backup og meta

Kailangan Ba Talaga Ng Braces?

Kailangan Ba Talaga Ng Braces?

Kailangan ba talaga ng braces na karaniwang ginagamit upang ituwid ang mga ngipin na hindi magkatugma? Maaaring magastos at hindi maginhawa ang proseso kung kailangan mo nito, ngunit ang corrective dental braces ay may mataas na antas ng tagumpay. Nag-iiwan ito ng mga benepisyo sa kalusugan ng bibig na higit pa sa perpektong ngiti. Ang mga braces ay kadalasang inirereseta sa panahon ng pagkabata. Ngunit mas madalas na kumukuha ng braces ang mga adults. Sa katunayan, 20% ng mga taong may braces ngayon ay naka kanilang adulthood na. 

Ang mga senyales na nangangailangan ng braces ang isang nasa hustong gulang ay maaaring mag-iba ayon sa edad at pangkalahatang kalusugan ng ngipin. Naging pangkaraniwan na ang mga pang-adult na braces. At ang resulta mula sa mga pang-adult na  braces ay kadalasang positibo. Napagpasyahan ng isang survey noong 1998 na ang pangangailangan sa mga braces ay mas karaniwan. Tinatantya na 35% lamang ng mga nasa hustong gulang ang may maayos na pagkakahanay ng mga ngipin.

Ang mga sintomas na maaaring magpahiwatig kung kailangan ba talaga ng braces ay kinabibilangan ng:

  • Ngipin na baluktot o masikip
  • Nahihirapang mag-floss sa pagitan at magsipilyo sa mga baluktot na ngipin
  • Madalas na kinakagat ang iyong dila o hinihiwa ang iyong dila sa iyong mga ngipin
  • Mga ngipin na hindi nagsasara nang maayos kapag ang iyong bibig ay at rest
  • Kahirapan sa pagbigkas ng ilang mga tunog dahil sa posisyon ng iyong dila sa ilalim ng iyong mga ngipin
  • Mga panga na nag-click o gumagawa ng mga ingay kapag ngumunguya 

Ano ang orthodontics?

Ang Orthodontics ay ang dental specialty na nakatuon sa pagsusuri, pag-iwas, at pagwawasto ng mga iregularidad ng ngipin, kagat, at panga. Mayroon din silang espesyal na pagsasanay sa mga problema sa mukha at mga sakit sa panga. Maaari kang magpatingin sa isang orthodontist pagkatapos makakuha ng referral mula sa iyong general dentist. Maaaring imungkahi ng iyong dentista ang orthodontist ng paggamot upang mapabuti ang iyong kagat at ang itsura ng iyong mukha at ngipin. Ang American Association of Orthodontists ay nagpapayo na ang bawat bata ay dapat may orthodontic evaluation sa edad na 7. Ang orthodontic na paggamot ay karaniwang gumagamit ng mga braces. Ito ay kadalasang ginagamit upang mapabuti ang itsura at pagkakahanay ng mga baluktot, nakausli o masikip na ngipin. Ito rin ang gamit at upang itama ang mga problema sa kagat ng ngipin.

Kailangan ba talaga ng braces? Ano ang sabi ng orthodontics?

Ang orthodontics ay nagsasangkot ng paggamit ng mga braces upang itama ang posisyon ng mga ngipin depende ang eksaktong paggamot sa problema ng iyong mga ngipin. Sa maliit na bilang ng mga kaso, maaaring kailanganin mong:

  • Magsuot ng headgear
  • Pansamantalang ilagay ang maliit na pin sa iyong panga 
  • Pagsusuot ng brace
  • Kung ang iyong mga ngipin ay napakalapit at magkapatong, maaaring kailanganin mo ring tanggalin ang ilang mga ngipin bilang bahagi ng paggamot.

Ang tagal ng paggamot ay depende sa kung gaano kakomplikado ang problema. Ngunit karaniwan itong nasa pagitan ng 18 at 24 na buwan. Kapag natapos na ang paggamot, kakailanganin mong magsuot ng retaining brace. Ito ay karaniwang naaalis at kailangang isuot tuwing gabi. Mapanatili nito ang iyong mga ngipin sa kanilang bagong posisyon. Karaniwang ginagamit ang mga ito nang hindi bababa sa 12 buwan. Minsan ang isang manipis na wire ay maaaring permanenteng naayos sa likod ng iyong mga ngipin upang mapanatili ang mga ito sa lugar.

Kailangan ba talaga ang braces sa kahit anong edad?

Ang mga dental braces ay nagtutuwid ng iyong mga ngipin. Ito ay nagwawasto ng malawak na hanay ng mga isyu sa orthodontics tulad ng:

  • Mga baluktot na ngipin.
  • Siksikan ang ngipin.
  • Nakanganga ang mga ngipin.
  • Malocclusion o mga isyu sa paraan ng pagkakatugma ng iyong mga ngipin

Maraming mga bata at kabataan ang nagsusuot ng mga braces. Ngunit ang mga pang-adult braces ay karaniwan din. Sa katunayan, humigit-kumulang 20% ​​ng lahat ng orthodontic na pasyente sa United States ay higit sa edad na 18. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga orthodontist ay naglalagay ng mga braces. Ngunit ang ilang mga pangkalahatang dentista ay nag-aalok din nito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Orthodontics

https://www.nhs.uk/conditions/orthodontics/#:~:text=Orthodontics%20involves%20the%20use%20of,well%20as%20wearing%20a%20brace.

Does your child really need braces

https://undark.org/2020/07/20/does-your-child-really-need-braces/#:~:text=According%20to%20the%20organization’s%20website,persistent%20jaw%20pain%20and%20headaches.

Who needs braces

https://www.healthline.com/health/do-i-need-braces

Teeth braces

https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/24601-teeth-braces

Braces

https://www.webmd.com/oral-health/braces-and-retainers

Braces

https://www.mouthhealthy.org/all-topics-a-z/braces

 

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Bulok Na Ngipin: Sanhi, Sintomas, Gamot, At Pag-iwas

Sungki Na Ngipin Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Dito, At Paano Ito Maiiwasan?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement