backup og meta

Ano ang Menopausal Baby? Narito ang mga Dapat mong Malaman

Ano ang Menopausal Baby? Narito ang mga Dapat mong Malaman

Ano ang menopausal baby? Ang menopausal baby, ay ipinagbubuntis sa panahong ng perimenopause ng isang babae, ang yugto bago ang menopause

Kahit na tinatawag silang mga menopause babies, tandaan na ang kanilang mga ina at hindi pa nagme-menopause nang ipagbuntis sila. Ang natural na pagbubuntis pagkatapos ng menopause ay hindi posible, dahil sa yugtong iyan, hindi na naglalabas ng egg cells ang isang babae. 

Ano ang menopausal baby, at paano nagkakaroon nito? 

Ang bilang ng mga babaeng nabubuntis matapos ang pagtuntong ng edad 35 ay patuloy na tumataas. Sa ilang mga kaso, ang mga magkakapareha ay positibo ang pagtanaw sa mga benepisyo ng geriatic pregnancy (pagbubuntis matapos ang pagtuntong sa edad na 35), kung saan may pinansyal na seguridad at pagkamit ng mga layunin sa career bago ang pagiging mga magulang. 

Gayunpaman, may mga kaso pa rin ng surprise menopause babies. 

Sa yugto ng perimenopause o ang yugto bago huminto sa paglalabas ng egg cells ang mga babae, mangilan-ngilang mga sintomas ang nangyayari. Ilan sa mga halimbawa ng sintomas na ito ay ang hot flashes, pagka-dry ng pagkababae, mood swings, kahirapan sa pagtulog, mababang sex drive, at hindi regular na buwanang dalaw. 

Ang irregularidad sa buwanang dalaw ay maaaring makapagbigay sa magkapareha ng ideya na hindi na makapagbubuntis ang babae. O, maaaring ang tyansa ng pagbubuntis ay napakaliit kung saan hindi na nila kailangang gumamit ng contraceptive method para maiwasan ito. 

Ngunit ang irregular o mga hindi dumating na buwanang dalaw sa kasagsagan ng perimenopause ay hindi nangangahulugan na infertile ang isang babae. May bumabang fertility pero posible pa rin ang pagbubuntis. 

Pwedeng Magkaroon si Mommy ng Menopausal Baby sa Edad na 30 

Kapag pinag-uusapan ang mga menopausal babies, naiisip natin na ang mga ina ay nasa edad na late 40’s o early 50’s na; kung tutuusin, iyon ang tipikal na panahon kung kailangan nakakaranas ng perimenopause o menopause ang mga kababaihan. 

Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na ang perimenopause, na maaaring tumagal ng ilang buwan, hanggang sa ilang taon, ay maaaring mangyari sa mga babaeng nasa edad 30s. Sa ganitong kadahilanan, ang pagkakaroon ng menopausal baby sa kasagsagan ng mga taon mo bilang 30 ang edad ay posible. 

Mga Bagay na Dapat Tandaan kung Magkakaroon ng Menopausal Baby 

Ngayong alam na natin kung ano ang menopausal baby, ating alamin ang iba pang mga facts tungkol dito.

Pinaalalahanan ng mga eksperto ang mga kababaihan na gumamit pa rin ng contraceptive method sa panahon ng kanilang perimenopause kung ayaw na nilang mabuntis. Binibigyang-diin ang paggamit ng birth control hanggang sa hindi na talaga sila dinadatnan ng buwanang dalaw sa loob ng 12 buwan— ito ang tanda ng menopause. 

Kung sakaling pinag-iisipan mo ang pagkakaroon ng anak sa edad na mataas sa 35 (o kung mayroon ka nang inaasahang anak), tandaan na maiging makipag-ugnayan sa iyong doktor. Ito ay dahil ang panganib ng pagkalaglag ng sanggol, ectopic pregnancy, at stillbirth ay mas mataas. 

Higit pa rito, pinakamainam na maging mas maingat dahil: 

Maaaring Ipanganak nang Mas Maaga ang Iyong Sanggol 

Ang perimenopausal pregnancy ay nakapagpapataas ng panganib ng gestational diabetes at preeclampsia, dalawang kondisyon na maaaring magresulta sa premature birth. 

Tandaan na ang premature babies ay kadalasang mas maliit at nangangailangan ng mas mahabang pananatili sa ospital. Karagdagan pa, ang prematurity ay nakapagpapataas ng banta ng pagkakaroon ng isang sanggol ng mga isyung pangkalusugan gaya ng mga learning disorders, pagkabulag, pagkabingi, cerebral palsy, epilepsy, development delay, at Down’s Syndrome. 

Ang Preeclampsia ay Nakapagpapataas ng mga Bantang Pangkalusugan sa mga Sanggol kahit pa Mature ang mga Ito 

Ang preeclampsia, isa sa mga potensyal na epekto ng geriatric pregnancy, ay nakapagpapataas ng ilang mga bantang pangkalusugan sa mga sanggol kahit pa ang mga ito ay ipinanganak nang full term. 

Isang pag-aaral ang nagbibigay-diin na ang mga sanggol na ipinanganak ng mga inang nakaranas ng preeclampsia ay may mas mataas na panganib sa: 

  • Pagka-admit sa Neonatal Intensive care Unit (NICU)
  • Respiratory Distress Syndrome 
  • Asphyxia o Kakulangan sa Oxygen, na maaaring magdulot ng kamatayan 
  • Transient tachypnea sa mga bagong silang na sanggol, isang uri ng breathing disorder

Gestational Diabetes na Maaaring Makapagpataas ng Banta ng Obesity at Type 2 Diabetes 

Gaya ng nabanggit kanina, isa sa mga bantang dulot ng geriatic pregnancy ay ang gestational diabetes. 

Nabangging ng mga ulat na ang mga sanggol na ipinanganak ng mga inang nakaranas ng gestational diabetes ay may mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng obesity at type 2 diabetes sa kalaunan ng kanilang buhay. 

Karagdagan pa, ang gestational diabetes ay nakapagpapataas sa banta ng pagkakaroon ng sanggol ng: 

  • Sobrang Taas na Birth Weight 
  • Kahirapan sa Paghinga 
  • Hypoglycemia o Mababang Blood Sugar 

May mga Advantages ba ito? 

Para sa maraming mga magkapareha, ang pagkakaroon ng menopausal baby ay isang himala; nakikita nila ang sanggol bilang isang tao na nagbibigay sa kanila ng bagong layunin sa buhay. 

Nakapupukaw-interes na ang isang pag-aaral ang nagsabi na ang mga babaeng nagkaroon ng unang anak sa pagkatapos tumuntong sa edad na 35 ay may mas mataas na brainpower pagkatapos mag-menopause. Karagdagan pa, isang pag-aaral ang nagsabi na ang mga unang silang na sanggol sa mga inang 40 taong gulang pataas ay may mas mahusay na kakayahang kognitibo. 

Syempre pa, maraming mga pag-aaral ang kakailanganin para mapatunayan ang mga napag-alamang kaisipang ito, ngunit ang mga ito ay tunay na nakatutuwa. 

Ang isa pang posibleng advantage ng pagkakaroon ng anak sa panahon ng iyong perimenopause ay ang stability. Sa puntong ito, ang mga magkapareha ay mayroon nang maayos na pinagkukunan sa pinansyal, na nangangahulugang kaya na nilang maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang magiging anak. 

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng menopausal baby ay nagbibigay ng mga advantage at gayundin ng mga banta. Kung nagpaplano kang mabuntis sa panahon ng iyong pagme-menopause, ang maiging pakikipagtulungan sa iyong healthcare team ay isang pangangailangan. 

Matuto ng higit pa ukol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

First Births to Older Women Continue to Rise
https://www.cdc.gov/nchs/products/databriefs/db152.htm
Accessed March 11, 2021

Perimenopause
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/perimenopause/symptoms-causes/syc-20354666
Accessed March 11, 2021

Menopause, Perimenopause and Postmenopause
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15224-menopause-perimenopause-and-postmenopause#:~:text=The%20average%20length%20of%20perimenopause,you%20are%20no%20longer%20perimenopausal.
Accessed March 11, 2021

What are the risks of preeclampsia & eclampsia to the fetus?
https://www.nichd.nih.gov/health/topics/preeclampsia/conditioninfo/risk-fetus#f3
Accessed March 11, 2021

Controlled direct effects of preeclampsia on neonatal health after accounting for mediation by preterm birth
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25437315/
Accessed March 11, 2021

Gestational diabetes
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gestational-diabetes/symptoms-causes/syc-20355339#:~:text=Babies%20of%20mothers%20who%20have,before%20or%20shortly%20after%20birth.
Accessed March 11, 2021

Women who have their last baby after 35 are mentally sharper in old age
https://www.sciencedaily.com/releases/2016/11/161117150032.htm
Accessed March 11, 2021

New Study Says Older Moms May Have Smarter Kids
https://www.rileychildrens.org/connections/new-study-says-older-moms-may-have-smarter-kids
Accessed March 11, 2021

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement