Ang tanong na “Saan galing ang Omicron?” ay gumugulo sa isipan ng mga tao — lalo na’t kakaunti lang ang alam natin tungkol sa bagong variant ng COVID-19 na ito. Ang pag-alam sa sagot sa tanong na ito ay makakatulong sa atin na malutas ang problema sa Omicron, at sana ay malaman kung paano pipigilang kumalat ang variant.
Saan Galing ang Omicron?
Unang natuklasan ang Omicron variant sa South Africa, kung saan unang inanunsyo ng isang grupo ng researchers ang bagong variant of interest. Ano ba ang ibig sabihin ng variant of interest?
Ang mga variant ay talagang normal, at inaasahan ng mga siyentipiko na mag-evolve ang mga virus pagkalipas ng ilang panahon. Pero para sa karamihan, ang mga pagbabago o mutation na nangyayari sa isang virus ay hindi mahalaga. Ibig sabihin, bagama’t ang isang variant ay genetically distinct mula sa orihinal, hindi ito nangangahulugan na ito ay mas nakakalason, nakakahawa, o lumalaban sa mga bakuna. Karamihan sa mga variant ay hindi itinuturing na mga variant of interest.
Gayunpaman, sa mga variant of interest, ang mga pagbabago ay mahalagang bigyan ng atensyon. Ito ay maaaring mangahulugan na ang virus ay maaaring magdulot ng mas malubhang mga impeksyon, mas madaling kumalat, o mas mahusay nitong labanan ang proteksyon na ibinibigay ng mga kasalukuyang bakuna. Ang huli ay makikita sa flu virus, kung saan nagbabago ang bakuna taon-taon upang umangkop sa mga bagong mutation.
Saan galing ang omicron? Ang isang interesanteng bagay sa Omicron ay ang pinakamalapit na mga strain dito ay mula sa kalagitnaan ng 2020. Karamihan ng mga variant, maaaring masubaybayan ng mga mananaliksik ang ebolusyon ng strain nang tuluy-tuloy sa paglipas ng panahon. Ito ang dahilan kung bakit ang Omicron variant ay nakakagulat, dahil ito ay tila hindi alam kung saan nagmula.
Ngayon, upang sagutin ang tanong na “Saan galing ang Omicron?” Ang mga mananaliksik ay may ilang mga teorya:
-
Maaaring Nagmula Ito sa Mga Hayop
Kung saan galing ang omicron, ang unang teorya ay maaaring nag-evolve ito mula sa isang nahawaang hayop. Maaari ding makahawa sa mga hayop ang COVID-19, at ang isang may sakit na hayop ay maaaring makahawa sa isang tao. Ang teoryang ito ay hindi malamang dahil ang genome ng Omicron ay hindi nagpapakita ng anumang genetic na impormasyon mula sa mga hayop. Kaya mas malamang na nag-evolve ito sa isang tao.
-
Maaaring Nag-evolve Ito Under the Radar
Ang pangalawang posibilidad ay nag-evolve ang variant sa isang populasyon na hindi mino-monitor. Maaaring nangyari ay nabuo ito sa isang nakahiwalay na komunidad kung saan mababa ang mga rate ng pagbabakuna.
Ang problema sa teoryang ito ay ang maraming genetic sequencing na nangyayari sa South Africa. Malamang na hindi matukoy ang variant na ito sa loob ng mahabang panahon. Ibinahagi ni Andrew Rambaut ng Unibersidad ng Edinburgh na, “Hindi ako sigurado na mayroon talagang kahit saan sa mundo na nakahiwalay nang sapat para sa ganitong uri ng virus. At ma-transmit sa ganoong katagal nang hindi lumalabas sa iba’t ibang lugar.”
-
Maaaring Nag-evolve Ito sa Isang Taong Immunocompromised
Ang huling teorya kung saan galing ang omicron at pinaka-malamang na posibilidad ay nag-evolve ito sa isang taong immunocompromised. Ang teorya ay maaaring nanatili ang virus sa katawan kung ang isang taong may mahinang immune system, tulad ng isang taong may HIV. Maaaring mangyari na ang virus ay nananatili sa loob ng katawan ng tao sa loob ng mahabang panahon. Posible ito kung ang immune system ay hindi malakas na ganap maalis ang impeksyon.
Sa paglipas ng panahon, ang virus ay umuulit at nag-e-evolve. At kapag dumating ang isang pagkakataon, nahawahan nito ang isang tao at nagsimula itong kumalat mula doon.
Nangyari na ito dati sa isang babaeng may hindi ginagamot na HIV na nahawaan ng COVID-19. Mayroon ding milyun-milyong tao sa South Africa na may hindi nagamot na HIV, kaya ito ang pinakamalamang na senaryo.