Sa panganganak ng isang sanggol, kadalasang pinuputol ng mga doktor ang umbilical cord na nakakabit sa baby. Isang minuto pagkatapos nilang lumabas. Gayunpaman, binabago ng lotus birth, o umbilical non-severance, ang proseso. Dito, ipinapanganak ang baby na nakadikit pa rin ang pusod sa inunan. Ligtas ba itong hindi tradisyonal na paraan ng panganganak? Ano ang lotus birth?
Ano ang Lotus Birth?
Para sa tanong na ano ang lotus birth? Isa itong proseso ng panganganak, kung saan ang baby ay ipinapanganak kasama ang inunan at umbilical cord en toto. Ang sanggol, inunan, at pusod ay pinagsasama hanggang sa tuluyang matuyo at mahulog ang pusod. Ang kurdon ay natural na humihiwalay sa pusod ng baby. Pagkatapos ng tatlo hanggang 10 araw.
Ang lotus birth ay katulad ng delayed cord clamping (DCC). Kung saan ang umbilical cord ay hindi na-clamp o naputol kaagad pagkatapos ng kapanganakan. Gayunpaman, sa DCC, tumatagal lamang ng isa hanggang tatlong minuto ito para matapos ang proseso.
Sa proseso ng lotus birth, ang inunan ay pinananatiling nakakabit sa bagong panganak. Sa panahong ito, ang inunan ay patuloy na maghahatid ng dugo sa sanggol hanggang sa ito ay matuyo.
Sa isang lotus birth, ang inunan ay naiwan para matuyo. Ito ay pinapahiran ng asin at mga halamang gamot tulad ng rosemary at thyme. Para matakpan ang amoy at upang mapabilis ang proseso ng pagpapatuyo.
Ano ang lotus birth process?
Bago magpasya kung magsasagawa ng lotus birth, inirerekumenda na tanungin ang iyong pinagkakatiwalaang doktor. Para malaman, kung ikaw at ang iyong baby ay malusog para sa proseso ito.
Ano ang lotus birth procedure?
- Ipinanganak ang sanggol at ang inunan nang walang pag-clamp at pagputol ng pusod. Kung ang pusod ay nakabalot sa leeg ng bagong panganak, dahan-dahang buksan ito at ipagpatuloy ang proseso.
- Kapag huminto sa pagpintig ang pusod, linisin ang inunan ng maligamgam na tubig, at patuyuin ito gamit ang isang absorbent organic fabric. Iwanan ang inunan ng humigit-kumulang 24 na oras para ganap na ma-drain.
- Ang inunan ay nangangailangan ng regular na maintenance. Para maiwasan ang impeksiyon at iba pang panganib sa lotus birth. Itago ang inunan sa isang basket o palayok, habang natatakpan ng asin at mga halamang gamot (rosemary, thyme, lavender). Maaari mo ring ilagay ang inunan sa isang cloth diaper o isang malinis na bag. Siguraduhing i-sanitize at palitan ang basket o ang mga bag araw-araw.
- Bihisan ang iyong sanggol ng maluwag at komportableng damit. Upang maiwasan ang paghila ng pusod. Makakatulong din ito sa sirkulasyon ng hangin na mahalaga para sa kurdon at inunan na matuyo nang maayos at natural na mahulog.
Ano ang lotus birth benefits?
Ang lotus birth ay sinasabing mas espirituwal na approach pagdating sa panganganak. Nilalayon nitong parangalan ang sagradong relasyon sa pagitan ng bagong panganak, inunan, at pusod. Dahil ito ay bagong paraan, wala pang gaanong pag-aaral na magagamit na sumusuporta sa mga claim sa siyentipikong paraan. Para sa tanong na ano ang lotus birth benefits. Narito ang ilan:
- Ang extra oxygenated na dugo sa inunan ay maaaring bumalik sa bagong panganak nang hindi nakakagambala sa dami ng dugo. Nakatutulong ito sa bilang ng pulang selula ng dugo. Nagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo at immune system. Tumutulong sa pag-unlad ng utak, pati na rin nagpapanatili ng temperatura ng katawan.
- Binabawasan nito ang panganib ng impeksyon dahil walang bukas na sugat. Sa lotus birth, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon dahil hindi naputol ang pusod.
- Ang paglipat ng sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa labas ng mundo ay mas payapa. Sa lotus birth, ang pusod ay nagbibigay ng ginhawa sa’yong baby habang umaangkop ito sa mundo sa labas ng sinapupunan.
- Perpektong paggaling ng pusod. Ang pagpapabaya sa pusod na matuyo at ang natural na pagbagsak nito. Pagkatapos ng ilang araw ay nakatutulong sa pusod na gumaling nang maayos.
Nagbibigay ito ng oras para sa ina at bagong panganak na i-enjoy ang mga unang araw ng kapanganakan. Ang lotus birth ay nagbibigay sa ina at anak ng panahon ng pagkaantok. Para makabawi at magkaroon ilang araw na makapag-adjust sa bagong buhay. Habang ang inunan ay nakadikit pa rin sa sanggol, ang ina ay maaaring maging mabagal at kumilos nang mas maingat.
Ano ang lotus birth risks?
Ang bawat uri ng proseso ng panganganak ay may mga panganib. Gayunpaman, dahil ang lotus birth ay isang “mas bago,” at hindi tradisyonal na approach. Higit pang pananaliksik ang kailangan para matiyak ang kaligtasan nito. Narito ang ilang mga panganib na dapat isaalang-alang kung mas gusto mo ang lotus birth.
- Kapag ang inunan ay lumabas sa sinapupunan, ang daloy ng dugo sa inunan ay titigil. Kaya, ang inunan ay magsisimulang malanta. Ito’y itinuturing na dead tissue. Ibig sabihin nito, mas madali itong makakapitan ng impeksyon. Kung pipiliin mong magkaroon ng lotus birth, dapat mong bantayan ng iyong kapareha. Maging ang iyong bagong panganak para sa impeksyon. At ang pagbibigay ng wastong maintenance sa inunan. Dagdag pa, ang umbilical cord sa nabubulok na inunan, ay maaaring magkaroon ng seryosong komplikasyon tulad neonatal infection.
- Ang cord avulsion ay nangyayari kapag ang pusod ay aksidenteng natanggal mula sa pusod ng sanggol (karaniwan sa water birth).
- Risk sa trombosis
- Ang lotus birth ay hindi magiging posible kung ang pusod ay nasira o naputol sa panahon ng panganganak.
Kung ang inunan ay naglalabas ng mabahong amoy, may discoloration, at mukhang hindi ligtas habang nakakabit pa sa’yong bagong panganak. Tawagan kaagad ang iyong doktor para sa agarang medikal na atensyon.
Key Takeaways
Laging tandaan na kumunsulta sa iyong OBGYN at sa midwife na tutulong sa’yo sa panganganak. Ang pagsailalim sa mga hakbang sa pag-iingat bago ang lotus birth ay lubos na inirerekomenda para sa’yo at sa kaligtasan ng iyong sanggol.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-due-date]