Ang pag-alam sa mga sintomas ng meningitis ay mahalaga upang malaman kung kailan dapat ito ipagamot at upang maiwasan ang maaaring mga malulubhang epekto ng kondisyong ito. Subalit ano ang meningitis? Ano-ano ang mga sintomas nito? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Meningitis?
Nangyayari ang meningitis kung may pamamaga ng meninges, o ang membranes na nakapaligid sa spinal cord at utak. Sinoman ay maaaring magkaroon ng meningitis, anoman ang kanyang edad. Ito ay madaling kumalat lalo na sa mga taong may close contact sa pasyenteng sa mayroon nito.
Maraming iba’t ibang uri ng meningitis batay sa kung ano ang sanhi ng pamamaga. Ito ay ang mga sumusunod:
- Bacterial meningitis
- Viral meningitis
- Fungal meningitis
- Parasitic meningitis
- Amebic meningitis
- Non-infectious meningitis
Narito ang mga sintomas ng meningitis.
Ano Ang Meningitis? Mga Sintomas Nito
Ang iba’t ibang mga uri ng meningitis ay maaaring may ilang mga pagkakatulad pagdating sa usapin ng mga sintomas ng mga ito.
Mga Sintomas Ng Bacterial Meningitis
Narito ang mga biglaang sintomas na maaaring maranasan ng isang taong may bacterial meningitis:
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Paninigas ng leeg
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Pagkalito
- Pagiging sensitibo ng mga mata sa liwanag (photophobia)
Ang mga sanggol na may bacterial meningitis ay maaaring kakitaan ng mga sumusunod na sintomas:
- Pagiging iritable
- Pagsusuka
- Pagiging hindi aktibo o matamlay
- Mahina kumain
May ibang mga bagay na maaari ding indikasyon na ang isang sanggol ay may bacterial meningitis, tulad ng nakaumbok na fontanelle (malambot na bahaging matatagpuan sa ulo ng sanggol), o hindi normal na reflexes. Kung ang sanggol ay kakitaan ng mga sintomas na ito, dapat itong isugod agad sa ospital.
Sa usapin ng bacterial meningitis, ang mga sintomas ay maaaring makita o maranasan makalipas ang 3 hanggang 7 araw ng pagiging lantad.
Mahalaga ang agarang gamutan. Kung hahayaan lamang ang bacterial meningitis at hindi ipagagamot, maaari itong humantong sa mga mas malulubhang sintomas tulad ng coma at pangingisay. Kaya, kung may mapansing anomang mga senyales o sintomas nito, agad na pumunta sa ospital.
Mga Sintomas Ng Viral Meningitis
Naarito ang listahan ng mga sintomas ng viral meningitis. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Paninigas ng leeg
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pagsusuka
- Pagiging iritable
- Pagduduwal
- Pagiging sensitibo ng mga mata sa liwanag
- Kawalan ng ganang kumain
- Pagkaantok o nahihirapang gumising
Ang mga karagdagang sintomas na maaaring makita sa mga sanggol ay ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Kawalan ng lakas
- Pagkaantok o nahihirapang gisingin mula sa pagkakatulog
- Mahina kumain
Sa kaso ng viral meningitis, magsisimulang bumuti ang pakiramdam ng isang tao makalipas ang 7 hanggang 10 araw. Sa kabilang ng pagkakaroon ng ilang mga katulad na sintomas sa bacterial meningitis, ang viral meningitis ay hindi kasinglubha ng bacterial meningitis.
Mga Sintomas Ng Fungal Meningitis
Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang sintomas ng fungal meningitis:
- Paninigas ng leeg
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pagkalito
- Pagiging sensitibo ng mga mata sa liwanag
- Pagsusuka
- Pagduduwal
Mga Sintomas Ng Parasitic Meningitis
Isang bihirang uri ng meningitis na tinatawag na EM (eosinophilic meningoencephalitis) ang parasitic meningitis. Ang EM ay sanhi ng tatlong magkakaibang parasite — A. cantonensis, B. procyonis, at G. spinigerum. Maaaring ang mga ito ay makaapekto sa mga mata.
Ang mga taong may mga sintomas ng EM ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagkalito
- Pananakit ng ulo
- Paninigas ng leeg
- Pagiging sensitibo ng mga mata sa liwanag
Ang mga taong may EM na sanhi ng A. cantonensis ay maaaring kakitaan ng mga sumusunod na karagdagang sintomas:
- Sinat
- Masakit na pakiramdam sa kanilang balat
Ang mga taong naimpeksyon ng Baylisascaris, na nagmula sa raccoons na naimpeksyon ng B. procyonis, ay maaaaring makaranas ng mga malulubhang sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Coma
- Paralysis o panghihina
- Permanenteng kapansanan
- Kawalan ng kontrol sa muscle
- Kamatayan
Mga Sintomas Ng Amebic Meningitis
Ang mga maagang yugto ng amebic meningitis ay katulad ng sa bacterial meningitis. Narito ang mga panimulang sintomas ng amebic meningitis, na nararanasan matapos 1 hanggang 7 araw mula nang maimpeksyon:
- Pagduduwal
- Pananakit ng ulo
- Lagnat
- Paninigas ng leeg
- Pagsusuka
Ang mga sintomas na maaaring maranas makalipas ay ang mga sumusunod:
Malubha ang amebic meningitis. Kung magsimulang maranasan ang mga sintomas na iro, mabilis na lulubha ang kondisyong ito at maaaring maging sanhi ng kamatayan sa loob ng 1 hanggang 12 araw.
Mga Sintomas Ng Non-Infectious Meningitis
Ang non-infectious meningitis ay isang uri ng meningitis na hindi makahahawa sa ibang mga tao.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng non-infectious meningitis ay ang mga sumusunod;
- Paninigas ng leeg
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
Kabilang sa iba pang mga sintomas ang mga sumusunod:
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Pagkalito
- Pagiging sensitibo ng mga mata sa liwanag
Key Takeaways
Nangyayari ang meningitis kung ang meninges ay namamaga. Ang mga sintomas ng iba’t ibang uri ng meningitis ay maaaring magkakatulad kaya mahalaga ang pagpunta sa ospital para sa wastong diagnosis at gamutan. Kung ang mga sintomas ng meningitis ay malubha o hindi, dapat pa ring maging maingat at magpakonsulta agad sa doktor.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Meningitis dito.