backup og meta

Ano Ang Lunas Sa Sensitive Na Ngipin?

Ano Ang Lunas Sa Sensitive Na Ngipin?

Kung nakararamdam ng hindi komportableng pakiramdam sa tuwing nagsisipilyo at nagfo-floss o kumakain, malamang ito ay sanhi ng sensitive na ngipin. Maaari itong makahadlang sa mga tao na gawain ang ilang mga aktibidad. Kaya naman mahalagang malaman kung ano talaga ang mga sanhi nito at kung paano ito lunasan. Ano nga ba ang lunas sa sensitive na ngipin? Alamin sa artikulong ito.

Ano-Ano Ang Mga Sanhi Ng Sensitive Na Ngipin?

Ang sensitive na ngipin ay kadalasang sanhi ng pagkakalantad ng mga ugat ng ngipin at pagkasira ng enamel. Ang enamel ay ang pinakataas na bahagi ng ngipin sa itaas ng gilagid. Ito ay nagsisilbing layer na nagbibigay proteksyon sa mga ngipin. Mayroon ding iba pang mga salik na dumaragdag sa sanhi ng sensitive na ngipin tulad ng mga sumusunod:

Cavities

Ang cavities ay ang mga pagkasirang matatagpuan sa matigas na bahagi ng ngipin. Totoong makapagpapalubha ito sa kondisyon ng ngipin kung hindi agad ipagagamot. Ito ay dahil ang cavities ay lumalaki kung matagal bago gamutin.

Madiin Na Pagsisipilyo

Ang madiin na pagsisipilyo ay nagiging sanhi rin ng sensitive na ngipin. Hindi magandang ideya ang madiin na magsipilyo ng ngipin ay dahil unti-unti nitong inaalis ang enamel sa ngipin. Dagdag pa, ang maling paraan at matigas na bristles ng toothbrush ay maaari ding maging sanhi nito.

Dental Erosion

Nangyayari ito kung kumakain at umiinom ng mga pagkain at inuming acidic. Nakatutunaw ito ng enamel sa ngipin at nakapaglalantad sa lahat ng nasa ilalim nito. Dito nagmumula ang pagiging sensitive ng ngipin.

Ang acids mula sa tiyan pagkatapos sumuka dahil sa bulimia o GERD ay maaari ding humantong sa dental erosion. Pagdating sa pagbibigay ng solusyon sa sensitive na ngipin, mainam na tugunan ang iba pang mga medikal na problema.

Tooth Grinding

Kapag ang isang tao ay nagsasagawa ng tooth grinding, ito ay lubhang nakasisira sa enamel. Kalaunan, hahantong ito sa sensitive na ngipin.

Mga Basag Na Ngipin At Sira-Sirang Loob Nito

Ang mga ito ay sanhi rin ng sensitive na ngipin. Dulot ito ng bitak sa ibabaw ng ngipin o ngiping umaabot na hanggang sa ugat at kung minsan sa gum line. Kapag nagkaroon ng kontak ang mainit at malamig na temperatura sa mga sirang ngipin, nagiging dahilan ito upang makaranas ng pagsakit ng ngipin.

Pag-Urong Ng Mga Gilagid

Ang pag-urong ng mga gilagid ay natural na nangyayari habang tumatanda. Kapag nangyari ito, nalalantad nito ang mga ugat ng ngipin. Dahil ang mga ito ay walang anomang layer na nagbibigay ng proteksyon, ito ay maaaring magiging sanhi ng sensitivity na ngipin.

Sakit Sa Gilagid

Ang sakit sa gilagid ay sanhi ng pamumuo ng tartar o plaque. Kung hindi ito agad ipagagamot, masisira nito ang bony support ng ngipin. Kalaunan, ang mga ngipin ay magkakaroon ng “pocket” sa paligid ng ngipin at magiging sanhi ng sensitive na ngipin.

Pagpapaputi Ng Ngipin

Ang mga taong sumailalim sa pagpapaputi ng ngipin ay maaaring makaramdam ng pansamantalang pagsakit at pagiging sensitive ng ngipin. Pagdating sa pagbibigay ng lunas sa sensitive na ngipin, maaaring gustuhing maghanap ng iba pang mas maayos na paraan ng pagpapaputi ng ngiti.

Ano Ang Lunas Sa Sensitive Na Ngipin?

Pagdating sa tanong tungkol na “Ano ang lunas sa sensitive na ngipin?” may dalawang opsyong maaaring pagpilian. Una, maaari silang kumonsulta sa kanilang dentista at ipasuri ang kanilang mga ngipin. Ikalawa, maaari nilang piliin ang home remedies upang maibsan ang sakit at mabigyan ng lunas ang sensitive na ngipin.

Pagkonsulta Sa Dentista

  • Susuriin ng dentista ang mga ngipin ng pasyente at tutukuyin ang sanhi ng sensitive na ngipin.
  • Magrerekomenda ang dentista ng ilang mga produkto sa pasyente upang maibsan ang sensitive na ngipin. Ang mga produktong ito ay tulad ng fluoride toothpaste o desensitizing toothpaste.
  • Kung makita ng dentista na malubha ang sanhi ng pagiging sensitive na ngipin, magsasagawa siya ng mga kinakailangang paraan upang ayusin ang sensitive na ngipin.
  • Maglalagay ang dentista ng fluoride gel sa ngipin ng pasyente upang patibayin ang enamel ng ngipin at mapagagaan ang sensations ng ngipin.
  • Maaari ding magsagawa ang dentista ng dental crown o dental bonding procedure upang ayusin ang anumang sira sa ngipin.
  • Ang dentista ay maaari ding magsagawa ng surgical gum craft kung ang pasyente ay kinakikitaan ng mga senyales ng pagkawala ng gilagid mula sa ugat. Ginagawa ang operasyong ito sa pamamagitan ng pagkuha ng bahagi ng gum tissue mula sa ibang bahagi ng bibig at inilapat sa apektadong bahagi.
  • Para sa mga mas malulubhang kaso, gagawin ang root canal. Nangyayari ito kapag ang lahat ng iba pang mga paraang nabanggit ay hindi magiging epektibo para sa pasyente.

Home Remedies Para Sa Sensitive Na Ngipin

Pagdating sa pagbibigay ng lunas sa sensitive na ngipin at mga tamang gamutan, inirerekomenda ang pagkonsulta sa dentista upang malaman kung anong brand at uri ng toothpaste ang dapat nilang gamitin. Kadalasan, iminumungkahi ang fluoride toothpaste upang ayusin ang mga hindi gaanong malubhang sensitive na ngipin. Inirerekomenda ng mga dentista ang paglalagay ng ganitong uri ng toothpaste dalawang beses sa isang araw kung ang pasyente ay may regular na hygiene sa ngipin.

Paano Maiiwasan Ang Sensitive Na Ngipin?

Ano ang lunas sa sensitive na ngipin? Bagama’t may mga available na opsyon para sa gamutan, ang pag-iwas sa pagkakaroon ng sensitive na ngipin ay kadalasang mas mainam. Narito ang mga maaari gawin.

  • Laging siguraduhing ang oral hygiene ay regular na ginagawa. Dapat sipilyuhin ang mga ngipin nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw. Iminumungkahi ang paggamit ng fluoride toothpaste na partikular na ginawa para sa sensitive na ngipin. Iwasan ang madiin na pagsisipilyo ng ngipin at ang pagsisipilyo nang side to side. Sa halip, gawing dahan-dahan at gumawa ng maliliit na bilog na kilos habang nagsisipilyo.
  • Iwasan ang pagkain ng masyadong maraming acidic at matatamis na mga pagkain.
  • Ang toothbrush ay dapat regular na palitan makalipas ang dalawa hanggang tatlong buwan.
  • Kung gusto paputiin ang mga ngipin, ipinapayong kumonsulta sa  dentista bago isagawa ang prosesong ito upang maging handa na makaranas ng sensitive na ngipin.
  • Iwasan ang agad na pagsisipilyo matapos kumain. Ang ilang mga partikular na pagkain ay nakapagpapalambot sa enamel ng ngipin. Kaya naman, mas mainam na magpalipas muna ng kahit isang oras bago magsipilyo.
  • May ilang taong hindi malay na nagasagawa ng tooth grinding, lalo na kapag tulog. Papayuhan sila ng dentista na magsuot ng mouthguard upang maiwasan itong mangyari.
  • Laging regular na magpakonsulta sa dentista.

Key Takeaways

Ano ang lunas sa sensitive na ngipin? Ang sensitive na ngipin ay talagang karaniwang problema ng maraming mga tao. Ngunit ito ay maaaring maiwasan bago pa man mangyari. Mahalagang magkaroon ng mabuting hygiene sa bibig upang maiwasan ang iba pang mga problema sa ngipin. Bukod dito, dapat ding regular na kumonsulta sa dentista upang matiyak na mapanatili ang malusog na kalusugan ng bibig.

Matuto pa tungkol sa Mga Dental Conditions dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Causes of Sensitive Teeth, https://www.dentalhealth.org/sensitive-teeth, Accessed February 13, 2021

Cavities, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cavities/symptoms-causes/syc-20352892, Accessed February 13, 2021

Cracked Teeth, https://www.dentalhealth.org/cracked-teeth, Accessed February 13, 2021

Sensitive Teeth Treatments, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/s/sensitive-teeth, Accessed February 13, 2021

Sensitive Teeth Prevention, https://www.dentalhealth.org/sensitive-teeth, Accessed February 13, 2021

 

Kasalukuyang Version

04/12/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Heto Ang Ilang Mga Paraan Paano Makaiwas Sa Tooth Decay

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement