backup og meta

Ano Ang Amoebic Meningitis? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Ano Ang Amoebic Meningitis? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Ano ang amoebic meningitis? Ang Amoebic Meningitis ay kilala rin sa tawag na Primary Amoebic Meningoencephalitis (PAM). Ito ay isang mapanganib na brain inflammatory na sakit. Ang impeksyon ay dala ng tiyak na free-living amoeba na tinatawag na Naegleria fowleri.

Isang “brain eating amoeba,”  ang Naegleria fowleri, na nabubuo sa mainit, at stagnant na tubig tulad ng lawa at ilog na may temperatura na 25°C – 40°C. Ang mga swimming pool na hindi madalas nilalagyan o hindi sapat ang tapang ng chlorine at mga spa na hindi regular na nailinis ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng partikular na amoeba na ito.

Karaniwan ang kaso ng amoebic meningitis sa mga bata at young adults. Ang amoeba na ito ay maaaring pumasok sa central nervous system sa pamamagitan ng kanilang ilong kung sila ay lumangoy sa kontaminadong tubig. Kung umabot ito sa utak, magreresulta ito sa impeksyon at pagkasira ng tissue, na humahantong sa pagkamatay sa mga kasong nagpapakita ng malalang sintomas. Gayunpaman, hindi maaaring makakuha ng PAM ang isang tao sa pamamagitan ng paglunok ng infected na tubig.

Pagkakaiba ng Kaso ng Amoebic Meningitis

Mayroon ding ibang mga uri ng amoebic meningitis na sanhi ng iba’t ibang amoebas. Magkaiba ang primary amoebic meningoencephalitis (PAM) sa ibang mga kilalang uri tulad ng granulomatous amoebic encephalitis (GAE). Ang GAE ay isa pang nakamamatay na impeksyon na sanhi ng species na Balamuthia at Acanthamoeba, na karaniwang pumapasok sa pamamagitan ng balat at mga baga.

Ang GAE ay isang uri ng amebic encephalitis na nakaaapekto sa mga tao na may mas mahinang immune system o mayroon nang mahinang kondisyon. Mas nagpapatuloy ito nang dahan-dahan kumpara sa PAM. 

Senyales at Sintomas

Ang pangunahing sintomas ng amoebic meningitis na mga kaso ay halos tulad ng bacterial meningitis. Nagpapakita ang mga karaniwang sintomas ng nasa 1-9 na mga araw matapos ang impeksyon at kabilang dito ang:

  • Labis na sakit ng ulo
  • Lagnat
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Meningeal irritation (na karaniwang humahantong sa neck stiffness at pagiging sensitibo sa liwanag)

Ang ibang mga senyales na maaaring magpakita kalaunan ay:

  • Lethargy (dullness o inactivity)
  • Pagkahilo at pagkalito
  • Kawalan ng balanse
  • Visual disturbances
  • Seizures
  • Hallucinations
  • Altered mental status at iba pang abnormalities
  • Coma

Ang ilan ay maaari ding makaranas ng mga senyales na kabilang ang ilong tulad ng kawalan ng pang-amoy (o maging ang panlasa), nasal obstruction at discharge.

Mabilis na lumalala ang kondisyon ng isang tao matapos magsimula ang mga sintomas na ito. Karaniwan itong humahantong sa pagkamatay matapos ang 3 hanggang 7 mga araw.

Pinagmulan at iba pang Banta

Ang exposure sa mga bahaging ito ay maaaring humantong sa tao na magkaroon ng Naegleria infection.

  • Hot springs
  • Water heaters
  • Soil
  • Mga mainit na sariwang tubig tulad ng mga lawa at ilog
  • Untreated geothermal sources na iniinom na tubig
  • Discharge ng mainit na tubig mula sa industrial plants
  • Hindi nalilinis na swimming pools

Communicability

Ang amoebic meningitis na mga kaso ay non-communicative. Ang infection ay hindi naipapasa o kumakalat mula sa isang tao papunta sa isa pa kung magkaroon man ng close contact.

Diagnosis

Sa katunayan, ang mga kaso ng amoebic meningitis ay mahirap na i-diagnose dahil ang mga unang stages ng sintomas nito ay hindi tiyak upang ikonsidera ang mga posibilidad. Maaaring magtanong ang doktor sa mga pasyente kung siya ba ay may exposure sa kahit na ano mang risk factors. Gayunpaman, maaaring mahirap na matukoy kung mayroon nang amoeba sa katawan. 

Maaaring magsagawa ang doktor ng spinal tap upang kolektahin ang sample ng cerebrospinal fluid (isang fluid na nakapalibot sa utak at spinal cord) at susuriin ito. Isa pang paraan sa diagnosis ay ang pagsusuri ng utak o maging ang balat gamit ang biopsy upang malaman ang mga posibleng sanhi ng impeksyon sa utak.

Maaaring mag-offer ang mga specialized laboratory ng ibang paraan at proseso na maaari upang matukoy ang presensya ng amoebas.

  • Pagdami ng microorganism hanggang ang kanilang bilang ay sapat na upang matukoy
  • Pagproseso ng polymerase chain reaction (PCR) upang matingnan ang amoeba’s genetic material
  • Pagsasagawa ng brain biopsy na pag-aaralan sa ilalim ng microscope, o ite-test sa pamamagitan ng PCR o sa pamamagitan ng immunohistochemistry.

Mahalagang Tandaan

Ano ang amoebic meningtis? Ang kaso ng amoebic meningitis ay nakamamatay. Kung nagsususpetya ka na may exposure sa swimming gathering na may kontaminadong tubig, kailangan mong agarang humingi ng medikal na tulong bago ito lumala.

Matuto pa tungkol sa meningitis dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Primary amoebic meningoencephalitis (PAM), https://www.healthdirect.gov.au/primary-amoebic-meningoencephalitis-pam, Accessed September 17, 2021

Amebic Brain Infection: Primary Amebic Meningoencephalitis, https://www.msdmanuals.com/home/infections/parasitic-infections-extraintestinal-protozoa/amebic-brain-infection-primary-amebic-meningoencephalitisAccessed September 17, 2021

Section 9: Amebic Meningitis/Encephalitis, https://www.dshs.state.tx.us/IDCU/health/vaccine_preventable_diseases/resources/9AmebicMeningitis.docAccessed September 17, 2021

Naegleria infection, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/naegleria-infection/symptoms-causes/syc-20375470, Accessed September 17, 2021

Amebic Meningitis, https://www.cdc.gov/meningitis/amebic.html, Accessed September 17, 2021

Kasalukuyang Version

07/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Stages ng TB Meningitis: Kahalagahan ng Maagang Pagtuklas

Ano ang TB Meningitis? Lahat ng Kailangan Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement