Pagkain para sa bagong bunot ng ngipin ang dapat ihanda bago pa man pumunta sa dentista upang magpabunot. Nakakatakot mang isipin ang buong proseso, isipin mo na lang na mas magiging komportable ka pagkatapos nito. Maaari nang magpaalam sa sakit ng ngipin at sa mga problemang posibleng idulot nito.
Normal na proseso lamang ang pagpapabunot ng ngipin. Sa pangkalahatan, isang dentista ang nag-aalis ng ngipin upang magbigay daan sa braces o sa dental prosthetics. Subalit, may mga komplikadong sitwasyon kung saan isang oral surgeon ang kinakailangang mag alis ng ngipin. Huwag mag-alala dahil gagamit naman ang dentista ng pampamanhid upang di mo gaanong maramdaman o mabawasan ang sakit.
[embed-health-tool-bmi]
Mga dahilan sa pagbunot ng ngipin
Bago itanong kung ano ang mga pagkain para sa bagong bunot ng ngipin, mas mabuting alamin muna ang mga dahilan kung bakit kailangang bunutin ang ngipin. Maaari namang ayusin ang ngiping nasisira o nabubulok na sa pamamagitan ng filling, korona o ipa pang pamamaraan. Subalit minsan, masyado nang malubha ang pinsala kung kaya nirerekomenda na ng dentista ang pagbunot ng ngipin.
Ito ang mga dahilan kung bakit dapat bunutin ang ngipin:
- Sakit sa gilagid
- Dental cavities
- Impeksyon sa ngipin
- Komplikasyon sa wisdom tooth
- Trauma o pinsala sa ngipin a nakapaligid na buto
- Paghahanda sa dental braces
- Kapag hindi nalagas ang ngipin ng sanggol sa tamang edad
Pagkain para sa bagong bunot na ngipin
Uminom ng maraming likido pagkatapos magpabunot ng ngipin. Maaring kumain pero siguraduhin na pumili ng malambot at masustansiyang pagkain. Huwag munang ngumuya nga pagkain sa mismong lugar na pinagbunutan ng ngipin. Bagkus, mas mabuting sa tapat o sa gilid lamang ngumuya. Dahan-dahang kumain uli ng mga solidong pagkain kapag naging komportable na muli ang pagnguya.
Iwasang kumain ng matigas at malutong na pagkain mga ilang araw pagkatapos magpabunot ng ngipin. Iwasan ang paggamit ng straw kapag umiinom ng likido upang maiwasan ang pagkatanggal ng natuyong dugo. Maari itong maging dahilan ng pagkatuyo ng sockets o ng lugar na pinanggalingan ng ngipin.
Listahan ng mga pagkain para sa bagong bunot ng ngipin
Sopas
Ang mga pagkaing maaari mong kainin ay depende sa pamamaraan ng pagbunot at sa sitwasyon ng iyong ngipin. Maaari kang magsimula sa mga likidong pagkain pagkatapos magpabunot tulad ng sopas.
Ang mga sopas na gawa sa pinaghalong kamatis, kalabasa, o sibuyas ay perpektong opsyon kapag bagong bunot ang iyong ngipin. Hindi lang malasa ang mga ito, ngunit puno pa ito ng mga gulay na mayaman sa sustansya. Makakatulong ito upang mapanatili kang malakas at matulungan kang mapabilis ang iyong paggaling. Ang mga pinaghalo na sopas ay nagbibigay din ng hydration, na mahalaga pagkatapos ng pagbunot ng ngipin.
Ice cream isang pagkain para sa bagong bunot ng ngipin
Maraming mga dentista ang nagmumungkahi na kumain ng ice cream pagkatapos magpabunot ng ngipin upang mapigilan ang pagdurugo ng iyong gilagid. Pinapaginhawa din nito ang sakit na maaaring idulot ng pagbunot ng ngipin.
Ang mga malamig na pagkain ay maaring makatulong na maibsan ang sitwasyon na hindi komportable kapag nagpabunot ng ngipin. Ang pagkain ng ice cream ay nirerekomenda sa loob ng 24 oras pagkatapos magpabunot ng ngipin.
Karaniwan ang pamamaga pagkatapos ng pagbunot ng ngipin. Maaaring mawal ang epekto ng local anesthesia na ibinigay ng iyong dentista matapos ang ilang oras. Dapat kang kumain ng ice cream bago ito mangyari upang mabawasan ang pamamaga at sakit pagkatapos ng bunutan.
Pudding at oatmeal
Kapag nagsimula nang bumuti ang iyong pakiramdam, maaari mong subukang kumain ng mas matitigas na pagkain. Sa ikatlong araw pagkatapos ng operasyon, ang oatmeal ay maaaring maging pagkain para sa bagong bunot ng ngipin. Pwede mo ring subukan ang malambot na itlog at toast.
Pagkain para sa bagong bunot ng ngipin bakit dapat sundin
Asahan ang bahagyang sakit at kabawasan sa komportableng pakiramdam pagkatapos magpabunot ng ngipin. Pangkaraniwan ng nagrereseta ang dentista ng gamot para maibsan ang sakit at pamamaga. Makakatulong ang paglalagay ng ice pack sa iyong pisngi upang mabawasan ang pamamaga nito.
Dapat lang na sundin ang mga pagkaing malambot kapag nagpabunot ng ngipin upang maiwasan ang mga komplikasyon. Maaari kang magsimulang kumain ng mga karaniwang pagkain pagkatapos ng tatlong araw. Gayunpaman, iwasan ang napakainit, maanghang, acidic, malagkit, at malutong na pagkain hanggang sa ganap na gumaling ang iyong gilagid at buto ng panga.