Ang Paglaki ng Sanggol
Kapag ikaw ay nasa ika-16 linggo ng pagbubuntis, ikaw ay malapit na sa kalahating yugto. Maaari itong ituring na isang kapana-panabik na bahagi ng iyong pagbubuntis at maaari mong madama ang iyong sanggol sa lalong madaling panahon. Upang matulungan kang matuto tungkol sa yugtong ito ng pagbubuntis, narito ang ilang mga katotohanan na dapat mong matutuhan.
Ang pag-unlad ng sanggol sa ika-16 linggo ng pagbubuntis
Sa puntong ito ng iyong pagbubuntis, ang iyong sanggol ay mayroong laki na katulad ng isang abokado o lemon at maaaring may timbang na 2 at kalahating onse (ounces). Ang iyong sanggol ay magsisimulang maging aktibo at maaari mong maramdaman ang isang bubbling sensation o maliliit na pagkilos, na nangahulugang sila ay gumagalaw!
Sa puntong ito, ang iyong sanggol ay maaaring iunat ang kanilang mga muscle sa kanilang maliliit na mga binti. Ang kanilang nervous system ay patuloy na nadedebelop, at habang lumalaki ito, ang kilos ng mga mata ay karaniwang nagsisimula na rin.
Karagdagan, ang iyong sanggol ay maaaring ikilos ang kamay (make a fist) at maaaring na ring makuha ang kanilang umbilical cord at hilahin ito. Ang bawat sanggol ay magkakaiba, kaya hindi maaaring ihambing kung gaano kadalas mo nararamdaman ang iyong sanggol sa sinapupunan sa iba pang mga nagbubuntis.
Maaari mong maramdaman ang mga paggalaw ng iyong sanggol nang mas maaga kung ito ang iyong pangalawang pagbubuntis. Habang hindi pa nila nakokontrol ang lahat ng kanilang mga muscle sa mukha, maaari mong makita ang paggalaw ng kanilang mukha ( facial expression), halimbawa ang kanilang pagkindat o isang pagsimangot, kung maaari mong makita ang kanilang mga maliliit na mukha.
Maaaring nabubuo na ang mukha ng iyong sanggolsa huling yugto ng pagbubuntis. Iyon ay dahil ang kanilang mga tainga at mga mata ay ganap nang nabuo.
Ang Pagbabago sa Katawan at Buhay
Ang Mga Sintomas Kung Paano Nagbabago ang Iyong Katawan
Habang sumusulong ka sa mga yugto ng iyong pagbubuntis, mapapansin mo ang maraming pagbabago sa iyong katawan. Halimbawa, maaari mong mapansing mayroon kang mga varicose veins. Ang iyong mga ugat ay umabot sa mga pregnancy hormone at magkakaroon ng mas mataas na suplay ng dugo sa balat, na maaaring lumikha ng mga varicose veins.
Sa ika-16 linggo ng pagbubuntis, maaari kang magkaroon ng mga pulikat sa iyong mga binti. Maaari mong subukan ang magaan na ehersisyo o igalaw ang iyong mga paa at binti upang makita kung mapagagaan nito ang iyong mga pulikat.
Maaari mo ring marinig ang mga tao na magsasabi sa iyo na mayroong kang “glow” , na tumutukoy sa mas maaliwalas na balat o bright skin dulot ng dagdag na daloy ng dugo. Gayunpaman, maaari ka ring magkaroon ng makintab o malangis na balat dahil sa iyong mga hormones.
Gayunpaman, maaari kang magkaroon iilang mga hindi kanais-nais na mga sintomas sa ika-16 linggo ng pagbubuntis. Halimbawa, maaari kang makaranas ng ilang heartburn o constipation. Kung napansin mo na mayroon kang heartburn, subukan alamin kung anong pagkain na iyong kinain na naging sanhi nito, tulad ng maaanghang o pritong pagkain, kaya’t iwasan ito.
Maaari ka ring magkaroon ng congestion at balinguyngoy (nosebleed). Ang balinguyngoy (nosebleed) ay karaniwang hindi nakakapinsala. Tandaan na kumonsulta sa isang doktor bago uminom ng anomang gamot upang lunasan ang congestion.
Ang mga Mito
Habang nagsisimula ka na magpakita ng maraming debelopment sa ika-16 linggo ng pagbubuntis, marami kang maririnig na mga karaniwang pamahiin o mga paniniwala mula sa iyong mga kaibigan at pamilya. Habang ang iilan ay maaaring di naniniwala at natatawa, baka gusto mong isaalang-alang ang pagigingg maingat sa kung ano ang iyong naririnig dahil ang ilan sa mga pamahiin na ito ay maaaring mapanganib o hindi makatulong para sa iyo at sa iyong sanggol.
Halimbawa, may mga kasabihang nagsasaad na huwag kang kumain ng kambal na saging dahil ang dalawang saging daw na ito ay conjoines at nabuhay sa parehong balat. Habang nakapupukaw na interes, maraming tao mula sa mga bansa tulad ng Pilipinas at India ang nagbababala laban sa pagkain nito.
May mga pamahiin na kapag kumain ka ng isang kambal na saging habang nagbubuntis, lalo na kung kambal ang iyong dinadala, ay maaari itong magresulta sa conjoined twins. Gayunpaman, hindi pa napatutunayan ng siyensya na totoo nga ito. Sa katunayan, ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang pagdaragdag ng saging bilang bahagi ng iyong diet habang ikaw ay buntis ay maaaring magkaroon ng maraming benepisyo
Ang Pagbisita sa Doktor
Dapat ka bang bumisita sa doktor?
Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng iskedyul ng mga appointment na dapat mong sundin upang suriin ang iyong sanggol. Gayunpaman, bukod dito, maaari kang magtanong kung kailan mo sila tatawagan upang matugunan ang anumang mga alalahanin na mayroon ka.
Halimbawa, kung hindi mo nadama ang pag-ikot ng iyong sanggol sa loob ng 12 oras kapag regular silang kumikilos, pinakamainam na tawagan ang iyong doktor. Maaaring hindi mo lamang napansin ang kanilang pagkilos, palaging mas mainam pa rin na maging ligtas.
Kung hindi mo napansin ang pagkilos sa ika-16 linggo ng pagbubuntis, mas mainam para sa iyo na maging mapagpasensya. Ang ilang mga kababaihan ay hindi nakararamdam ng kilos hanggang sa mga 20 linggo o higit pa sa kanilang pagbubuntis. Gayunpaman, kung makaramdam ka ng malubhang sakit ng tiyan, pagdurugo, o spotting, mas makabubuti para sa iyo na maghanap kaagad ng medikal na atensyon.
Kalusugan at Kaligtasan
Sa ika-16 linggo ng pagbubuntis, maaaring magsimula ka ng pananabik sa mga pagkain. Samakatuwid, mahalagang alagaan ang iyong kalusugan sa tamang uri ng ehersisyo at pagkain upang matiyak na ang iyong sanggol ay malusog.
Sa kabutihang-palad, may mga malusog na pamamaraan upang matugunan mo ang iyong mga cravings. Kumain ng yogurt o prutas kung gusto mo ng isang pagkain na matamis at kapiraso ng keso kung gusto mo ng bahagyang maalat.
Natural na hindi ka maglalagay ng masyadong maraming pressure sa iyong katawan habang ikaw ay buntis, dapat ka pa ring makakuha ng 30 minuto na ehersisyo araw-araw. Dapat mong piliin ang mga ehersisyo na mababa ang intensidad, tulad ehersisyo at paglalakad. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong doktor upang makakuha ng angkop exercise routine.
Bukod pa rito, mainam na subukan na huwag dalasang tumihaya dahil maaari kang makaranas ng pagkahilo at pagbaba ng presyon ng dugo. Mas mainam na tumagilid sa iyong komportableng panig sa potensyal na pagpapabuti at kaginhawaan ng hita at likod upang maayos na dumaloy ang iyong dugo sa iyong sanggol.
Ang bawat yugto ng pagbubuntis ay may sandamakmak na sorpresa para sa mga nanay. Ang pag-alam sa mga gawain sa bawat linggo ay makakatulong sa iyo na matuto nang higit pa tungkol sa debelopment ng iyong sanggol at kung paano alagaan sila.
[embed-health-tool-due-date]