Ano ang egg freezing? Nagiging trend ang egg freezing lalo na sa mga babaeng ayaw munang mabuntis ngunit hindi lubusang tutol sa pagkakaroon ng anak sa hinaharap. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga importanteng aspekto ng egg freezing gaya ng success rate, cost, at egg freezing age limit para sa kababaihan.
Ano Ang Egg Freezing?
Ano ang egg freezing? Ang oocyte cryopreservation, o mas kilala sa tawag na egg freezing, ay isang modernong paraan upang maipreserba ang kakayahan ng babaeng magbuntis. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha sa unfertilized egg cells ng babae at ilagay ito sa storage na magagamit sa hinaharap.
Kapag dumating na ang panahon na gusto nang mabuntis ng babae, inilalabas na ito mula sa malamig na storage. Gagawin ang fertilization ng eggs at sperm cells sa laboratoryo. Kapag nagtagumpay ito, ilalagay sa uterus ng babae ang fertilized egg.
Maraming factors ang maaaring makaapekto sa proseso ng egg freezing, ngunit ang pangunahing alalahanin ay ang egg freezing age limit para sa mga babae.
Bakit Mahalaga Ang Egg Freezing?
Sa mga nagtataka kung ano ang egg freezing at ano ang halaga nito, ang pinakalayunin ng egg freezing ay mapreserba ang kakayahan ng babaeng mabuntis sa hinaharap. Mahalaga ang egg freezing lalo na sa mga babaeng:
- May mga kondisyong maaaring makaapekto sa kanilang fertility gaya ng lupus at sickle cell anemia
- Nangangailangan ng gamutan para sa kanilang kondisyon na maaaring makaapekto sa kakayahan nilang mabuntis; halimbawa, ang cancer treatments ay kadalasang nakapagpapababa ng fertility ng babae
- Nasa relasyong hindi pa handa ang partner na magkaroon ng mga anak
- Kailangang sumailalim sa life-saving surgeries na makaaapekto sa kaniyang fertility; totoo ito lalo na sa mga babaeng kailangang operahan ang kanilang obaryo
- May history sa kanilang pamilya ng maagang menopause
- Maaaring magkaroon ng premature ovarian failure dahil sa genetic condition gaya ng Turner’s syndrome
Bukod sa mga dahilang nabanggit sa itaas, mahalaga ang egg freezing lalo na sa mga babaeng hindi pa handang mabuntis ngunit nais na matiyak na mabubuntis sa hinaharap. Marami ang puwedeng maging dahilan dito gaya ng pagnanais na magpatuloy ng kanilang pag-aaral hanggang sa pagkakaroon ng higit na aktibong career. Dahil mahalaga ang egg freezing age limit sa prosesong ito, maraming babae ang pinipiling gawin ito sa lalong madaling panahon.
May mga babae ring pinipili ang egg freezing dahil sila ay tutol sa ideya ng embryo freezing. Ang embryo freezing ay isang proseso ng pagpepreserba ng fertilized egg. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng ilang religious at cultural conflicts sa iilan.
Ang Success Rate Ng Egg Freezing
Sa kasamaang palad, walang overall data tungkol sa success rate ng oocyte cryopreservation. Ngunit ayon sa American Society of Reproductive Medicine, ang rate ng single frozen egg na mabuhay ay nasa 2% hanggang 12%. Ang magandang balita, makapagbibigay sa iyo ng pangkalahatang ideya ang ilang mga klinika at center sa kung gaano kaepektibo ang prosesong ito sa kanilang mga naging kliyente.
Isang halimbawa ang USCFertility sa United States na nagsabing sa kasalukuyan, 150 babae ang piniling magpa-egg frozen sa kanilang pasilidad. Sa 21 babae na bumalik upang mabuntis, labinlima o 65% ang nagtagumpay.
Narito ang isang fact: malaki ng ginagampanan ng egg freezing age limit sa success rate ng oocyte cryopreservation. Sumasang-ayon ang mga eksperto na ang pregnancy rates ay higit na nakadepende sa edad ng babae sa panahong naipa-frozen ang kanyang egg.
Best Time Para Sa Egg Freezing
Maraming eksperto ang may iba’t ibang pananaw hinggil sa egg freezing age limit, ngunit mayroon silang pagkakapareho. Ang babaeng nais na magpa-egg freezing ay dapat na gawin ito sa kanyang prime reproductive years. Ito ang panahon kung kailan ang kanilang egg cells ay nasa pinakamalusog na estado. Ang pinakamagandang reproductive years para sa kababaihan ay nasa edad 20s. Ngunit praktikal ba ito?
May ilang mga eksperto ang nagsasabing ang mga babaeng nasa edad 20s ay hindi na kailangang magpa-freeze ng kanilang eggs dahil puwede naman silang mabuntis nang mabilis sa edad na 30. Kung gayon, kailan ang pinakamainam na magpa-freeze ng eggs ang mga babae?
Naniniwala ang mga doktor na ang pinakamagandang age range ay sa pagitan ng 27 hanggang 34 taong gulang.
Older Fresh Eggs vs Younger Frozen Eggs
Alin ang mayroong mas mataas na pregnancy success rate? Ang frozen egg mula sa babaeng nasa edad 34 taong gulang o ang bagong kuhang egg mula sa isang 42 taong gulang na babae?
Magandang tanong ito, lalo na sa mga babaeng piniling magpa-freeze ng eggs sa edad na 30s at nagdesisyong mabuntis sa edad na 40s. Aling egg ang may mas mataas na tsansang magpatuloy at maipanganak? Ayon kay Dr. Jaime Knopman, isang fertility specialist mula sa Reproductive Medicine Associates ng New York, ang frozen egg ng mas bata ang mas mainam.
Sumang-ayon si Dr. Nicole Noyes, direktor ng Fertility preservation sa New York University School of Medicine sa sinabi ni Dr. Knopman. Sinabi niya na “Younger eggs are healthier.”
[embed-health-tool-ovulation]
Ang Egg Freezing Sa Pilipinas
Ang IVF at artificial insemination ay mga reproductive technologies na malawakang tinatanggap at accessible sa ibang mga bansa. Mayroon bang mga option dito sa Pilipinas?
Availability
Ngayong natukoy na natin kung kailan ang pinakamainam na panahon para sa egg cell freezing, panahon naman upang pag-usapan ang egg freezing sa Pilipinas. Ang una mong tanong ay “Mayroon na ba nito sa ating bansa?” Sa kabutihang palad, mayroon na! May mga klinika na nagbibigay ng serbisyong oocyte cryopreservation.
Halaga
Kung nais ng isang babae na i-freeze ang kanyang eggs, kailangan niyang maghanda ng hindi bababa sa Php120,000. Sa ilang mga ulat, ang halaga nito ay umaabot ng hanggang Php350,000. Kasama na sa halagang ito ang tests, hormonal medications, bayad sa doktor, at bayad sa ospital. Bukod pa sa procedural costs, kailangan mo ring maghanda ng hindi bababa sa Php10,000 taon-taon para sa storage.
Dagdag pa, kung iniisip mo na sasagutin ba ng insurance policies ang halaga ng oocyte cryopreservation, mabibigo ka. Kahit sa mga bansang laganap ang egg freezing, hindi binabayaran ng mga insurance company ang procedure para dito.