backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang Degenerative Disc Disease, At Paano Nagkakaroon Nito?

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD · General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Ano Ang Degenerative Disc Disease, At Paano Nagkakaroon Nito?

    Ibinahagi ng aktor na si Ping Medina na nasa ospital ang kanyang ama sa loob ng 3 linggo matapos ma-diagnose na may Degenerative Disc Disease (DDD) ang veteran actor na si Pen Medina. Kung saan, ito ang naging dahilan kung bakit hindi makatayo o makaupo ang sikat na beteranong aktor. 

    Dagdag pa rito, kaalinsabay ng pagbabahagi ni Ping Medina tungkol sa kondisyon ng ama ay ang paghingi nito ng suporta at tulong sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at katrabaho para sa major spine surgery ng veteran actor noong Martes, Hulyo 19. 

    Ayon sa pahayag ni Ping Medina sa kanyang instagram post aminado sila na hindi sapat ang kanilang savings upang mapunan ang lahat ng medical expenses ng veteran actor dahil naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang acting industry.

    Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.”

    Marami ang nalungkot sa balitang ito dahil kilala si Pen Medina bilang isa sa magaling na aktor na kanyang henerasyon. Kaya naman hindi nakapagtataka kung marami ang interesado sa naging kondisyon ni Pen Medina.

    Basahin ang artikulong ito para malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kondisyon ng veteran actor.

    Ano ang degenerative disc disease?

    Bago natin maintindihan ang degenerative disc disease dapat muna natin malaman ang gamit ng ating mga disc. 

    Huwag mong kakalimutan na mahalaga ang ating disc dahil gumaganap ito bilang shock absorber sa pagitan ng mga buto ng ating gulugod o spine. Kung saan dinisenyo ito para tulungan ang ating likod na manatiling flexible. 

    Sa madaling sabi kapag ang disc ay nasira maaaring magdulot ito ng pagkirot ng katawan, kung saan dito na pumapasok ang kondisyon na tinatawag na degenerative disc disease. Dahil kapag nasira o na-injured ang disc ay wala itong kakayahan na ayusin ang kanyang sarili, at ang degeneration o pagkabulok ng gulugod ay pwedeng mangyari kapag nagkakaedad na ang isang tao.

    Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng degenerative disc disease?

    Bukod sa naunang nabanggit na sanhi sa pagkakaroon ng degenerative disc disease, narito pa ang mga sumusunod na dahilan sa pagkakaroon ng DDD na dapat mong malaman:

    Pagkatuyo ng disc o pagka-dry out

    Nagtataglay ang disc ng softcore na may tubig, at habang tumatanda ka natural na nawawala ang mga tubig na ito at nagiging dahilan para ang disc ay maging manipis at masira.

    Pagkakaroon ng minor injury

    Bagamat nabanggit na sa artikulong ito na ang injury ay maaaring maging sanhi ng DDD, huwag mo pa ring kakalimutan na kahit ang mga minor injury ay pwedeng maging sanhi ng mga small cracks sa iyong spinal disc na pwedeng magdebelop sa degenerative disc disease sa pagtagal.

    Ano ang mga sintomas ng degenerative disc disease?

    Kadalasan makikita ang sintomas ng DDD sa pamamagitan ng pagsakit ng low back at leeg. Kung saan sinasabi na ang pagkirot at pananakit na ito ay pwedeng humantong sa mga sumusunod:

    • Mild hanggang malubhang pagkirot at hindi paggana ng ilang bahagi ng katawan
    • Pagsakit din ng mga braso at kamay
    • Kawalan ng kakayahan sa pag-upo at pagtayo dahil sa masakit na likod
    • Pananakit ng katawan na umaabot hanggang sa puwitan at hita
    • Panghihina ng mga kalamnan ng binti
    • Pagkakaroon ng foot drop na pwedeng maging senyales ng pinsala sa nerve root

    Sinu-sino ang nasa panganib na magkaroon nito?

    Narito ang listahan ng mga nasa panganib na magkaroon ng DDD na dapat mong malaman:

    • Mga taong nasa edad na 30 pataas
    • Indibidwal na madalas ma-injury dahil sa kanilang sports o iba’t ibang aktibidad
    • Mga tao na hindi maayos ang eating habits at lifestyle

    Paano nada-diagnose ang degenerative disc disease?

    Para malaman mo at ng iyong doktor kung mayroon kang DDD, asahan mo na isasagawa sa’yo ang mga sumusunod:

  • Pagrerebyu sa’yong medical history
  • Pagsasagawa ng physical exam gaya ng imaging test (X-rays, MRI, CT Scan)
  • Ano ang degenerative disc disease: Mga Treatment?

    Ang paggamot sa DDD ay nakapokus sa pagpapalakas ng muscles na sumusuporta sa iyong likod at pagpawi sa mga sintomas na nararamdaman.

    Narito ang mga sumusunod na treatment na dapat mong malaman:

    Tandaan na maaari ka ring magsagawa ng pangangalaga sa sarili sa bahay. Narito ang mga sumusunod na pwede mong gawin:

    • Heat at cold therapy
    • Magsagawa ng physical therapy at pag-eehersisyo sa bahay
    • Pagtigil sa paninigarilyo
    • Pagpapanatili ng malusog na timbang
    • I-modify ang mga aktibidad na pwedeng makapwersa sa’yong likod

    Key Takeaways

    Lahat ng tao ay may posibilidad na magkaroon ng degenerative disc disease dahil natural na tumatanda ang bawat indibidwal. Ang mga simpleng aksidente at injury rin ay maaaring maging dahilan ng DDD, pero ang pagkakaroon ng kondisyon na ito ay pwedeng maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle at wastong pag-eehersisyo. 

    Dapat mo ring tandaan na sa oras na mapatunayang may DDD ka dapat kang makinig sa lahat ng medikal na payo, diagnosis at paggamot ng doktor. Hindi ka rin dapat uminom ng mga gamot at magsagawa ng treatment sa bahay ng walang patnubay o “go signal” ng iyong doktor para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.

    Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mae Charisse Antalan, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement