backup og meta

Pangingilo Ng Ngipin: Sanhi, Sintomas, At Paggamot

Pangingilo Ng Ngipin: Sanhi, Sintomas, At Paggamot

Ang pagkain ba ng malamig na ice cream, gayundin ang paghigop ng mainit na kape isang masakit na karanasan para sa iyo? Isama mo na rin ang pagsisipilyo na nagpapangiwi na sayo. Lahat ito ay nagpapahiwatig ng pangingilo ng ngipin.

Ang pagkakaroon ng sensitibong ngipin ay nagdudulot ng hindi magandang karanasan lalo na sa pagkain at pag-inom. Ngunit hindi ka nag-iisa dahil ito ay pangkaraniwan na kondisyon. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong 2013, isa sa walong taong bumisita sa dentista ay nakaranas ng sensitibong ngipin.

Ano ang rason sa pangingilo ng ngipin?

Nagiging sensitibo ang iyong ngipin kapag nalantad ang nasa ilalim na coating o dentin dahil sa sa pag-urong ng gilagid. Ang gilagid mo ang tumatakip at nagbibigay proteksyon sa mga ugat ng ngipin. 

Ang mga ugat na ito ay may libo-libong maliliit na dental tubules na responsable sa pag abot ng stimuli ng mainit o malamig na pagkain sa ngipin. Kapag hindi natakpan ng matigas na enamel ang mga ugat, makakaramdam ka ng pananakit o pangingilo.

Sanhi ng pangingilo ng ngipin

Maraming dahilan kung bakit may pangingilo sa ngipin kabilang na ang sumusunod:

  • Hindi maingat na pag sipilyo

Ang paggamit ng matigas na sipilyo, o ang pag ba-brush ng mabilis at hindi maingat ay maaaring makasira sa enamel. Ito ay posibleng magresulta sa paglantad ng dentin. Maaari rin itong maging sanhi ng pag-urong ng gilagid.

Ang pamamaga ng gilagid ay maaaring magdulot ng pangingilo dahil sa pagkawala ng sumusuporta sa mga ligament. Dahil dito, nalalantad ang ibabaw ng ugat na direktang humahantong sa nerve ng ngipin.

  • Pag-urong ng gilagid

Kapag lumalayo ang iyong gilagid sa ngipin, mareresulta ito sa pagkalantad ng ibabaw ng ugat. Ito ay maaaring maging resulta ng mga kondisyon gaya ng periodontal disease.

Ang bitak o cracked na ngipin ay maaaring mapuno ng bacteria mula sa plaque. Pag ito ay nakapasok sa pulp, magdudulot ito ng pamamaga.

  • Paggamit ng mga produkto para sa ngipin

Ang mga produktong nagpapaputi ng ngipin o toothpaste na may baking soda at peroxide ay pangunahing dahilan ng pangingilo ng ngipin.

  • Paggiling ng ngipin

Nakakasira din ng enamel ang paggiling o pagdikit ng iyong mga ngipin. Kalaunan ito ay magre-resulta sa pagkalantad ng dentin.

Maaaring mangyari ang pangingilo matapos kang magpalinis ng ngipin o magpalagay ng pasta sa ngipin. Ang pangingilo dulot ng mga dental procedures ay pansamantala at kadalasang nawawala sa loob ng 4 hanggang 6 na linggo.

  • Paggamit ng mouthwash

Sa kalaunan, ang paggamit ng mouthwash na naglalaman ng acid ay maaaring magpalala ng pangingilo ng ngipin. Ang mga acid ay lalong nakakasira sa dentin layer ng ngipin.

  • Mga acidic na pagkain

 Ang regular na pagkonsumo ng mga pagkaing may mataas na acid content, tulad ng mga citrus fruit, kamatis, atsara at tsaa, ay maaaring magdulot ng enamel erosion.

Sintomas ng pangingilo ng ngipin

Maaari kang makaranas ng iba’t-ibang sintomas kapag sensitibo ang iyong ngipin depende sa kung ano ang totoong sanhi nito. Kabilang dito ang:

  • Halitosis o mabahong hininga 
  • Ang pag-urong pamumula at pamamaga ng gilagid
  • Mga pag-click o popping na ingay kapag binubuksan o isinasara ang bibig
  • Heartburn
  • Sakit sa panga o kalamnan ng mukha
  • Trismus o  kawalan ng kakayahang ganap na buksan ang bibig)
  • Pagbaba ng timbang

Paggamot sa pangingilo ng ngipin

Kadalasan ay pansamantala lamang ang pagiging sensitibo ng iyong ngipin. Kung hindi naman ito sanhi ng ibang karamdaman maaari itong magamot sa pamamagitan ng:

  • Paggamit ng desensitizing toothpaste

Ang toothpaste na ito ay naglalaman ng mga compound na nakakatulong na harangan ang paghahatid ng sensasyon mula sa ibabaw ng ngipin patungo sa nerve. Karaniwan itong nangangailangan ng ilang aplikasyon bago mabawasan ang pangingilo.

  • Pagpapalagay ng dental crown, inlay o bonding

 Maaaring gamitin ang mga ito upang itama ang depekto o pagkabulok ng ngipin na nagreresulta sa pagiging sensitibo nito.

  • Surgical gum graft

Ginagawa ito kung nawala ang gum tissue mula sa ugat. Mapoprotektahan nito ang ugat at mababawasan ang sensitivity.

  • Root canal

Kung ang sensitivity ay malubha at hindi magamot sa ibang paraan, maaaring irekomenda ng iyong dentista ang paggamot na ito upang maalis ang problema.

Bago pa man magsimula ang pangingilo ng ngipin, iwasan na ito sa pamamagitan ng pag siguro ng wastong kalinisan sa bibig. Maaaring mag-rekomenda ang iyong dentista ng pang-araw-araw na oral hygiene routine para sa iyo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/sensitive-teeth/faq-20057854#:~:text=He%20or%20she%20can%20identify,pain%20associated%20with%20sensitive%20teeth.https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/10954-teeth-sensitivityhttps://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19363967/https://www.webmd.com/oral-health/guide/tooth-sensitivityhttps://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/s/sensitive-teethhttps://www.medicalnewstoday.com/articles/324731

Kasalukuyang Version

09/25/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Bulok Na Ngipin: Sanhi, Sintomas, Gamot, At Pag-iwas

Sungki Na Ngipin Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Dito, At Paano Ito Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement