backup og meta

Alamin: Bakit Nagkakaroon Ng Impacted Na Ngipin, At Ano Ang Solusyon Dito?

Alamin: Bakit Nagkakaroon Ng Impacted Na Ngipin, At Ano Ang Solusyon Dito?

Maaring narinig mo ang iyong dentista na nagsabi na mayroon kang impacted na ngipin, ngunit hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin nito. Ano ang pinagkaiba nito sa pagkakaroon ng bulok na ngipin? Ano ang maaaring solusyon para rito? Alamin ang mga kasagutan sa mga katanungang ito. 

Ano Ang Impacted Na Ngipin?

Sa orthodontic o dental terms, ang salitang “impacted” ay nangangahulugang ang isang ngipin ay hindi pa nag-eerupt sa panahong inaasahan ito. Maaari ring hindi ito lumalabas dahil wala itong puwang o maaaring papunta ito sa maling direksyon o posisyon. Kadalasang nagkakaroon ng impacted wisdom tooth ang mga tinedyer o mga matatanda.

Ang wisdom teeth, o third molars, ay tumutukoy sa huling hanay na tumutubong ngipin. Karaniwang lumalabas ang mga ito sa pagitan ng edad na 17 at 25. Minsan, ang wisdom teeth ay tumutubo sa pagkakahanay sa iba pang ngipin. Hindi naman ito nagiging sanhi ng anumang mga problema. Ngunit, mayroong ibang mga pagkakataon kung saan ang mga ngipin ay bahagyang o ganap na nakakulong sa gilagid o panga. Ito ang tinuturing na impaction. Bagaman madalas na naaapektuhan ang wisdom teeth, posible ring magkaroon ng ibang impacted na ngipin. 

Maaari itong magdulot ng iba’t ibang problema sa oral na kalusugan, kabilang ang mga cavity, sakit sa gilagid, at impeksiyon.

Paano Mo Malalaman Kung Mayroon Kang Impacted Na Ngipin?

Hindi naman palaging nagdudulot ng mga sintomas ang pagkakaroon ng impacted na ngipin. Gayunpaman, kapag nahawaan ng impacted wisdom tooth ang ibang ngipin, nagdudulot ito ng iba pang problema sa ngipin. 

Ilan sa mga sintomas na maaari mong maranasan ay:

Ang iyong dentista ay magsasagawa ng pagsusuri at magtatanong tungkol sa iyong sintomas. Bukod pa rito, magkakaroon din ng dental x-ray upang makita kung mayroong naapektuhan na mga ngipin o bahagi ng panga. 

Paano Nakaapekto Ang Impacted Na Ngipin Sa Kalusugan?

Kapag hindi naayos at nabigyan ng treatment, maaaring magdulot ito ng ilang problema at mga komplikasyon tulad ng mga sumusunod:

  • Pinsala sa iba pang mga ngipin. Kung ang wisdom tooth ay tumutulak sa pangalawang molar, maaari itong makapinsala o makadagdag ng panganib sa impeksyon. Higit pa rito, ang presyon ay maaari ring humantong sa mga problema sa pagsisiksikan ng iba pang mga ngipin. Maaaring itong mangailangan ng orthodontic treatment para maituwid ang iba pang mga ngipin. 
  • Cysts. Ang wisdom tooth ay tumutubo sa isang sac sa loob ng jawbone. Maaaring mapuno ng likido ang naturang sac, dahilan para magkaroon ng cyst na siyang makakapinsala sa panga, ngipin, at nerves. Bihira namang nabubuo ang isang tumor. Kung mangyari man, ito ay kadalasang benign. Ngunit, maaaring kailanganin nito ng pagtanggal ng tissue at mga buto. 
  • Pagkabulok. Mas malaki ang panganib ng partially impacted wisdom teeth na humantong sa pagkabulok. Ito ay marahil ang mga wisdom teeth ay mahirap linisin at dahil ang mga pagkain at bacteria ay madaling makulong sa pagitan ng gilagid at partially erupted tooth. 
  • Gum disease. Katulad ng nabanggit, mahirap linisin kapag mayroong impacted na ngipin. Dahil dito, maaaring magsimula ang pericoronitis sa paligid nito. 

Ano Ang Solusyon Sa Impacted Na Ngipin?

Karaniwang inirerekomenda ang pagsasagawa ng wisdom tooth removal, lalo na kung ang ngipin ay nagdudulot na ng pananakit, impeksyon, o iba pang dental damage. Karamihan sa mga dentista ay ikinokonsidera ang nasabing oral surgery procedure bilang isang hakbang upang mabawasan ang posibleng panganib.

Ngunit, katulad ng iba pang mga surgical procedures, ang pagsasagawa nito ay may kaakibat na potensyal na panganib at komplikasyon. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Dry sockets
  • Impeksyon
  • Pinsala sa iba pang malalapit na struktura

Gayunpaman, karamihan sa mga taong sumasailalim dito ay ganap na gumagaling matapos ang isa hanggang sa dalawang linggo. 

Key Takeaways

Isa sa mga karaniwang isyu sa oral na kalusugan ang pagkakaroon ng impacted wisdom tooth. Bagaman hindi ito basta-bastang maiiwasan, may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang mabawasan ang paglala nito. Ang pagpapanatili ng good oral hygiene ang pinakamainam at pinakamadaling paraan dito. Sigurudahing regular na magpacheck-up din sa iyong dentista upang maagapan ang anumang oral na kondisyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Impacted tooth, https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/impacted-tooth, Accessed August 19, 2022

Impacted Wisdom Teeth, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22296-impacted-wisdom-teeth, Accessed August 19, 2022

Impacted wisdom tooth, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/wisdom-teeth/symptoms-causes/syc-20373808, Accessed August 19, 2022

What Are Impacted Wisdom Teeth?, https://kidshealth.org/en/teens/impacted-teeth.html, Accessed August 19, 2022

What Is An Impacted Tooth?, https://www3.aaoinfo.org/blog/what-is-an-impacted-tooth/#:~:text=You%20may%20have%20heard%20the,the%20wrong%20direction%20or%20position, Accessed August 19, 2022

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Sakit Ng Ngipin: Ano Ba Ang Mabisang Solusyon?

Paano Alagaan ang Ngipin at Gilagid? Heto ang Ilang mga Payo


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement