backup og meta

Alamin: Gamot Sa Dengue Shock Syndrome

Alamin: Gamot Sa Dengue Shock Syndrome

Ang dengue ay isang karaniwang mosquito-borne na sakit. Sa ilang mga kaso, ito ay lumulubha at nakamamatay. Ang dengue shock syndrome, kilala rin bilang malubhang dengue o dengue hemorrhagic fever, ay isang komplikasyon ng dengue na nagiging sanhi ng hemorrhage o pagdurugo sa loob ng katawan. Gayunpaman, simula nang 2009, napalitan na ang mga terminong ito ng mas bagong klasipikasyon. Narito ang mga sintomas at gamot sa dengue shock syndrome.

Uri Ng Dengue 

Sa kasalukuyan, may tatlong uri ang dengue: 

  • Dengue na walang senyales
  • Dengue na may senyales
  • Malubhang dengue

Ang mga pasyenteng may dengue na walang senyales ay nakararanas ng mga sumsunod na mga sintomas: 

  • Lagnat
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Panankit ng ulo o pananakit sa likod na bahagi ng mata
  • Panankit ng muscle o kasukasuan
  • Rashes

Walang tiyak na gamot sa dengue shock syndrome. Subalit ang sapat na hydration at mga pansuportang gamot para sa lagnat at mga pananakit, tulad ng paracetamol, ay nakakatulong. 

Mga Sintomas At Gamot Sa Dengue Shock Syndrome: Ano Ang Dapat Bantayan?

Kung hindi na kaya ng resistensya na labanan ang virus ng dengue at tumigil na ito sa pagreplika, ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng mga daluyan ng dugo patungo sa organs. Ang virus ay saka magdudulot sa cells ng organ maging madaling tagusan ng liquid o gas, na magreresulta sa pagtagas ng fluid mula sa organs. 

Kung nawala na ang lagnat (kadalasang halos 3-7 araw matapos mag-umpisa ang sakit), ang pasyenteng may dengue ay papasok sa kritikal na yugto. Ito ang yugto kung saan ang virus ay magdudulot sa mga ugat na daluyan ng dugo na maging madaling tagusan ng liquid o gas. Ito ay magreresulta sa pagtagas ng fluid na sanhi ng shock at pagkasira ng organ. Ang pagdurugo ay maaari ding mangyari. Kadalasang tumatagal ang yugtong ito mula 24 hanggang 48 na oras. 

Ang mga senyales na ang isang tao ay may malubhang dengue ay ang mga sumusunod: 

Shock 

  • Pabago-bagong presyon ng dugo
  • Panlalamig ng balat
  • Mabilis na paghina ng pulso, o lubhang mabilis o lubhang magabal na tibok ng puso
  • Pangingitim ng labi o sa paligid ng bibig (circumoral cyanosis) 

Pamumuo Ng Fluid

  • Mabilis na paghinga o hirap sa paghinga 

Sobra-Sobrang Pagdurugo

  • Doktor ang makatutukoy nito, at hindi rito kabilang ang kusang pagdurugo ng gilagid o ilong

Problema Sa Kamalayan

  • Marahil ito ay dulot ng kawalan ng dugo, mataas na lagnat, o dehydration.
  • Ang pabago-bagong mood tulad ng pagiging iritable at pagkalito ay maaaring mangyari bago mawalan ng malay.

Pagkasira Ng Organ 

  • Ang pananakit ng tiyan ay maaaring indikasyon na problema sa atay. 

Sa puntong ito, kung ang pasyente ay hindi makatanggap ng wastong gamutan, ang kanyang sakit ay maaaring lumubha at maging sanhi ng kamatayan sa paglipas ng ilang araw.

Kabilang sa mga sintomas ng malubhang dengue ang mga sumusunod: 

  • Malubhang pananakit ng tiyan
  • Pagsusuka, madalas o may kasamang dugo
  • Pagkapagod
  • Pagdurugo ng ilong (epistaxis)
  • Pagdurugo ng gilagid
  • Panghihina
  • Pagdurugo ng ilalim ng balat
  • Pagdurugo ng ari at intracranial na pagdurugo sa mga malulubhang kaso 

Kung magsimula ang lubhang pagdurugo sa loob ng katawan ng pasyente, maaari nitong mapalubha ang pagtagas ng fluid at shock. Kasunod nito, ang organs ay hindi na makatatanggap ng oxygen. Maraming organs ang maaaring hindi na gumana nang maayos, na maaaring magresulta sa kamatayan.

Mga Sintomas At Gamot Sa Dengue Shock Syndrome: Ano Ang Dapat Asahan 

Ang kalubhaan ng dengue ay nag-iiba-iba sa bawat pasyente. Kung ang isang tao ay magsimulang magpakita ng mga senyales, siya ay dapat na dalhin sa ospital at subaybayan nang mabuti. Kung may mga senyales at sintomas ng malubhang dengue, siya ay na dapat agad dalhin sa emergency room.

Gamutan Sa Ospital 

Kung nasa hospital na ang pasyente, ang mga doktor ay magsasgawa ng mga mahahalagang hakbang upang gamutin ang  dengue shock syndrome. Kabilang dito ang: 

  • Mabilis na pagpalit sa nawalang plasma. Kung ang isang tao ay may malubhang dengue, ang pangunahing abnormalidad na makikita sa pasyente ay ang pagtagas ng plasma mula sa cells ng katawan. Kung ito ay mangyari, ang mga doktor ay maingat na maglalagay ng fluids sa mga ugat upang maitama ang problemang ito. 
  • Patuloy na pagsubaybay. Maaaring magpatuloy ang pagkawala ng plasma sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Maingat na babalansehin ng doktor ang fluids  na kanilang ibinibigay at patuloy na susubaybayang ang kalagayan ng dugo at lebel ng platelet. Ititigil ang pagpapalit sa plasma kung naging maayos na vital sign, maayos na ang daloy ng ihi, at normal na ang resulta ng mga laboratory. Ang pagbabalik ng gana sa pagkain ng pasyente ay magandang senyales na siya ay gumagaling. 
  • Oxygen therapy. Kung ang pasyente ay nasa shock o kung masyadong mababa ang presyon dugo sa mahabang panahon, ang mga doktor ay magbibigay ng oxygen upang mapigilan ang pagkasira sa organ. 
  • Platelet transfusion. Ang platelet ay sangkap ng dugo na nagpapahinto sa pagdurugo. Depende sa medikal na kalagayan, ang pagkakaroon ng sobrang pagdurugo o trend sa lebel ng platelet, maaaring magmungkahi ang doktor ng platelet transfusion. 

Key Takeaways

Maaaring lumubha ang dengue at humantong sa pagdurugo, shock, at posibilidad ng kamatayan. Kabilang sa dengue shock syndrome ang pagdurugo sa organs, na kalaunan ay maaaring humantong sa maraming organ dysfunction. Sa ganitong yugto, napakahalaga na magkaroon ng agarang gamutan dahil ang home remedies ay hindi sapat upang gamutin ang malubhang dengue.

Matuto pa tungkol sa Dengue dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dengue and Dengue Hemorrhagic Fever, https://www.cdc.gov/dengue/resources/denguedhf-information-for-health-care-practitioners_2009.pdf, Accessed February 6, 2021

Dengue and Dengue Hemorrhagic Fever, https://www.cdc.gov/dengue/resources/denguedhf-information-for-health-care-practitioners_2009.pdf, Accessed February 6, 2021

Dengue haemorrhagic fever: diagnosis, treatment, prevention and control. 2nd edition. Geneva : World Health Organization.: Primary health care, https://www.who.int/csr/resources/publications/dengue/067-69.pdf?ua=1, Accessed February 6, 2021

Dengue haemorrhagic fever: diagnosis, treatment, prevention and control. 2nd edition. Geneva : World Health Organization.: Treatment, https://www.who.int/csr/resources/publications/dengue/024-33.pdf?ua=1, Accessed February 6, 2021

Dengue and Severe Dengue, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue, Accessed February 6, 2021

Dengue Case Management, https://www.cdc.gov/dengue/resources/dengue-clinician-guide_508.pdf, Accessed February 6, 2021

Dengue haemorrhagic fever: diagnosis, treatment, prevention and control. 2nd edition. Geneva : World Health Organization., https://www.who.int/csr/resources/publications/dengue/Denguepublication/en/, Accessed February 6, 2021

Kasalukuyang Version

10/18/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ika Villanueva Caperonce, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sakit Sa Tag-ulan: Mga Kaalaman Sa Dengue At Leptospirosis

Alamin: Mga Maling Paniniwala Pagdating sa Dengue


Narebyung medikal ni

Ika Villanueva Caperonce, MD

Infectious Disease · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement