Maraming bansa ang wala pa sa peak ng Omicron. Inilabas ng World Health Organization ang pahayag na ito noong Pebrero 1. Nalampasan na ng highly transmissible na Omicron variant ng COVID-19 virus ang Delta variant bilang nangingibabaw na strain sa buong mundo. Ang mga hakbang na ipinataw upang pigilan ang pagkalat ng Omicron ay hindi dapat madaliin nang ganoon kabilis. Naglabas ng babala sa isang online briefing si Maria Van Kerkhove ang technical lead ng World Health Organization sa COVID-19 .
Sobrang kumpiyansa dahil sa mga bakuna at Omicron
Ayon kay Kerkhove, hinihikayat nila ang pag-iingat dahil maraming mga bansa ang hindi pa dumaan sa peak ng Omicron. Sabi pa niya na maraming mga bansa ang may mababang antas ng saklaw ng pagbabakuna na may mahihinang mga indibidwal sa kanilang populasyon. At kaya hindi ngayon ang oras para iangat ang lahat nang sabay-sabay.
Ang sobrang kumpiyansa ay tila nananatili sa ilang bansa. Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na nababahala ang ahensya ng U.N. tungkol sa isang salaysay na hindi na posible ang pagpigil sa transmission. Ang pagkakaroon ng mga bakuna at ang mataas na transmissibility ngunit mas hindi malalang Omicron ay pumasok sa ganoong mindset. Sa kabilang banda, ang pagpigil sa transmission ay kailangan pa rin.
“Nothing could be further from the truth,” sabi ni Ghebreyesus sa oras ng briefing. Ayon sa kanya ang mas maraming transmission ay nangangahulugan ng mas maraming pagkamatay. Sinabi niya na hindi sila nananawagan sa anumang bansa na bumalik sa tinatawag na lockdown. Ngunit nananawagan sa lahat ng mga bansa na protektahan ang kanilang mga tao gamit ang bawat tool sa toolkit, hindi ang mga bakuna lamang.
Peak ng Omicron, tapos na sa Pilipinas
Mayroong ilang medyo magandang balita sa Pilipinas dahil tila lumipas na ang peak ng Omicron. Ang pinakamataas na naitalang positibong kaso ng COVID-19 ay nangyari noong Sabado, Enero 15, 2022. Mahigit sa 39,000 positibong kaso ang naiulat sa petsang iyon. Karamihan sa bansa ay isinailalim sa Alert Level 3 status. Ito ay para sa buong buwan ng Enero dahil sa tumataas na bilang ng Omicron.
Mayroong 7,661 na bagong kaso at 43 na bagong pagkamatay na naitala sa Pilipinas noong Pebrero 2, 2022. Ito ang nagtulak sa Palasyo ng Malacañan na ilagay ang Metro Manila at pitong iba pang mga lalawigan sa ilalim ng hindi gaanong mahigpit na Alert Level 2. Iniulat ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas sa parehong araw na bumalik ang bansa sa moderate risk status para sa COVID-19. Dati ito ay nasa mataas at kritikal na risk classification.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang average daily attack rate ay nasa mataas pa ring panganib. Ngunit bumaba ito sa 19.43 na mga kaso para sa bawat 100,000 indibidwal.
Peak ng Omicron: Huwag basta sundin ang ibang mga bansa
Ang Pilipinas ay maaaring may mas mahusay na bilang ngayon, ngunit ang pandemya ay patuloy pa rin sa buong mundo. Marami pa ring restriction ang ipinatupad at kailangan pa ring sundin ang health protocols, kasama na ang patuloy na pagsusuot ng mask. Ayon kay Ghebreyesus, napakaaga para sa anumang bansa na sumuko o magdeklara ng tagumpay.
Pinunto ni WHO emergency chief Mike Ryan na hindi lahat ng bansa ay nasa parehong sitwasyon tungkol sa peak ng Omicron. Ayon sa kanya, ang mga bansang gumagawa ng mga desisyon na magbukas nang mas malawak ay kailangan ding tiyakin ang kapasidad na muling ipakilala ang mga hakbang, na may pagtanggap ng komunidad, kung kinakailangan. “So as if we open the doors quickly, you better be very well able to close them very quickly as well,” aniya.
Ang United Kingdom, Ireland, at Netherlands ay may nagluwag kamakailan ng mga paghihigpit sa COVID-19. Sumunod ang Denmark at Austria noong nakaraang linggo. Samantala, ang ibang mga bansa tulad ng New Zealand ay hindi pa nagbubukas. Nagbabala ang mga opisyal ng New Zealand sa inaasahang pagtaas ng mga kaso ng Omicron sa loob ng bansa sa mga darating na linggo.
Key Takeaways
Nagbabala ang World Health Organization na maraming bansa ang hindi pa umabot sa peak ng Omicron. Ang mahigpit na health protocols ay kailangan pa ring sundin. Ito ay kahit na ang ilang mga bansa ay nagre-relax sa kanilang mga paghihigpit sa COVID-19. Ang pinaka-nakakahawang variant ng Omicron ay kumakalat pa rin sa buong mundo. Bumababa pa rin ang mga positibong numero ng COVID sa Pilipinas, na nag-udyok sa Department of Health na ilagay ang bansa sa ilalim ng moderate risk status ngayon.
Para sa higit pa sa Coronavirus, mag-click dito.
[embed-health-tool-bmr]