backup og meta

Gamot Sa Monkeypox: Ano Ang Makatutulong Sa Paggamot Ng Virus?

Gamot Sa Monkeypox: Ano Ang Makatutulong Sa Paggamot Ng Virus?

Kaliwa’t kanan na ang diskusyon tungkol sa kung ano ang monkeypox matapos ikumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa bansa. At isa sa mga karaniwang tanong ng nakararami ay — ano ang gamot sa monkeypox? Ating alamin sa pagbabasa ng artikulong ito. 

Pag-Unawa Kung Ano Ang Monkeypox

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang monkeypox ay isang viral infection na dulot ng monkeypox virus. Ang naturang virus ay nagmula sa parehas na pamilya ng mga virus gaya ng virus na nagdudulot ng smallpox. Kung kaya, mapapansin mong halos magkatulad ang mga sintomas ng dalawang sakit. Bagaman itinuturing ang monkeypox bilang isang bihirang kondisyon, mas banayad ito at hindi nakamamatay kumpara sa smallpox. Bukod sa smallpox, marami ring nag-aakala na may kaugnayan ito sa chickenpox o bulutong. Ito ay marahil magkatunog sa pangalan at parehas din nagkakaroon ng mga butlig, subalit hindi ito tumutukoy sa iisang bagay lamang. 

Ang hindi alam ng nakararami ay unang natukoy at umusbong ang monkeypox noong 1970 sa Democratic Republic of the Congo. Ayon sa CDC, ang unang kaso ay isang siyam na buwang gulang na lalaki sa isang rehiyon kung saan ang smallpox ay nawala noong 1968. Kaugnay nito, nagkaroon din ng dalawang outbreaks ng pox-like disease na nangyari sa mga grupo ng mga unggoy na ginagamit para sa pananaliksik. Ito ay pangunahing kumakalat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa mga apektadong daga, ngunit kung minsan ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng skin-to-skin contact. Binabalaan ang mga tao na iwasan ang pakikipaghalubilo sa mga taong mayroong ganitong sakit. 

Mayroong dalawang kilalang uri ng monkeypox virus, isa mula sa Central Africa at isa sa West Africa. Ang kasalukuyang lumalaganap ngayon ay sanhi ng virus mula sa West Africa, ngunit hindi naman ito gaanong malubha. 

gamot sa monkeypox

Ano Ang Mga Sintomas Ng Monkeypox?

Sinuman ay maaring mahawaan ng monkeypox, mapa bata o matanda. Ilan sa mga maagang sintomas ng monkeypox ay kinabibilangan ng mga sintomas para sa trangkaso tulad ng mga sumusunod:

Matapos ng ilang araw, nagsisimula na umusbong ang mga rashes bilang flat at mapupulang mga bukol na maaaring maging masakit. Kalaunan, ang mga ito ay nagiging paltos at puno ng nana na namumuo at naglalagas. Bukod sa mga bukol, maaari ka ring magkaroon ng mga sugat sa iyong bibig. Kung minsan, mayroon din sa vagina o anus kapag nakuha ang sakit mula sa sexual contact. Dahil dito, marami ang naghahanap na ng posibleng gamot sa monkeypox. 

Ano Ang Gamot Sa Monkeypox?

Dahil ito ay itinuturing na self-limiting disease, karamihan sa mga nahahawaan nito ay gumagaling at hindi na nangangailangan ng iba pang gamot. Ngunit, ang ilang mga taong malubha ang karamdaman ay maaaring mangailan ng paggamot. 

Sa kasalukuyan, wala pang partikular na gamot sa monkeypox. Kadalasan, ito ay ginagamot sa pamamagitan ng antiviral agents dahil ito ay kinokonsidera naman bilang hindi nalalayong kamag-anak ng smallpox. Gumagamit ng mga antiviral treatment tulad ng tecovirimat upang maiwasan at magamot ang naturang kondisyon. Ang ibinibigay na bakuna rin para sa smallpox ay nakatutulong bilang karagdagang proteksyon mula sa monkeypox. 

Key Takeaways

Hindi na magkandamayaw ang mga tao sa tuluyang paglaganap ng monkeypox sa ibat ibang bansa. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pananaliksik ng mga eksperto tungkol sa mga mahahalagang impormasyon upang masugpo ang transmisyon nito sa mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng gamot sa monkeypox. Pansamantala, panatilihin ang pag-iwas muna sa mga taong apektado nito at ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Viral Infections dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Monkeypox, https://www.cdc.gov/poxvirus/monkeypox/about.html Accessed August 3, 2022

Monkeypox, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/monkeypox Accessed August 3, 2022

Monkeypox, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/monkeypox Accessed August 3, 2022

Monkeypox, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22371-monkeypox Accessed August 3, 2022

Monkeypox, https://www.nhs.uk/conditions/monkeypox/ Accessed August 3, 2022

Treatment Information for Healthcare Professionals, https://www.cdc.gov/poxvirus/monkeypox/clinicians/treatment.html Accessed August 3, 2022

Kasalukuyang Version

11/08/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Dapat gawin Kapag may COVID ang Buong Pamilya?

First Case Of Monkeypox Sa Pilipinas, Ikinumpirma Ng DOH


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement