Anumang balita sa variants ng COVID-19 ay nagdudulot ng pag-aalala sa maraming tao tungkol sa hinaharap ng pandemya. Maraming mga tanong tulad ng: Kailangan ba nating mag-alala tungkol sa mga mutation nito? Mabisa pa ba ang mga available vaccines? Kailangan ba nating magsanay ng mga bagong safety protocols?
Narito ang tungkol sa mga variant na ito, at kung paano maaaring makaapekto ang mga ito sa ating pang-araw-araw na buhay.
Mahahalagang katotohanan tungkol sa COVID-19 variants
Ang mga coronavirus, na mga RNA virus, ay may posibilidad na mag-mutate o lumikha ng mga variant sa paglipas ng panahon. Ang isang halimbawa nito ay ang pangkariniwang trangkaso, na may posibilidad na magkaroon ng bagong variant bawat taon.
Sa kaso ng COVID, nag-mutate na ang iba’t ibang variant mula sa orihinal na variant na natagpuan sa China. Ang variants ng covid na ito ay nag-evolve nang hiwalay sa isa’t isa. Genetically distinct ang mga ito at mayroon din silang iba’t ibang katangian. Gayunpaman, isa pa rin silang anyo ng COVID-19, kaya hindi mo dapat mag-expect ng anumang matinding pagbabago.
Isa sa pinakamalaking factor na nag-aambag sa mga bagong variant ay kapag ang virus ay kumalat sa mas maraming tao. Kung mas maraming tao ang nahawahan, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng mga bagong variant. Ibig sabihin, kung maaari nating pabagalin o kahit na itigil ang pagkalat ng variants ng COVID-19, ganoon din ang dapat mangyari sa mutation ng mga bagong variant.
Mahalagang banggitin na inasahan na ng mga scientists ang mga variant na ito. At sa karamihan, ang mga mutation na nangyayari, hindi laging nangangahulugan na ang virus ay mas nakamamatay o mas nakakahawa. Maaaring totoo ito sa ilang partikular na variant, ngunit hindi lahat ng mutasyon ay may ganitong epekto. Kaya hindi na kailangang mag-panic sa tuwing may maiuulat na bagong variant sa balita.
Ano ang iba’t ibang variants ng COVID-19?
Para sa variants ng COVID-19, may 5 naging variants of concern, na: Alpha, Beta, Gamma, Delta at Omicron. Mayroon ding iba pang variants of interest na kinabibilangan ng: Eta, Iota, Kappa, Lambda, at Mu. Sa mga ito, ang Omicron variant ang kasalukuyang nangingibabaw sa pangkalahatang bilang sa mundo.
Kapag variant of concern, ibig sabihin ang mga ito ay maaaring magkaroon ng epekto sa immunity, kalubhaan, at pagkahawa ng virus. Halimbawa, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga variant ng Alpha at Delta ay mas nakamamatay. Ang mga variant na ito ay nasa priority list ng variants na kailangang i-monitor at obserbahan. Pinag-aaralan din ng mga manufacturer ng bakuna ang mga variant na ito para malaman kung paano pahusayin ang kanilang mga bakuna laban sa mga mutasyon na ito.
Ang ilang mga variant of concern ay maaaring mas resistant sa immunity. Kaya naman pinag-aaralan sila ng mga siyentipiko upang malaman kung paano lalabanan ang virus.
Tungkol naman sa mga variant of interest, ang variants ng covid na ito ay maaaring magkaroon ng potensyal na maging mga variants of concern. Gayunpaman, kakailanganin ng higit pang ebidensya para makita kung gaano kalaki ang epekto ng mga variant na ito kung mas maraming tao ang nahawahan.
Ang mga scientist nagtalaga ng ilang mga variant bilang mga variant na imo-monitor. Ang mga variant na ito ay maaaring magkaroon ng ilan sa mga katangian ng mga variant ng pag-aalala. Ngunit wala pang sapat na katibayan upang ipakita ito, o hindi pa sila ganap na napag-aaralan.
Mayroon ding ilang de-escalated variants. Nangangahulugan ito na alinman sa mga tao ay hindi na kadalasang nahahawaan ng mga variant na ito, o wala silang anumang makabuluhang epekto patungkol sa impeksyon. Ang alpha variants ng COVID-19 ay kasama sa mga naunang de-escalated variants. Gayunpaman, dahil lang sa na-de-escalate ang mga variant na ito, hindi ibig sabihin na hindi ka na magkakasakit o magkakaroon ng malalang sintomas.
Key Takeaways
Ang variants ng COVID-19 ay nagdudulot ng banta sa ating kalusugan. Sa kabila nito, totoo pa rin ang mga safety protocol na itinatag ng mga eksperto noong unang bahagi ng pandemya. Malaki rin ang bahagi ng mga bakuna sa paglaban sa COVID-19, dahil ang mga bakuna ay nagbibigay sa atin ng makabuluhang proteksyon laban sa COVID-19.