backup og meta

Alamin: Mga Pambihirang Sakit Sa Dila

Alamin: Mga Pambihirang Sakit Sa Dila

Ang glossitis ay tumutukoy sa pamamaga at pambihirang sakit sa dila. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagbabago sa kulay, texture, at anyo ng dila. Kasama rin dito ang pagsakit ng dila na humahantong sa pagkasira ng panlasa. Nagreresulta ito sa kahirapang makakain, makalunok, makalasa, at iba pang mga gawaing kinabibilangan ng paggamit ng bibig at dila.

Ano Ang Sanhi Ng Glossitis?

Ang iba’t ibang sanhi ay maaaring humantong sa glossitis, kabilang na ang mga sumusunod:

  • Anemia. Ang mga taong kulang sa iron o may pernicious anemia ay mas madalas na magkaroon ng glossitis. Ang kakulangan sa suplay ng dugo ay nakaaapekto sa muscles ng dila, na nagreresulta sa pagsakit at pamamaga.
  • Kakulangan sa vitamin B. Ang glossitis ay isa sa mga sintomas ng kakulangan ng vitamin B. Ayon sa pananaliksik, 25% ng mga pasyenteng kulang sa vitamin B ay nakararanas ng pagbabago at pamamaga ng dila.
  • Gamutan. Ang ilang mga gamutan ay maaari ding maging dahilan ng glossitis, tulad ng ACE inhibitors, albuterol, antimicrobial drugs, iniinom na contraceptive pills, at lithium carbonate.
  • Kakulangan sa pag-inom ng tubig. Ang kakulangan sa pag-inom ng tubig ay maaari ding maging dahilan ng glossitis.
  • Irritants. Ang pagdebelop ng glossitis ay karaniwang sanhi ng irritants, tulad ng mga allergy, gawi, at maging trauma. Kabilang dito ang pagkakagat sa dila, pag-inom ng alak, paninigarilyo, pustiso, braces, at allergy sa pagkain, oral hygiene products, at mga gamot.
  • Mga kondisyong autoimmune. Ang impeksyon dulot ng bakterya, yeast, at mga virus ay maaari ding maging sanhi ng glossitis.

Pag-Iwas Sa Glossitis

Walang tiyak na paraan upang maiwasan ang pag-atake at pagdebelop ng glossitis. Ito ay dahil ang kakulangan sa bitamina ay regular nang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng buong mundo. Gayunpaman, natuklasan sa pag-aaral na ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang glossitis, na isang pambihirang sakit sa dila, ay ang pagtanggal sa irritants na sanhi ng pamamaga ng dila.

Paano ma-diagnose ang Glossitis?

Ang mga pasyenteng may glossitis ay sinusuri sa pamamagitan ng mga sumusunod na examination:

  • History. Ang pagsusuri sa mga pasyenteng may glossitis ay kinabibilangan ng pagtatanong tungkol sa nakaraang exposure sa environmental factors tulad ng pagkain na sanhi ng pagkairita ng dila, at mga gawi, tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, at diet plans.
  • Physical examination. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusuri sa pasyenteng maaaring may glossitis. Ang doktor ay magtutuon sa kabuoang dental na kalusugan ng pasyente, itsura ng dila, ang ngipin, at ang ibabang bahagi ng buong bibig.

Ang medical history at pisikal na pagsusuri ay ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusuri sa mga senyales ng glossitis. Gayunpaman, maaaring kailanganin ang mga karagdagang pagsusuri upang matukoy at maging malinaw ang pinakasanhi ng kondisyon.

  • Biopsy. Layunin ng test na ito na alamin ang potensyal na nakatagong sintomas ng ibang sakit. Ito rin ay mahalagang test para sa mga pasyenteng may suspected asymptomatic glossitis upang maiwasan ang mga karagdagang komplikasyon.
  • Pagsusuri sa laboratoryo. Matapos maisagawa ang medical history at pisikal na pagsusuri, mahalaga rin ang pagsusuri sa laboratoryo. Kailangan ang test na ito na kinabibilangan ng hemoglobin test, blood count, HIV test, at thyroid function tests. Gayunpaman, ang mga kailangang test ay nag-iiba batay sa hinihinalang sanhi ng glossitis.
  • Imaging. Kung nakita sa resulta ng biopsy ang hinihinalang sakit, ang pagsusuri sa sakit ay gagawin sa leeg sa pamamagitan ng IV contrast.

Magkakaibang Diagnosis

Malawak ang saklaw ng diagnosis ng pambihirang sakit sa dila na ito. Gayunpaman, maaari itong iuri batay sa mga resulta mula sa pisikal na pagsusuri.

  • Ang dila na may normal na itsura ay maaaring may burning mouth syndrome, diabetic neuropathy, acid reflux, at post-herpetic glossitis.
  • Ang pasyenteng may atrophic glossitis ay maaari ding ma-diagnose na may protein-calorie malnutrition, vitamin B12 deficiency, at candidiasis.
  • Maaaring iugnay sa yellow fever, Kawasaki disease, at toxic shock syndrome ang strawberry tongue.
  • Ang median rhomboid glossitis ay posibleng ma-diagnose ng hemangioma, geographic tongue, at candidiasis.
  • Ang geographic tongue ay posibleng sanhi at ma-diagnose ng dehydration, paninigarilyo, connective tissue disease, and leukoplakia.

Mga Gamutan

Karamihan sa mga sanhi ng glossitis ay hindi nangangailangan ng gamutan at maaaring makontrol sa pamamagitan ng personal na pag-iingat. Gayunpaman, may mga tiyak na gamutan at pagkontrol na maaaring gawin para sa iba’t ibang uri ng glossitis:

  • Atrophic Glossitis. Kung ang glossitis ay ma-diagnose na atrophic, ito ay magagamot sa pamamagitan ng intramuscular injection ng bitamina B12.
  • Median Rhomboid Glossitis. Ang oral antifungal na gamutan para sa median rhomboid glossitis ay maaari lamang gawin kung ito ay symptomatic. Ang antifungal na gamutan para dito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagmumumog at paglunok, o pagdura depende sa nakasaad na paraan.
  • Benign Migratory Glossitis. Ang uring ito ng glossitis ay maaaring magamot sa pamamagitan ng pagmumumog.
  • Geometric Glossitis. Ang acute episodes ng geometric glossitis ay maaaring magamot ng antivirals. Gayunpaman, limitado ang pagiging epektibo ng gamutang ito.
  • Strawberry Tongue. Ang tiyak na gamot para sa kondisyong ito ay ang pag-inom ng vitamin B12 supplements.

Pagkontrol Sa Pambihirang Sakit Sa Dila

Ang gamutan para sa glossitis ay nag-iiba batay sa uri nito. Bukod sa gamutan, maaari ding subukan ang home remedies.

Kabilang dito ang regular na pagmumumog gamit ang karaniwang mouthwash na naglalaman ng iba’t ibang sangkap tulad ng antacids, anesthetics, antihistamines, antimicrobials, at corticosteroids. Gayunpaman, ang mga sangkap na ito ay dapat na inireseta ng mga doktor.

Key Takeaways

Ang glossitis ay ang malawak na terminong ginagamit na tumutukoy sa pambihirang sakit sa dila. Ang mga iba’t ibang uri nito ay may iba’t ibang gamutan na simple at madaling ikontrol. Kabilang sa mga gamutang ito ay ang supplements, mouthwash, at anti-inflammatory medications.
Bukod dito, ang wastong oral hygiene ay ang pinakamahalagang gawin upang mabawasan ang potensyal na komplikasyong kaugnay ng glossitis. Mahalagang gamutin agad ang mga maaagang sintomas ng glossitis dahil kabilang sa mga posibleng komplikasyon ay ang kahirapan sa paghinga at pagsasalita.

Matuto pa tungkol sa Sakit sa Bibig at Gilagid dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tongue problems, https://medlineplus.gov/ency/article/003047.htm, Accessed January 26, 2021

Glossitis, https://medlineplus.gov/ency/article/001053.htm, Accessed January 26, 2021

Glossitis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK560627/, Accessed January 26, 2021

Glossitis secondary to vitamin B12 deficiency anemia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3761039/, Accessed January 26, 2021

Kasalukuyang Version

09/02/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Cancer Sa Dila: Sanhi, Sintomas, Paggamot, At Pag-iwas

Bakit Nagkakaroon ng Puti Puti sa Dila at Papaano ito Malulunasan?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement