Ang meningitis ay impeksyon kung saan ang mga lining na pumoprotekta sa utak at spinal cord ay mamaga. Maaaring ito ay sanhi ng bacteria, viruses, sakuna, kanser, gamutan, at ibang pang pinagmumulan.
Ang meningitis ay potensyal na nakamamatay. Maaaring lumala ang sintomas nito kung walang maagang diagnosis at lunas. Karagdagan, mahalaga na maaga matukoy nang tama ang mga sintomas nito.
Ang mga sintomas ng meningitis ay maranasan ng mas maaga sa inaasahan. Maaaring mabuo ang mga senyales ng sakit sa loob ng isang linggo matapos ma-expose sa pinagmulan ng impeksyon. Kadalasan na napagkakamalan ang meningitis na regular na trangkaso dahil nagkakaparehas sila ng sintomas. Ngunit ano ang unang senyales ng meningitis? Upang maayos na matukoy ang mga sintomas ng meningitis, maaari mong matukoy nang maaga ito bago pa mahuli ang lahat.
Ano ang unang senyales ng meningitis?
Lahat ay may banta na magkaroon ng meningitis. Sa unang mga oras ng impeksyon, ang pasyente ay maaaring magpakita ng maraming mga sintomas na tulad ng ordinaryong trangkaso. Ang mga sintomas na ito ay maaaring mabuo matapos ang ilang mga oras o araw, depende sa sanhi ng impeksyon.
Ang mga sintomas ay iba-iba depende sa saklaw ng kanilang edad. Narito ang maagang senyales ng meningitis na hindi mo dapat balewalain.
Unang senyales ng meningitis sa mga sanggol
Madalas ang viral meningitis ay karaniwang nangyayari sa mga bata sa edad na lima pababa. Ilan sa mga sintomas na maaaring makita ay ang regular na lagnat sa pagkabata. Ngunit ang sintomas ng meningitis ay maaaring mabilis na mag-develop at lumala. Kung naiisip mo na mayroong sintomas ng meningitis ang iyong sanggol, agad na humingi ng medikal na tulong.
Narito ang mga senyales ng meningitis sa mga sanggol:
- Mataas na temperatura
- Labis na panginginig
- Mahabang tulog
- Hirap at mabilis na paghinga
- Kawalan ng gana kumain
- Hindi karaniwang pag-ungol o grunting
- Pagsusuka, na minsan ay may kasamang pagtatae
- Rashes at pasa sa balat
- Nanlalamig na mga kamay at paa
- Pagiging iritable ng hindi mawari ang dahilan
- Lubog na bunbunan
- Kawalan ng lakas sa paggalaw
Unang senyales ng meningitis sa toddlers
Ang banta ng meningitis sa toddlers, o mga batang nasa edad 1 hanggang 3 taong gulang, ay mas mataas kaysa mga sanggol. Ito ang stage kung saan ang bata ay humahawak at kumukuha o sinusubukan na nguyain kung anong nasa paligid nila. Kabilang ang laruan at mga dumi. Bantayan ang paglalaro ng bata lalo na kung sila ay naglalaro sa labas. Kung napansin mo ang mga sumusunod na sintomas, humingi agad ng medikal na tulong:
- Mataas na lagnat
- Malalang sakit ng ulo
- Panginginig
- Minsanang pagsusuka
- Hirap sa paghinga o mabilis na paghinga
- Minsanang paninigas ng leeg o stiff neck
- Pagiging sensitibo sa liwanag o mabilis masilaw sa liwanag
- Pagkalito
- Pagkaantok
- Kombulsyon
- Lubog na bunbunan
- Rash sa kahit na anong parte ng katawan
- Iritable at ayaw kumain
- Kawalan ng lakas sa paggalaw
Unang senyales ng meningitis sa teenagers
Ang meningitis ay may banta rin sa buhay maging sa mga teenagers. Maaaring mabuo ang mga sintomas nang mabilis, maaaring matapos lang ang ilang oras. Ang pag-alam ng maagang senyales ng meningitis ay susi upang maayos na malunasan ito bago pa lumala. Narito ang mga unang senyales ng meningitis sa matanda:
- Mataas na lagnat
- Malalang sakit ng ulo
- Panginginig
- Minsanang paninigas ng leeg o stiff neck
- Panlalamig ng mga kamay at paa
- Pamumutla
- Pagiging sensitibo sa liwanag o mabilis masilaw sa liwanag
- Sakit sa kalamnan at kasukasuan
- Pagkahilo, hirap sa paggising, o pakiramdam na parang lutang
- Nahihirapan o mabilis na paghinga
- Seizures
- Rashes sa balat
Unang senyales ng meningitis sa matanda
Ano ang unang senyales ng meningitis sa mga matatanda? Karaniwang mahirap na matukoy ang unang senyales ng meningitis sa kanila. Karamihan sa mga kaso ay maaaring makaranas ng ilan sa mga sintomas bilang resulta ng ibang mga komplikasyon at kondisyon sa kalusugan. Ang pinaka natutukoy na sintomas na maaaring maiugnay sa meningitis ay ang pagkalito. Narito ang listahan ng mga sintomas na kailangan mong tingnan para sa matatanda:
- Malalang sakit ng ulo
- Pagkahilo
- Biglaang lagnat
- Stiff neck
- Pagkalito at pakiramdam ng lutang
- Kombulsyon
- Pagiging iritable
- Stroke
Kung naobserbahan ang kahit na ano sa mga senyales at sintomas na ito, mainam na agarang magpatingin sa doktor.
Pag-iwas sa meningitis
Maaaring humantong ang meningitis sa pagkamatay kung hindi maayos na lulunasan at gagamutin. Ang pagpapatagal bago masuri ay maaaring humantong sa permanenteng pinsala sa utak, pagkawala ng pandinig, o learning disabilities.
Huwag ipagpaliban ang mga bakuna na maaaring makatulong sa pag-iwas ng meningitis. Ang maayos na hygiene at malusog na lifestyle ay maaaring makabawas sa banta ng pagiging infected. Tingnan ang iyong kinakain, at panatilihin ang kapaligiran na malinis at walang mikrobyo. Tandaan, ang meningitis ay nakamamatay. Pagkatiwalaan ang iyong instinct at huwag maghintay sa mga sintomas na maaaring lumalala at magbigay ng banta sa buhay.
Mahalagang Tandaan
Ang mga unang senyales ng meningitis ay ang mataas na lagnat, malalang sakit ng ulo, at pagkalito. Ang maagang pagtukoy sa meningitis ay susi upang masiguro ang tagumpay ng pagpapagamot.
Matuto pa tungkol sa Nakahahawang Sakit dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.