backup og meta

Ika-24 Linggo Ng Pagbubuntis: Ilang Facts Na Dapat Mong Malaman

Ika-24 Linggo Ng Pagbubuntis: Ilang Facts Na Dapat Mong Malaman

Ika-24 Linggo ng Pagbubuntis: Development ng Sanggol

Ang iyong ikalawang trimester ay malapit nang matapos! Maligayang pagdating sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis para sa’yong baby development. Kung saan halos kumpleto na ang development ng iyong sanggol. Narito ang isang gabay sa kung ano ang aasahan sa’yong ikaanim na buwan ng pagbubuntis.

Congratulations! Ang iyong ikalawang trimester ay malapit nang magtapos at anumang mga takot na maaaring mayroon ka ay maaaring nang humupa. Ang iyong baby ay graduated na mula sa pagiging isang fruit seed hanggang sa pagiging ear of corn in size na humigit-kumulang halos 8 pulgada ang haba. Maaari mong mapansin na ang iyong sanggol ay sumisipa na ngayon at nagiging mas aktibo sa loob ng iyong tiyan. Lalo na kapag malapit ka nang matulog. Hindi na kailangang mag-alala kung ang iyong baby ay hindi kasing aktibo ng iba pang mga sanggol na nabasa mo online. Tandaan na ang bawat pagbubuntis ay magkakaiba.

Sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis, lumaki na ang ulo ng iyong baby, na match ngayon sa perfect set ng eyebrows at eyelashes.

Ang respiratory system ng baby ay nagma-mature na rin, at may surfactant na nagsisimula nang bumalot sa baga at ang air sacs na lalong nagdedebelop.

Sa puntong ito, ang mga muscles ng iyong sanggol ay may marami nang hugis at volume. At habang nagpapatuloy ang pagsipa, may iba pang mga pag-unlad na dapat tandaan. Ang iyong baby sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis ay nagsisimula nang lumaki ang kanyang mga tainga. Na nagpro-provide sa kanya na balansehin ang kailangan niya sa loob ng iyong tiyan. Ang baga ng iyong baby ay nagsisimula nang mabuo sa linggong ito. Ngunit tandaan na ang mga baga ay ganap na gumagana sa ika-26 na linggo o higit pa.

Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay

Huwag mag-alala kung nag-gained ka ng timbang sa pagitan ng 10 hanggang 15lbs. Ito na ang oras para magsimulang magsuot ng maternity belt. Ngayong nagsisimula na talagang lumaki ang iyong tiyan. May mga maternity pants na maaari mo ring bilhin, na mayroong sewn-in maternity support para sa’yong lumalaking tiyan.

Panatilihin ang iyong malusog na diyeta at katamtamang ehersisyo (kung pinahihintulutan ng iyong doktor o health care provider), na magbibigay-daan sa’yong magpapayat nang mas madali pagkatapos manganak.

Ang ilan sa mga karaniwang sintomas na nararanasan sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis ay ang:

  • Hirap sa pagtulog. Ngayon na ang iyong tiyan ay bilugan at mas malaki kaysa karaniwan, maaaring mahirapan kang matulog habang sinusubukan mong hanapin ang “perpektong” spot sa kama. Kung makatutulong ito, subukang maglagay ng unan sa pagitan ng iyong mga binti para maibsan ang pananakit ng likod. O maaari mong subukang bumili ng mga unan sa pagbubuntis na hugis J o U. Ang mga unan na ito ay idinisenyo para sa mga buntis na kababaihan para matulungan silang matulog.
  • Waddling. Muli, sa iyong lumalaking tiyan, maaari mong makita ang iyong sarili na naglalakad na parang penguin habang sinusubukan mong makuha ang iyong balanse at paa. Mag-ingat kapag sinusubukang tumayo mula sa mas mababang surface. Laging siguraduhin na mayroon kang sapat na suporta o may isang taong nariyan para magbigay ng tulong sa’yo.
  • Mga pagbabago sa iyong balat. Sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol, maaari mong mapansin na ang ilang bahagi ng iyong balat ay nagsisimula nang magbago ang kulay at nagiging mas maitim. Maaari mong mapansin ito lalo na sa paligid ng balat ng iyong leeg at kilikili (para sa ilan). Nagsisimula ring magpakita ang mga stretch mark. Ang mga ito ay maaaring medyo makati, kaya maaari kang maglagay ng ilang body butter o moisturizing lotion. Na partikular na ginawa para sa mga buntis na para labanan ang mga stretch mark. Isa itong karagdagang hakbang na maaaring gusto mong isama sa iyong pang-araw-araw na gawain.

Dahil patuloy na lumalaki ang iyong tiyan sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol. Ang iyong mga bukung-bukong at ibabang bahagi ng katawan ay maaaring mangailangan ng ilang oras. Para mag-adjust sa pagtaas ng timbang. Maaaring mapansin mo ang ilang pananakit sa iyong mga bukung-bukong o ibabang likod habang naglalakad. Kaya siguraduhing magsuot ng mga damit na nagbibigay ng sapat na suporta kapag gumagawa ng mga pisikal na aktibidad. Maging maingat din kapag gumagalaw.

Anong mga test ang dapat kong malaman?

Sa’yong ika-24 na linggo ng pagbubuntis, titingnan din ng iyong doktor kung mayroon kang gestational diabetes. Hihilingin sa’yo na sumailalim sa glucose screening para matukoy kung ikaw ay nasa panganib na magkaroon ng gestational diabetes.

Ang mga kababaihan ay nasa panganib ng gestational diabetes kung sila ay:

  • 35 taong gulang sa panahon ng pagbubuntis
  • May maikling tangkad (<1.5m)
  • Sobra sa timbang o napakataba
  • Nakakuha ng sobrang timbang sa panahon ng pagbubuntis
  • Nagkaroon ng labis na central body fat deposition
  • Mayroong family history ng diabetes
  • Nagkaroon ng polyhydramnios
  • May hypertension o preeclampsia
  • Kasaysayan ng pagkalaglag o history of miscarriage
  • Mayroong sedentary lifestyle o laging nakaupo
  • Nagdusa mula sa polycystic ovary syndrome

Sa gestational diabetes, ang baby ay maaaring lumaki nang mas malaki kaysa sa normal. At maging mas mahirap para sa ina ang natural na panganganak. Ang ina na may gestational diabetes ay karaniwang inirerekomenda na ipanganak ang kanilang sanggol sa pamamagitan ng cesarean section. Ang gestational diabetes ay maaari ding maging sanhi ng napaagang panganganak, na nangyayari bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis.

Ang mga babaeng may gestational diabetes ay nasa panganib din na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo, polyhydramnios, at/o pre-eclampsia.

Bumisita sa Iyong Doktor

Dahil ikaw ay nasa ika-24 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol, ito ang pinakamahusay na oras para tanungin ang iyong doktor. Kung ano ang maaari mong asahan sa huling yugto ng iyong pagbubuntis tungkol sa’yong diyeta at antas ng aktibidad. Maaari mo ring muling bisitahin ang iyong vacation plans. Dahil ang mga babaeng buntis na 28 linggo ay maaaring paghigpitan sa paglalakbay sa malalayong distansya.

Maaari ka ring kumunsulta sa iyong OB-GYN tungkol sa pagpapanatili ng intimate na relasyon sa’yong kapareha. At kung anong mga posisyon ang ligtas para sa’yo at sa sanggol. Sa’yong lumalaking tiyan, maaari itong maging mahirap, ngunit hindi ito dapat maging batayan ng pag-aalala.

Kalusugan at kaligtasan

Para matiyak na ikaw at ang sanggol ay malusog bilang paghahanda sa panganganak. Subukan ang mga sumusunod na tip:

  • Manatiling hydrated. Uminom ng 8-10 tasa ng tubig bawat araw.
  • Regular na makipag-usap sa’yong kapareha at sa’yong pamilya. Kung maaari kang magpunta sa doktor ng may kasama, mas mabuti. Ang pagkakaroon ng kasama  habang kumukunsulta ka sa’yong doktor ay nakakatulong.
  • Panatilihin ang isang malusog na diyeta at katamtamang ehersisyo. Kung bibigyan ng green light, gawin ito! Hindi lamang nito mapapabuti ang iyong pisikal, pati na rin ang iyong pag-iisip.
  • Mag-ingat pa rin sa pregnancy myths. Halimbawa, ang dark patches ng balat sa iyong leeg at kilikili ay hindi nangangahulugang magkakaroon ka ng isang anak na lalaki.

Ito ay isang kapana-panabik na oras para sa’yo. Habang ang iyong baby ay umaabot na sa mga huling yugto ng pagbubuntis. Sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis, huwag kalimutang makakuha ng sapat na tulog. Panatilihing malusog ang iyong sarili, at iwasan ang pagkain na hindi nagdaragdag ng nutritional value sa’yong diyeta. Para maiwasan ang gestational diabetes.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.makatimed.net.ph/news-and-exhibits/news/6-pregnancy-superstitions-debunked

www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4653418/

Kasalukuyang Version

04/22/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement