng pamamaga sa panahon ng pagbubuntis. Kung ang pamamaga ay hindi gumaling bago ang isa pang pagbubuntis, maaari itong negatibong makaapekto sa ina at anak.
Sa wakas, ang hindi paghihintay ng hindi bababa sa dalawang taon kung kailan puwede mabuntis ulit ay nakakaimpluwensya sa kalusugan ng sanggol. Sinasabi ng mga ulat na ang mga batang ipinanganak na wala pang 2 taon ang pagitan ay tatlong beses na mas malamang na mamatay bago umabot sa 5 taong gulang.
2. Ang muling pagbubuntis sa loob ng 6 na buwan pagkatapos ng live birth ay may malubhang panganib sa kalusugan
Ang pananaliksik ay nagpapakita na ang pregnancy spacing na mas mababa sa 6 na buwan ay nagdaragdag ng panganib ng:
- Stillbirth
- Low birth weight
- Premature birth
- Congenital disorders
- Maternal anemia
- Placental abruption
- Miscarriage
- Newborn death
- Maternal death
- Induced abortion
Tandaan na ang low birth weight at premature births ay mga kadahilanan din ng risk para sa iba pang mga problema sa bagong panganak, tulad ng mga problema sa paghinga at mga impeksyon.
3. Sa kaso ng miscarriage, ang mga couples ay dapat maghintay ng hindi bababa sa 6 na buwan bago subukan ang isa pang pagbubuntis
Ang hindi pagsunod kung kailan puwede mabuntis ulit ay maaaring magresulta sa mga panganib, tulad ng maternal anemia, mababang timbang ng panganganak, at preterm na panganganak.
4. Hangga’t maaari, ang pagitan ng pagbubuntis ay hindi dapat lumampas sa 5 taon
Bagama’t gusto ng mga eksperto na maghintay ang mga mag-asawa ng hindi bababa sa dalawang taon pagkatapos ng isang live birth, hindi nila nais na maghintay sila ng masyadong mahaba. Hangga’t maaari, ang pagitan ng pagbubuntis ay hindi dapat lumampas sa 5 taon.
Ang isang mahabang agwat ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng masamang resulta, tulad ng preeclampsia.
Hindi alam ng mga eksperto kung bakit mapanganib ang mas mahabang agwat. Pero ang hinala nila ay ang pagbubuntis ay nagpapabuti sa kapasidad ng matris para sa fetal growth at support. Ngunit ang benepisyo ay nawawala pagkalipas nito.
Pregnancy Spacing: Mga Karagdagang Bagay na Dapat Isaalang-alang
Bagama’t ang priyoridad sa kung kailan puwede mabuntis ulit ay upang mapabuti ang ina at anak, hindi natin maikakaila ang katotohanang may iba pang mga bagay na dapat isaalang-alang.
Halimbawa, ang mga ina na may edad 35 pataas ay maaaring payuhan na maghintay lamang ng isang taon bago ang isa pang pagbubuntis. Ito ay dahil habang sila ay nagkakaedad, mas mataas ang panganib para sa ina at sanggol.
Ang iba pang mga bagay na kailangang isaalang-alang kung kailan puwede mabuntis ulit:
- Pananalapi – Ang pagpapalaki ng isa pang sanggol ay nangangahulugan ng mas maraming gastos. Ang hindi pagiging handa sa pananalapi ay maaaring tumaas ang interpregnancy intervals.
- Emosyonal na kahandaan – Handa na ba kayo ng iyong kapareha na alagaan muli ang isang sanggol? Ano ang magiging reaksyon ng iyong older child sa pagkakaroon ng isang sanggol na kapatid na lalaki o babae?
- Health status – Dapat makipag-usap ang mga mag-asawa sa kanilang doktor tungkol sa muling pagbubuntis. Ito ay lalo na kapag mayroon silang mga isyu na maaaring magpahirap sa pagbubuntis at panganganak (infertility, hypertension, atbp).
Key Takeaways
Panghuli, tandaan na walang perpektong oras kung kailan puwede mabuntis. Hangga’t ang mga mag-asawa ay nagpaplano at naghahanda, walang sinuman ang makapaghuhula kung kailan ulit mangyayari ang paglilihi.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-bmi]