backup og meta

Ano ang Dapat Gawin Kapag Palaging Masakit ang Iyong Likod?

Ano ang Dapat Gawin Kapag Palaging Masakit ang Iyong Likod?

Ang pananakit ng likod o tinatawag din na lumbago ay isang karaniwang sakit sa ibabang bahagi ng likod. Bukod sa dulot nitong hindi maginhawang pakiramdam, malaki rin ang epekto nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alamin ang mga dapat gawin kung nararanasan ang paulit-ulit na pananakit ng likod at kung ito ay nangangailangan ng atensyong medikal.

Alamin ang pananakit sa ibabang bahagi ng likod 

Nagsisimula ang pananakit sa ibabang bahagi ng likod mula sa ibaba ng ribcage at tinatawag na lumbar region. 

Ang lumbar region ay binubuo ng ilang mga structure kabilang ang: 

  • Ang 5 lumbar vertebrae ay tinatawag bilang L1 hanggang L5. Ito ang suportang buto sa ibang structures sa ibabang bahagi ng likod. 
  • Sa pagitan ng vertebrae ay ang intervertebral discs. Ito ay patag, bilog, rubbery pads na nagsisilbi bilang shock absorber sa cushion ang gulugod habang gumagalaw. 
  • Matibay na fibrous tissue ang mga ligament at pinagsasama ang mga vertebrae. 
  • Inuugnay ng tendon ang muscle sa mga attachments points nito sa spinal column. 
  • Mayroong mga nerves na gumagalaw palabas ng vertebrae mula sa spinal cord upang maghatid sa mga bahagi ng katawan.

Karaniwan nga ba ang pananakit ng likod? 

Karamihan sa mga tao ay nakararanas ng sakit sa ibabang bahagi ng likod ng ilang beses sa kanilang buhay. Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng National Institute of Neurological Disorders and Stroke (NINDS), tinatayang ang unang pananakit ng ibabang bahagi ng likod na mula sa 6.3% at naging 15.4%. Sa isang episode sa loob ng 1 taon, ang insidente ay 1.5% at naging 36%. Naitala na mahigit sa matatanda ang nakakaranas ng pananakit sa ibabang bahagi ng likod sa loob ng 3 buwan.

Walang anumang sexual na predilection kaugnay sa paulit-ulit na pananakit sa ibabang bahagi ng likod. Ang kalalaan nito ay mula sa dull, walang tigil na sakit, hanggang sa biglaan pagsakit, tumutusok-tusok na sakit at nagpapawala sa kakayahan ng tao sa pisikal na gawain. 

Ang matagal na pananakit ng likod ay nabubuo paglipas ng panahon at maaaring bunga ng pagbabagong may kaugnayan sa edad sa spinal anatomy. Natuklasan na ang sedentary na pamumuhay ay nakakadagdag sa posibilidad ng pagsisimula at paglala ng pananakit ng likod. Partikular sa mga araw maluwag o magaan ang mga gawain sa pagtatrabaho ay naaantala ng pang malakasang mga pisikal na gawain sa katapusan ng linggo.

Uri ng Pananakit ng Likod 

Kadalasan panandalian lamang at nawawala din ang pananakit ng ibabang bahagi ng likod sa loob ng araw o ilang linggo at kusa itong nawawala.

Acute low back pain. Karamihan sa sakit sa ibabang bahagi ng likod ay dulot ng mga gambala na kumukompormiso sa likod. 

Subacute low back pain. Ang kondisyong ito ay tumatagal mula 4 hanggang 12 linggo. 

Chronic back pain. Tumatagal ng 12 linggo ang paulit-ulit na pananakit sa ibabang bahagi ng likod, bagaman mayroong sapat na paggagamot para sa injury at iba pang kondisyon kung mayroon. 

Ano ang mga Sanhi ng Pananakit ng Iyong Likod? 

Ang gulugod o spine ng tao, hindi katulad sa ibang hayop, ay patayo. Ang spine rin ang nagsisilbing daluyan ng nerve mula sa utak konektado sa iba pang bahagi ng katawan upang gumalaw tulad ng paglakad, pagtakbo, at pagsulat. Katulad lang ng iba pang bahagi ng katawan, ang gulugod ay tumatanda at nasisira sa paggamit at napipinsala dulot ng gravity at injury mula sa mga pisikal na gawain. 

Alamin pa ang ibang detalye tungkol sa pinakakaraniwang sanhi ng paulit-ulit na pananakit sa bahagi ng likod. 

Degenerative and Herniated Discs 

Naapektuhan ng Degenerative disc disease (DDD) ang intervertebral discs. Sa pagtanda, ang discs ay numinipis, nawawala ang rubbery consistency, at tumitigas sa pagtagal. Ang pagbabago ng gulugod na may kaugnayan sa edad ay nagreresulta ng arthritis at pagluslos ng disc (slipping).

Ito ay humantong sa pagdagdag ng persyon sa spinal cord at ugat na nagdudulot ng sakit. Ang pagkiskis ng nagninipisang discs ay nagsasanhi ng abnormal na pagtubo ng buto. Osteophytes, ang tawag sa mga butong ito, maaaring magpalala sa sitwasyon kung maiipit ang mga ugat sa spine. 

Spondylolisthesis 

Naapektuhan lamang ng kondisyong ito ang lower vertebrae. Ito ay nangyayari kapag ang vertebra ay dumulas sa ilalim ng iba pang vertebra. Bagaman ito ay nagagamot, ito ay nagdudulot ng tuloy-tuloy na pananakit sa ibabang bahagi ng likod. Ang iba pang sintomas ng nerve compression tulad ng paninigas ng likod, binti, pananakit ng hita, at pamamanhid ng mga binti ay maaaring magkaroon.

Ito ay maaaring namamana. Ang mga kadahilanan na nagpapataas sa panganib na mabuo ito ay ang mabilis sa usual na pagbibinata o pagdadalaga, problema nang ipinanganak, at mga mahihirap na mga aktibidad. 

Scoliosis 

Ang scoliosis ay kondisyon kung saan ang vertebral column ay nakakurba sa isang banda. Ito ay nangyayari sa anumang bahagi ngunit kadalasan sa ibabang bahagi ng likod at dibdib. Ito ay kadalasang nakikita ng bata pa lamang at karaniwan lamang na gumagaling habang lumalaki ang bata. 

Gayunpaman, depende sa kung gaano kalala ang kurba, ang paggagamot ay mahalaga. Ang pag-manage nito ay kabilang ang physiotherapy at pagsusuot ng brace. Ilang pasyente ay maaaring mangailangan ng operasyon. 

Ang tuloy-tuloy na pananakit ng ibabang bahagi ng likod ay karaniwang komplikasyon. Kung ito ay nakaaapekto sa dibdib, maaaring may problema sa baga at mabawasan ang kapasidad sa pag-ehersisyo. 

Spinal stenosis 

Ito ay ang pagkitid ng espasyo sa spinal column. Ito ay resulta ng pagtaas ng presyon sa spinal cord at nerve fibers na lumalabas sa spine. Maaaring lumabas ito saan mang bahagi ng gulugod ngunit kalimitang lumalabas sa lumbar region. Maaaring walang sintomas na maramdaman ang iba. Ngunit maaari ding makaranas ang iba ng tuloy-tuloy na pananakit ng likod na maaaring samahan ng pangingilig, pamamanhid at paghina ng mga kalamnan. 

Muscle or ligament strain 

Ang pamumulikat ng kalamnan ay karaniwang sintomas, ito ay maaaring dulot ng hindi maayos na postura at pagbubuhat ng mabibigat. 

Maliban sa mga direktang sanhi ng pananakit, ang mga malalang kondisyong medikal ang maaaring sanhi. Ang diabetes, problema sa atay, at cancer na kumalat sa gulugod ay maaaring responsable ngunit ito ay hindi karaniwan. Tinatayang nasa 60% na mga kaso na isinailalim sa advance na mga kagamitang medikal tulad ng MRI at CT scans, ng mga sanhi ay maaaring hindi makumpirma.

Pagkonsulta sa Doktor dulot ng Pabalik-balik na Sakit sa Likod 

Kadalasan, ang pananakit ng likod ay kusang nawawala sa loob ng ilang linggo. Kung hindi nawawala o lumala ang pananakit nito, komunsulta sa doktor. 

  • Kung ang pananakit ng likod ay nakaaabala na sa pang-araw araw na gawain at hindi na nakukuha sa pagpapahinga.
  • Umabot ang pananakit sa mga hita
  • Kung mayroong hindi pangkaraniwang pakiramdam o panghihina ng lower limbs. 

Upang ibukod ang mga bihirang pagkakataon kung saan ang sakit ay mula sa malubhang kondisyong medikal, nararapat magpatingin sa doktor kung: 

  • Ito ay sinasamahan ng lagnat
  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
  • Kinahinatnan ng trauma
  • Resulta ng problem sa pag-iihi o pagdudumi. 

Iba pang mga indikasyon upang komunsulta sa doktor: 

  • Kung nararanasan ang unang pagsakit ng likod sa edad na 50.
  • Kung ikaw ay sumailalim ng paggagamot sa cancer noon.

Mahalagang Tandaan 

Ang paulit-ulit na pananakit ng likod ay karaniwang kondisyon na maaaring pinagmulan ng pagdurusa sa hindi maginhawang pakiramdam. Ang mga sanhi ay maaaring mula sa gulugod o sa nakapaligid na mga muscle. Bihira lamang na ito’y dulot ng malubhang sakit tulad ng cancer. Sa karamihan ng mga kaso, ang iba pang maaaring dulot nito ay maaaring hindi matukoy. Kung malala ang sakit o mayroon pang ibang sintomas, iminumungkahi ang pangangalagang medikal.

Matuto pa tungkol sa Orthopedics dito. 

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Back Pain Information Page, https://www.ninds.nih.gov/Disorders/All-Disorders/Back-Pain-Information-Page, Accessed July 2, 2020

Low Back Pain Fact Sheet, ninds.nih.gov/disorders/patient-caregiver-education/fact-sheets/low-back-pain-fact-sheet, Accessed July 2, 2020

Coping with back pain, https://my.clevelandclinic.org/, Accessed July 2, 2020

Back pain, https://www.nhs.uk/conditions/back-pain/, Accessed July 2, 2020

Back pain: When to See a Doctor, https://www.mayoclinic.org/symptoms/back-pain/basics/when-to-see-doctor/sym-20050878, Accessed July 2, 2020

 

Kasalukuyang Version

09/04/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Masama Ba Sa Tuhod Ang Pagtakbo?

Pag-alis ng manas sa paa sa loob 30 minuto, posible nga ba? Alamin dito!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement