Sa pamamagitan ng bakuna, may dagdag na proteksyon laban sa COVID-19 ang mga matatanda at bata. Ngunit dahil hindi pa nagsisimulang magbigay ng bakuna sa mga maliliit na bata, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng SARS-CoV-2 infection sa hanay ng mga bata. At dahil sa kasalukuyang pagtaas ng araw-araw na kaso, maraming mga magulang ang naghihintay na lumabas ang resulta ng COVID test sa bata. Narito ang mga sagot sa madalas na tanong tungkol sa COVID test sa bata.
Kailan Kailangan ng COVID test sa bata?
Madalas na itanong ng mga magulang kung kailan dapat magpa-test para sa SARS-CoV-2.
Ayon sa mga eksperto, kailangan ng COVID test sa bata kung:
- Mayroon silang mga sintomas
- May pagdikit sa taong may COVID-19
- May sakit na lumalaganap sa paligid
Tandaang maraming sintomas ng COVID ang pareho sa iba pang impeksyon sa baga na nakakaapekto sa mga bata. Ang mga halimbawa nito ay trangkaso, sipon, at respiratory syncytial virus (RSV).
Ang resulta ng COVID test sa bata ang magsasabi kung kailangan na ng iyong anak na bumukod o mag-isolate agad upang mabawasan ang pagkalat ng impeksiyon. Kung negative ang resulta, ibig sabihin, maaaring kailangan ng iyong anak ng panibagong test para sa iba pang virus o sakit.
Saan Dapat Magpa-test para sa COVID ang mga bata?
Karamihan sa mga kaso, nakadepende sa pagkakaroon ng testing facility sa lugar na pagdadalhan mo sa iyong anak.
Sinabi ng mga eksperto na dadalhin lang ng mga magulang ang kanilang mga anak sa ospital o emergency care department kapag nagkaroon na ng mga seryosong sintomas, gaya ng:
- Nahihirapan o kinakapos ng hininga
- Bluish ang balat, labi, at kuko
- Tuloy-tuloy na pagsakit o pressure sa dibdib
- Dehydration (hindi umiihi sa loob ng 8 oras)
- Nahihirapang maghintay (naiinip)
Kung may di gaanong kalalang sintomas ang bata, ipinapayong magpunta sila sa malapit na pasilidad na nagbibigay ng nagsasagawa ng rapid antigen testing.
Alin ang Nagbibigay ng Mas Akmang resulta ng COVID Test sa Bata?
Ang pinakamagandang COVID-19 testing ay ang RT-PCR swab test pa rin dahil napakasensitibo nito sa viral genetic material. Gayunpaman, maaaring hindi ito kailangan ng iyong anak.
Nakadepende ang pinakamagandang paraan upang makuha ang resulta ng COVID-19 test sa mga sumusunod:
- Kailan mo kailangan ang COVID-19 test result
- Gaano kahalaga ang accuracy
- Convenience at accessibility ng lugar kung saan puwedeng magpa-test.
Kung kailangan ng mga magulang na malaman kung positibo sa COVID ang bata upang makapagdesisyon sila kung kailangan mag-isolate o hindi, maaari silang mag-rapid antigen test. Sa ilang minuto lang, lalabas na ang resulta ng Antigen COVID-19 test.
Gayunpaman, kung kailangan nilang malaman ang impeksyon para sa gamutan o para sa layunin ng health insurance, ang pinakamagandang option ay RT-PCR testing.
Kung bibiyahe naman, maaaring kailangan ng mga magulang na i-check ang patakaran ng lugar nilang pupuntahan. May nangangailangan ng PCR testing, may iba namang tumatanggap ng resulta ng rapid antigen COVID-19 test.
COVID Testing: Paano Mo Susuportahan ang Iyong Anak
Kung nagkaroon ng mga sintomas ang iyong anak, agad na makipag-ugnayan sa inyong pediatrician. Ang pagkakaroon ng mga sintomas ay nangangahulugang kailangan ng agarang testing.
Kung walang sintomas ang iyong anak, at nagkaroon ng close contact sa pasyenteng COVID-positive, kailangang maghintay ang testing ng ilang araw. Sa parehong sitwasyon, kailangang mag-isolate ng iyong anak agad-agad.
Ngayon, kung kung inutos ng doktor na magpa-test, o kung ginawa mo ito sa iyong sarili, kailangan mong maglaan ng panahon upang ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang mangyayari habang nagpapa-test.
Simple lang ang saliva testing. Para naman sa nasal swab, maaaring kailangan mong sabihin sa iyong anak na magpapasok ang healthcare worker ng swab sa ilong ng iyong anak. Bigyang diin na isa lamang itong simpleng proseso, ngunit maaari siyang makiliti o mabahing dahil sa swab.
Kapag mas ipinaliwanag mo sa ang COVID test sa bata, mas malaki ang tsansang hindi sila magkaroon ng anxiety. Maaaring maging mas cooperative ang bata.
Key Takeaways
Mahalagang tandaan na naaapektuhan din ng COVID-19 ang mga bata. Kaya kailangan din nila ng COVID testing. Kailangan ng mga bata ang resulta ng COVID-19 test kapag nakikitaan sila ng mga sintomas o kung nagkaroon sila ng close contact sa pasyenteng nagpositibo. Ang uri din ng testing ay nakadepende rin sa pangangailangan mo sa resulta, gaano kahalaga ang accuracy, at ang accessibility ng testing sites.
Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.