backup og meta

Paano Alagaan ang Ngipin at Gilagid? Heto ang Ilang mga Payo

Paano Alagaan ang Ngipin at Gilagid? Heto ang Ilang mga Payo

Talaga namang mas nagiging kaakit-akit ang tao dahil sa kanyang ngiti. Mas nagiging maganda ang ating buhay dahil sa pagngiti. Ngayon, isipin mo ang klase ng ngiti na walang gilagid. Hindi magandang tingnan, ‘di ba? Paano alagaan ang ngipin at gilagid, at bakit mahalaga ang pagpapanatiling malusog ng mga ito? Alamin dito.

Bakit Mahalagang Alagaan ang Ngipin at Gilagid?

Maraming tao ang nakalilimot na alagaan ang kanilang ngipin at gilagid. Ipinapakita sa mga datos na 3.9 bilyong tao ang nakararanas ng ilang uri ng sakit sa bibig. Malaki ang ginagampanan ng mga ngipin upang mabuhay ang tao. Gayunpaman, madalas na nakakalimutan natin ang ating mga gilagid.

Nangangailangan ng parehong pag-aalaga ang ating gilagid tulad sa mga ngipin, sapagkat mahalaga rin ang ginagampanan nito sa ating bibig.

Para Saan ang Ating mga Gilagid?

Sa usapin ng oral na kalusugan, madalas na nakatuon ito sa ating mga ngipin. Ngunit alam mo bang malaki rin ang ginagampanan ng mga gilagid o gingiva? Nakadikit ang ating mga gilagid sa ngipin. Ito ang lumilikha ng proteksiyon sa ugat ng ngipin at buto nito sa ilalim. 

Ang gilagid ang nagpapakapit sa mga ngipin at nagpapanatiling hindi ito mababago ng puwesto.

Ano ang Mangyayari Kung Hindi Ko Aalagaan ang Aking mga Gilagid?

Kapag may kondisyon sa gilagid ang isang tao, mayroong impeksiyon at pamamagang nakapipinsala sa soft tissues na nakapalibot sa ngipin. Ang pangunahing sanhi nito ay ang wastong kalinisan ng bibig. Hindi lamang ito nakasasama sa iyong gilagid kundi maging sa iyong mga ngipin. 

Kung hindi mo aalagaan ang iyong gilagid, hindi mo maiiwasang magkaroon ng sakit dito. May dalawang pangunahing uri ng gum diseases o sakit sa gilagid:

Gingivitis

Gingivitis ang unang stage ng gum disease na maaaring magdulot ng pamamaga at pamumula ng gilagid. Puwedeng magkaroon ng madaling pagdurugo sa gilagid ang taong may gingivitis, ngunit kadalasang walang nararamdamang sakit o discomfort dito. 

Maaari ding maging sanhi ng mabahong hininga at receding gums (pag-atras o pagliit ng gums) ang gingivitis na nakaaapekto sa self-esteem ng isang tao. Mabuti na lang, puwede itong mabago. Kadalasang treatment sa gingivitis ang palagiang pagsasagawa ng good oral hygiene. Madalas mangyari ang ganitong kondisyon ngunit hindi mahirap iwasan.

Periodontitis

Kung hindi magagamot ang gingivitis, puwede itong maging periodontitis na mas malalang klase ng sakit sa gilagid. Pumapasok ang bacteria hanggang sa ilalim ng gumline. Habang lumalala ang impeksiyon, humihiwalay ang gilagid sa ngipin at napipinsala pang lalo ang tissue at buto ng ngipin.

Maaaring magdulot ng pagkawala ng ngipin ang periodontitis, na puwede lang maremedyuhan gamit ang pustiso. Puwede ring pumasok sa iyong bloodstream ang bacteria na sanhi ng impeksiyong ito sa pamamagitan ng pagdaan sa gumline na mayroong seryosong epekto sa iyong kalusugan. 

Ang gum disease ay naiuugnay sa iba pang kondisyon tulad ng:

Anong Habit ang Makatutulong Upang Mapanatiling Malusog ang Ngipin at Gilagid?

Ang magandang balita sa mga gum disease, kasama ang iba pang problemang may kinalaman sa bibig, ay madali itong maiwasan. Gayunpaman, ang pag-aalaga sa iyong gilagid at kung paano alagaan ang ngipin ay parehong kailangan. Holistic (o pangkabuoang) approach ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang pagkasira ng mga ngipin, gum disease, at iba pang kondisyong maaaring makasama sa iyong bibig. 

Pagsisipilyo

Alam ng lahat kung paano magsipilyo. Gayunpaman, hindi lahat ay nakaaalam kung paano tamang sipilyuhin ang kanilang mga ngipin. Paggamit ng toothbrush at toothpaste upang labanan ang plaque ang ibig sabihin ng tamang pagsisipilyo ng mga ngipin.  Narito ang ilang bagay na dapat tandaan kung paano alagaan ang ngipin:

Dalawang beses na magsipilyo ng ngipin, araw-araw

Inirekomenda ng American Dental Association na dapat magsipilyo nang dalawang beses ang tao kada araw. May ilang ekspertong nagsasabi na magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain upang matanggal ang anumang natirang pagkain sa ngipin.

Gayunpaman, tiyaking iwasan ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos na pagkatapos kumain o uminom ng acidic (o maaasim) dahil maaaring maging dahilan ito upang ang enamel (o coating) sa iyong ngipin ay mag-break down.  

Huwag kalimutan ang dila

Bumili ng toothbrush na mayroon nang panlinis ng dila. Maaaring may mga bacteria na sa ibabaw ng iyong dila na puwedeng makapinsala sa iyong gilagid at ngipin. 

Gumamit ng tamang toothbrush at toothpaste

Tiyaking gumamit ng toothbrush na may fluoride, na nakatutulong upang mas maging resistant ang enamel sa bacteria. Bukod dyan, gumamit ng toothbrush na may malambot at maninipis na hibla na kayang maabot ang ilang bahagi ng gumline.

Palitan ang iyong toothbrush: kung ang mga hibla nito ay nasira na o hindi na pantay, oras na upang palitan ng bagong toothbrush.

Teknik ang susi

Huwag magmadali kapag nagsisipilyo ng ngipin. Kapag nagahol ka, maaaring hindi mo malinis nang tama ang iyong ngipin. Gawin ang tamang teknik sa pagsisipilyo ng ngipin:

  • Ipuwesto ang iyong toothbrush sa anggulong 45 degrees mula sa iyong gum line.
  • Tiyaking masisipilyo mo ang labas, loob, at biting surfaces ng iyong mga ngipin.
  • Linisin ang loobang parte ng iyong mga ngipin sa pamamagitan ng pag-anggulo ng iyong toothbrush nang patayo, at pagkuskos nang taas-baba.

Paraan ng Paggamit ng Floss

Kung hindi ka gumagamit ng floss, baka puwede mong ikonsidera ito. Nililinis ng flossing ang pagi-pagitan ng mga ngipin at ibabaw ng gumline. Ito ang mga lugar na madalas magkaroon ng plaque. Kung magsisimula kang mag-flossing, narito ang ilang tip na dapat tandaan:

    • Magdahan-dahan: gawin ang back and forth motion upang maging madali ang pag-floss ng iyong ngipin. Maaaring dumugo ang gilagid kapag pabigla-bigla itong ginawa.
    • Gawin ito sa bawat ngipin: tiyaking mag-floss sa lahat ng pagitan ng ngipin. Mukhang matagal itong gawin, ngunit 2 minuto lang talaga ang kailangan upang matapos ito!
    • Gawin ito araw-araw: Ang pag-floss ng ngipin isang beses kada araw ay may positibong epekto sa kalusugan ng iyong gilagid, at sa kabuoang kalusugan ng iyong bibig.

Iba pang paraan kung paano alagaan ang ngipin at gilagid:

Huminto sa paninigarilyo

Nakapagpapahina ng immune system ang paninigarilyo, kaya’t hindi ito gaanong nagiging epektibo sa paglaban sa mga impeksiyon. Kung mayroon ka nang gum disease, mas mahirap gumaling ang impeksiyon dahil sa paninigarilyo. 

Key Takeaways

Anong habit ang makatutulong kung paano alagaan ang ngipin at gilagid? Wastong pagsisipilyo at flossing ng mga ngipin ang susi dito. Para sa mga naninigarilyo, makatutulong din ang pag-iwas sa tobacco upang gumanda ang kalusugan ng iyong gilagid.

Matuto pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oral Health, https://www.fdiworlddental.org/oral-health/ask-the-dentist/facts-figures-and-stats, Accessed Dec 23, 2020

Types of Gum Disease, https://www.perio.org/consumer/types-gum-disease.html, Accessed Dec 23, 2020

Gingivitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gingivitis/symptoms-causes/syc-20354453, Accessed Dec 23, 2020

Peridontitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/periodontitis/symptoms-causes/syc-20354473#:~:text=Periodontitis%20(per%2De%2Do%2Ddon,is%20common%20but%20largely%20preventable, Accessed Dec 23, 2020

Health Risks of Gum Disease, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/health-risks-of-gum-disease/, Accessed Dec 23, 2020

Brushing Your Teeth, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/brushing-your-teeth/faq-20058193, Accessed Dec 23, 2020

Brushing Your Teeth, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/brushing-your-teeth/faq-20058193, Accessed Dec 23, 2020

Brushing Your Teeth, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/b/brushing-your-teeth, Accessed Dec 23, 2020

Periodontal Gum Disease, https://www.cdc.gov/tobacco/campaign/tips/diseases/periodontal-gum-disease.html#:~:text=In%20severe%20cases%2C%20it%20can,disease%20in%20the%20United%20States.&text=Gum%20disease%20starts%20with%20bacteria,tartar%20(hardened%20plaque)%20develop, Accessed Dec 23, 2020

 

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pambihirang Sakit Sa Dila

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement