Ang mga ulcer sa dila ay kadalasang mga canker sore na lumalabas sa dila. Karaniwang nagsisimula ang mga ito na maliliit na papules o protrusions sa dila. Ang ilan ay mild at maaaring gamutin. Ang iba ay malubha at maaaring sintomas ng lichen planus, oral cancer, pulmonary tuberculosis, at iba pang malubhang sakit na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. May ilang kaso na hindi karaniwang napapagaling, pero hindi naglalagay ng banta.
May tatlong kategorya ang ulcer sa dila- acute, chronic, at recurrent o paulit-ulit. Maaari pang higit na mauri sa sub-groups ang mga ito batay sa lubha at tagal ng ulcer.
Sintomas ng Ulcer sa Dila
Nasa ibaba ang mga karaniwang sintomas ng kondisyong medikal:
- Masakit na dila na may iba’t ibang sakit depende kung gaano kalubha
- Mga paltos
- Burning sensation sa loob at paligid ng apektadong lugar
- Lagnat, na maaaring paulit-ulit na kondisyon
- Hirap sa paglunok
- Hindi makakain ng mainit o warm food
- Masakit na bilog o hugis-itlog na namamaga na mga sugat sa loob ng bibig
- Makikita sa loob ng pisngi, labi, o dila
- Maaaring puti, pula, dilaw ang kulay
- Maaaring higit sa isa
Mga sanhi
Ang mga karaniwang sanhi ng ulcer sa dila ay ang mga sumusunod:
- Mga microbial agent tulad ng bacteria, viral infection (tulad ng herpes simplex gingivostomatitis sa mga bata), at fungal infection
- Trauma dahil sa hindi angkop na mga pustiso, braces, matalas/naputol na ngipin o hindi regular na tooth filling
- Hindi sinasadyang pagkagat
- Abrasion ng dila dahil sa matutulis na dulo ng ngipin
- Labis na pagkonsumo ng mga citrus food
- Kakulangan sa bitamina B12, iron, at folic acid
- Mga autoimmune disorder, kung saan inaatake ng immune system ang katawan, na mali ang interpretasyon nito bilang isang foreign antibody
- Matagal na oral administration ng corticosteroids
- Iba pang mga gamot tulad ng mga antithyroid, nicorandil, at cytotoxic agent
- Sa panahon ng pagbubuntis dahil sa mga pagbabago sa hormones
- Mga malalang sakit na autoimmune tulad ng inflammatory bowel disease (IBD), celiac disease, o Behçet’s disease
- Genetic na kondisyon
- Mga unang stage ng pagtigil sa paninigarilyo
- Pagkain o pag-inom ng napakainit o maanghang na pagkain – na maaaring makapinsala sa mucosa
- Matigas na toothbrush o matapang na toothpaste – na maaaring makapinsala sa iyong gilagid
- Aksidenteng nakagat ang iyong dila o loob ng pisngi
- Stress at pagkabalisa
- Allergy o intolerance sa ilang mga pagkain
- Ilang mga gamot tulad ng mga NSAID at beta-blocker
Pag-diagnose ng Ulcer sa Dila
Ang diagnostic process para sa ulcer sa dila ay depende sa bilang ng mga ulcer, kalubhaan at lokasyon ng kondisyon. Kumbinasyon ng physical examination at pagsisiyasat ng mga sintomas at pag-inom ng gamot.
Pagkatapos maingat na pag-aralan ang mga sintomas, magpapasya ang doktor kung kinakailangan ang mga medical test.
Para sa mga ulcer sa dila na gustong siyasatin pa ng doktor, maaaring imungkahi ang mga biopsy at iba pang diagnostic tests. Ginagawa ang biopsy sa mga ulcer na hindi pa gumagaling sa loob ng 3 linggo. Ito ay upang maalis ang panganib ng malalang impeksyon. Kung naghihinala ang doktor na ang ulcer sa dila ay dahil kulang sa bitamina, allergic reaction, o autoimmune disorder, maaaring magrekomenda ng iba pang mga pagsusuri.
Treatment
Ang mga ulcer sa dila o bibig anuman ang kanilang lokasyon ay kadalasang nawawala ng kusa sa loob ng 10-14 na araw. Kung kinakailangan, narito ang mga treatment options:
- Ang mga ulcer sa dila dahil sa trauma, na nabuo sa loob ng isang linggo, ay maaaring epektibong gamutin ng anesthetic anti-inflammatory throat spray o mouthwash. Nakakatulong ang mga ito sa pagpapagaling ng ulcer at pagpapanatili ng magandang oral hygiene.
- Kadalasang ginagamot ng topical drugs ang mga sugat na nagpapahirap sa pagkain at pag-inom. Ito ay kung nagtatagal sila ng higit sa dalawang linggo at hindi gumagaling ng kusa.
- Maaring makatulong ang non-prescription pain relievers tulad ng acetaminophen at ibuprofen kung sakaling ang mga ulcer ay mild at hindi kumplikado.
Pagbabago sa Pamumuhay at Home Remedies para sa Ulcer sa Dila
Narito ang ilang pagbabago sa pamumuhay at home remedies kung may ulcer ka sa dila:
- Huwag kumain ng sobrang maahang, maalat, o acidic na mga pagkain.
- Iwasan ang mga acidic na pagkain tulad ng mga kamatis at lemon.
- Huwag kumain ng masyadong maanghang, maalat, o acidic na pagkain.
- Iwasan ang acidic na pagkain tulad ng mga kamatis at lemon.
- Iwasan ang matigas, malutong na pagkain tulad ng potato chips, nuts, pizza, atbp.
- Gamitin ang medicated toothpaste at mouthwash na inireseta ng iyong doktor. Kung walang advice ng doktor, bumili ng isa na hindi naglalaman ng SLS.
- Iwasang gumamit ng toothpaste na naglalaman ng sodium lauryl sulphate.
- Siguraduhing mag-ingat na huwag masipilyo sa iyong mga ulcer.
- Uminom ng mga likido tulad ng malamig na inumin sa pamamagitan ng straw.
- Gumamit ng soft-bristled toothbrush.
- Uminom ng malamig na likido sa pamamagitan ng straw.
- Kumain ng mas malambot na pagkain.
- Gawin ang regular dental check-ups.
- Kumain ng malusog, balanseng diet.
- Huwag kumain ng magaspang, malutong na pagkain, tulad ng toast o chips.
- Iwasan ang masyadong mainit o acidic na inumin, tulad ng fruit juice.
Kung ang ulcer sa dila ay pabalik-balik, tumatagal ng higit sa tatlong linggo, nagiging mas masakit, namumula, o manhid, maaaring ito ay isang maagang senyales ng oral cancer. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor para sa higit na kaalaman.