Sa ika-14 linggo ng pagbubuntis ay nagsimula na ang ikalawang trimester. Ang iyong sanggol ay kasinlaki ng kamao, na may sukat na nasa apat na inches sa haba at may timbang na mas mababa sa dalawang ounces.
Ang facial muscles ng sanggol ay nagde-develop. Ito ang nagiging dahilan upang magkaroon ng mga ekspresyon ang iyong sanggol tulad ng pagpikit ng mata o pagsimangot. Karagdagan, magsisimula na rin silang magsagawa ng fluid na pagkilos.
Ang leeg ng sanggol ay humahaba na rin, at nakatutulong sa ulo na maging proportionate sa katawan. Ito ay magsisimula na umunat at maaaring makita na nakatayo o nakatirik sa mga susunod na linggo. Maaari ka ring makakita ng mga daliri sa paa na kumakampay o thumb-sucking habang nag u-ultrasound.
Sa parehong pagkakataon, ang atay at spleen ng sanggol ay gumagana na, at magkasunod na nagpo-produce ng bile at red blood cells. Ang kanilang mga bato ay nagsisimula na ring mag-produce ng ihi na lumalabas sa amniotic fluid. Ang iyong sanggol ay makakokonsumo ng kaunting mga fluid kaya’t makikita mo ang kanilang bibig na nakakunot.
Liban sa mga ito, mapapansin mo rin ang pagtubo ng buhok sa buong katawan ng sanggol, kasama na ang ulo. Ito ay tinatawag na lanugo. Ang lanugo ay manipis na layer, peach fuzz na tulad ng buhok na nagpapanatili ng init ng iyong sanggol. Ang iba pang development sa ika-14 na linggo ng pag-develop ng sanggol ay kabilang ang thyroid glands na naglalabas ng hormones, pati na rin ang ilang gawain sa digestive system.
Pagbabago ng Buhay at Katawan
Paano magbabago ang aking katawan?
Sa ika-14 linggo ng pagbubuntis, ang iyong bump ay magsisimula nang lumabas. Ito ay sa dahilan na ang iyong uterus ay lumalaki sa labas ng iyong pelvic region papunta sa iyong ibabang tiyan. Bilang resulta, maaari kang makaramdam ng sakit at hindi pagiging komportable.
Sa ika-14 linggo ng pagbubuntis, magsisimula ka nang bumigat. Ngunit ang pagdadag ng bigat na ito ay nakadepende sa iyong kasalukuyang body mass index (BMI). Ang ibang mga babae ay nakapagdaragdag ng timbang sa ibang paraan, lalo na kung hindi ito ang unang beses na sila ay magdalang tao. Kahit na ang iyong sanggol ay lumalaki nang tuloy-tuloy, hindi mo pa mararamdaman ang bigat kaya’t ikaw pa rin ay may kakayahan na makapag-ehersisyo.
Ang iyong placenta ay nakaporma na sa oras na ito kaya’t ang lebel ng enerhiya mo ay babalik. Ang pagsusuka ay magsisimula nang humina. Ang iyong suso ay magsisimulang bumigat ngunit hindi na sensitibo at tender katulad noong unang trimester. Mapapansin mo ang iyong areolas na umiitim at ang utong ay mas nakatusok.
Ano ang dapat kong ikabahala?
Sa ika-14 linggo ng pagbubuntis, nasa tinatawag na “honeymoon” stage na. Karamihan ng mga babae na nakikita ang ikalawang trimester na pinakamadali. Ito ay sa kadahilanan na humihina na ang pagsusuka at fatigue. Ang iyong hormones ay naglelebel out kaya’t ang pagtaas ng lebel ng enerhiya ay inaasahan. Sa kabila ng lahat ng ito, kailangan mo pa ring antabayan ang mga sumusunod:
- Pagdami ng kinakain. Ngayong nawawala na ang pagsusuka, mapapansin mong bumabalik na ang iyong gana sa pagkain. Gayunpaman, siguraduhin na ikaw ay kumakain ng mga masusustansya at nasa tamang dami. Ang mabilis na pagdagdag ng timbang ay hahantong sa banta ng sakit tulad ng gestational diabetes (GD). Sa pag-aaral noong 2015, ang Pilipinas ay nakakitaan na may mataas na paglaganap ng rate ng GD. Ipinakikita ng data na 40.4% ng mga babae ay positibo sa gestational diabetes.
Ang Food and Nutrition Research Institute ng bansa sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ay nag-develop ng mga irerekomendang pagkain para sa mga buntis. Makikita mo ito rito.
Ikaw rin ay madaling maglihi sa mga oras na ito. Pumili ng mga option na masustansya at iwasan ang mamantika, fatty, at maanghang na pagkain. Ang susi ay makonsumo ang tamang nutrisyon para sa pag-develop ng iyong sanggol at sa iyong kaligtasan.
- Round ligament pain: Kung ikaw ay nakararanas ng pelvic at abdominal cramps, ito ay maaaring sanhi ng round ligament pain. Sa paglaki ng iyong uterus, nababanat ang iyong ligaments. Ang round ligament ay makikita sa harap ng iyong uterus hanggang sa singit. Ang sakit ay nangyayari kung mayroong biglaang pagbabago sa posisyon. Ang katamtamang heating pad o pain relievers ay maaaring makatulong.
- Varicose veins: Ang pangangailangan sa dami ng dugo ay tumataas para sa development ng sanggol. Bilang resulta, ang iyong mga ugat, lalo na sa palibot ng iyong mga hita ay lalaki. Maaari mong mabawasan ang itsura nito sa pamamagitan ng palaging pagkilos, pagtaas ng mga binti, at pag-inom ng maraming tubig.
- Immune system: Maaari ka ring makaranas ng sipon at lagnat dahil sa mahinang immune system. Siguraduhin na ikaw ay laging hydrated at kumain ng mga pagkain na mayaman sa Bitamina C. Kumonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng kahit na anong over-the-counter (OTC) na mga gamot. Maaari mo ring subukan ang nasal strips o humidifier upang matulungan na makahinga nang madali habang natutulog.
Karagdagang dapat tandaan: Ngayon na ikaw ay nasa ika-14 linggo ng pagbubuntis, mas mababa na ang risk ng pagkalaglag ng sanggol.
Pagbisita sa Iyong Doktor
Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?
Sa mga oras na ikaw ay nasa ika-14 linggo ng pagbubuntis, hindi ka na muling makararanas ng pagsusuka, bagaman makararamdam ka pa rin minsan ng morning sickness.
Ang iyong katawan ay kailangang mag-adjust ng ilang mga araw. Kung ito ay patuloy na bumabalik o lumalala, tawagan ang iyong doktor. Ito ay maaaring senyales ng hyperemesis gravidarum. Ito ay kadalasang kasama ng malalang pagsusuka at kabawasan ng timbang.
Sa parehong pagkakataon, humingi ng medikal na tulong kung nararanasan ang mga sumusunod:
- Pagdurugo ng ari: Ito ay nangyayari kung ang normal na spotting sa pagbubuntis ay lumala na malakas na paglabas ng dugo tulad sa pagreregla.
- Fluid leakage: Ang maliit na butas ay maaaring mag-develop sa iyong amniotic sac na magreresulta sa leakage ng amniotic fluid.
- Mataas na temperatura
- Malabong paningin
- Migraine
- Malalang pelvic at abdominal cramps
Anong mga test ang kailangan kong malaman?
Ang ika-14 linggo ng pagbubuntis ay hindi nangangailangan ng ultrasound. Ang iyong sunod na appointment ay malalaman na sa ika-18 linggo hanggang ika-22.
Ngunit ang kaso ay iba kung ikaw ay nagpaplano na sumailalim sa amniocentesis. Ang amniocentesis ay nirerekomenda sa mga buntis na nasa higit sa 35 ang edad. Ito rin ay option para sa mga nanganak ng sanggol na may abnormalities.
Ang amniocentesis ay isinasagawa sa pagpasok ng karayom sa loob ng uterus upang kumuha ng sample ng amniotic fluid. Ang fluid na ito ay ieeksamin para malaman ang genetic defects at iba pang chromosomal na mga kondisyon. Ang procedure na ito ay kayang malalaman kung ang iyong sanggol ay may Down syndrome o spina bifida.
Kalusugan at Kaligtasan
Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?
Ang mataas na lebel ng estrogen at progesterone ay magiging sanhi ng pagtaas ng daloy ng dugo sa mucous membranes ng katawan. Kabilang dito ang ilong na namamaga.
Karagdagan, ang iyong immune system ay mahina sa pagbubuntis. Ikaw ay mas madaling kapitan ng sipon at lagnat. Kung naranasan ang mga ito sa iyong ika-14 na linggo na pag-develop ng sanggol, narito ang mga bagay na maaari mong gawin:
- Bitamina C: Palakasin ang iyong immune system sa pamamagitan ng pagkonsumo ng bitamina C at ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C. Ang mga ito ay makatutulong din na mas palakasin ang iyong capillaries, na nagpapabawas ng banta sa pagdurugo ng ilong.
- Humidifiers: Basain ang hangin sa pamamagitan ng warm-mist humidifier. Ito rin ay lalong nakatutulong na maging mas madali ang paghinga habang nagtutulog.
- Over-the-counter na gamot: Para sa panandaliang paggamit, ang antihistamines at decongestant sprays ay kinokonsiderang ligtas. Kunsultahin ang iyong doktor bago bumili. Maaari siyang magrekomenda ng nasal strips o saline sprays sa halip ng mga gamot na nabanggit.
- Hydrate: Uminom ng maraming tubig lalo na kung may lagnat. Ito ay makapipigil sa iyong bibig at lalamunan na matuyo. Ito rin ay makatutulong na matanggal ang namumuong plema at mucous.
Panatilihing malusog ang iyong katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Iwasan ang laging nakaupo na posisyon dahil ito ay maaaring maging sanhi ng blood clots. Ang iyong routine ay hindi rin dapat komplikado. Ang susi ay panatilihing dumadaloy ang iyong dugo at iwasan ang pamumuo ng fat.
Ang ika-14 linggo ng pagbubuntis ay maagang parte ng ikalawang trimester. Asahan ang pagtaas ng lebel ng enerhiya dahil sa na-develop na ang iyong placenta sa ganitong panahon.
Ang iyong pagbubuntis ay magsisimulang magpakita na lumalaki na ang iyong uterus. Sa parehong pagkakataon, ang pisikal na development din ng sanggol ay magtutuloy-tuloy. Ang kanilang facial muscles, mga buto, at iba pang mga organ ay gumagana na rin. Maaari mo ring asahan ang biglaang fluid na paggalaw.
Siguraduhin na kumain nang tama at masustansya upang magbigay ng nutrisyon sa iyong sanggol. Sulitin ang stage na ito na makapag-ehersisyo. Ang fatigue at pagsusuka ay hindi na mangyayari, kaya’t magkilos-kilos habang kaya pa.
Alamin ang higit pa tungkol sa pagiging buntis dito.
[embed-health-tool-due-date]