backup og meta

Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Alamin dito ang mga fact

Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Alamin dito ang mga fact

Ang mga vaccine ay epektibo laban sa matinding COVID-19 na nauuwi sa pagpapaospital at kamatayan. Habang ang mga nasa hustong gulang at mga bata na 5 hanggang 17 taong gulang ay maaari nang magpa-bakuna, ang mga sanggol ay hindi pa. Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang paalala ng mga eksperto sa mga buntis na magpabakuna. Gayunpaman, hindi maiwasan ng ilang ina na mag-alala: Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Hindi ba magdudulot ng panganib sa bata ang bakuna?

Kung Bakit Isinusulong ng Mga Eksperto ang COVID-19  Vaccine Sa Mga Buntis

Ligtas ba ang bakuna sa COVID para sa buntis? Sinasabi ng mga eksperto, oo. Napansin sa isang malaking pag-aaral na may higit sa 46,000 buntis, na ang COVID-19 vaccine ay ligtas. At hindi ito nagpapataas ng panganib ng preterm birth at maliit para sa gestational age.¹

Binigyang-diin din ng mga health officials na ang mga bakuna ay hindi lamang ligtas. Napakahalaga na mabakunahan ang  isang buntis sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil ang hindi nabakunahan na mga buntis na may sintomas ng COVID ay may 70% risk na mamatay kumpara sa mga symptomatic na hindi buntis. 

Ang Sinasabi ng Iba Pang Health Institutions sa Covid Vaccine sa Buntis

Safe ba ang COVID vaccine sa mga buntis? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng mga kilalang institusyong pangkalusugan:

Inirerekomenda ng US Centers for Disease Control (CDC) ang pagbabakuna para sa COVID-19 para sa mga buntis dahil nakakatulong itong maprotektahan sila laban sa malalang impeksyon².

Sumasang-ayon din ang Johns Hopkins Medicine sa mga rekomendasyong ginawa ng US CDC. Sinabi rin nila na ang mga benepisyo ng bakuna ay “malayo kaysa sa” mga panganib³. 

Mahigpit ding inirerekomenda ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) ang COVID-19 vaccine sa buntis. Sinasabi nila na ang dumaraming data ay hindi nagpapakita ng anumang alalahanin sa kaligtasan.⁴

Mga Opisyal na Rekomendasyon Mula sa Kagawaran ng Kalusugan⁵,⁶

Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Ayon sa Department of Health at Philippine Obstetrical and Gynecological Society, ang pagbubuntis ay hindi kontraindikasyon sa pagbabakuna. Nabanggit din nila na ang mga buntis ay maaaring magpabakuna nang may pag-iingat dahil sa limitadong data. Binanggit din nila na mas mabuti para sa mga buntis na magpabakuna pagkatapos ng unang trimester. 

Sinabi nilang HINDI DAPAT magpabakuna ng Gamaleya ang mga buntis at nagpapasusong ina.

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Pagbabakuna sa COVID-19 Habang Nagbubuntis

Ngayong alam mo na ang sagot ng mga awtoridad sa tanong kung, safe ba ang covid vaccine sa buntis? Narito ang madalas na mga tanong tungkol sa covid vaccine:

  1. Anong ang dapat na vaccine sa buntis?

Maaari ang anumang bakuna maliban sa Gamaleya (Sputnik).

Sa Estados Unidos, inirerekomenda ng mga eksperto ang Pfizer o Moderna kaysa sa single shot na Janssen. Inirerekomenda din ng mga eksperto mula sa United Kingdom, kung saan maraming nakatanggap ng AstraZeneca, ang Pfizer at Moderna dahil sa malawak na data na magagamit. Sinabi nga nila, na “Walang naiulat na alalahanin sa bakunang AstraZeneca sa pagbubuntis.⁷”

  1. Kailangan mo ba ng booster shot ng covid vaccine?

Oo. Inirerekomenda ng mga eksperto ang isang booster dose upang maprotektahan ka laban sa pagbaba ng immunity.

  1. Anong mga side effect ang dapat mong asahan?

Ang mga side effect ay nag-iiba sa bawat tao. Tandaan na maaari kang makaranas ng mga sintomas tulad ng sa trangkaso sa loob ng ilang araw at safe para sa iyo na uminom ng acetaminophen para sa pananakit at lagnat.

Pinakamainam na makipag-ugnayan sa iyong doktor bago at pagkatapos ng iyong pagbabakuna.

  1. Makakaapekto ba ang covid vaccine sa pagpapasuso at fertility?

Walang katibayan na ang bakuna ay nakakaapekto sa fertility. Gayundin, inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga nanay na nagpapasuso ay dapat magpabakuna ng COVID-19.

Key Takeaways

Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Oo, ang sagot ng mga eksperto. Napakahalaga para sa mga buntis na mabakunahan dahil sila ay nasa mas mataas na panganib na mamatay at ma-ospital kumpara sa mga hindi buntis na kababaihan. Inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagpapabakuna nang may pag-iingat pagkatapos ng unang trimester. Ang mga buntis ay hindi rin dapat magpabakuna ng Gamaleya Sputnik.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Covid-19: Vaccination during pregnancy is safe, finds large US study, https://www.bmj.com/content/376/bmj.o27, Accessed Feb 3, 2022

2 COVID-19 Vaccines While Pregnant or Breastfeeding, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/recommendations/pregnancy.html, Accessed Feb 3, 2022

3 The COVID-19 Vaccine and Pregnancy: What You Need to Know, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/coronavirus/the-covid19-vaccine-and-pregnancy-what-you-need-to-know, Accessed Feb 3, 2022

4 Coronavirus (COVID-19), Pregnancy, and Breastfeeding: A Message for Patients, https://www.acog.org/womens-health/faqs/coronavirus-covid-19-pregnancy-and-breastfeeding, Accessed Feb 3, 2022

5 FAQS FOR PREGNANT AND BREASTFEEDING WOMEN – ENGLISH, https://doh.gov.ph/node/29221, Accessed Feb 3, 2022

6 CAN PREGNANT WOMEN GET THE COVID-19 VACCINE?, https://doh.gov.ph/node/28465#:~:text=Pregnancy%20is%20not%20a%20contraindication,pregnant%20women%20from%20clinical%20studies., Accessed Feb 3, 2022

7 COVID-19 vaccines, pregnancy and breastfeeding, https://www.rcog.org.uk/en/guidelines-research-services/coronavirus-covid-19-pregnancy-and-womens-health/covid-19-vaccines-and-pregnancy/covid-19-vaccines-pregnancy-and-breastfeeding, Accessed Feb 3, 2022

COVID-19 Vaccination of Pregnant and Breastfeeding Women, https://pogsinc.org/wp-content/uploads/2021/02/POGSPracticeBulletin1.pdf, Accessed July 14, 2022

Kasalukuyang Version

07/26/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Pfizer Vaccine, Inaprubahan ng FDA

COVID-19 At Myocarditis Sa Mga Bata: Mga Dapat Malaman Ng Mga Magulang


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement