Sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic, maraming mga tao ang pabalik-balik sa ospital at klinika upang makakuha ng antibody tests upang malaman kung meron o wala silang COVID-19. Maaaring nakakuha ka na rin ng antibody test upang masiguro na ang bakuna na mayroon ka ay epektibo. Ngunit accurate ba ang mga COVID test na ito? Kung nakatanggap ka na ng bakuna sa COVID-19, mapapakinabangan ba ang antibody test sa pagpapakita kung gumagana ang bakuna?
Narito ang mga bagay na dapat mong tignan sa resulta ng antibody test.
Accurate ba ang COVID test? Ano ang ibig sabihin ng resulta ng COVID-19 antibody test?
Ang SARS-CoV-2 antibody test ay naglalayon na tignan ang antibody sa iyong katawan. Ito ay upang matukoy kung ikaw ay meron o walang COVID-19.
Positibong resulta
Kung nakuha mo na ang resulta ng antibody test at ito ay positibo, ibig sabihin nito na kamakailan ay nagkaroon ka ng COVID-19. Maaari itong mangyari sa iyo na wala kang nararamdaman na sintomas. Ibig sabihin nito ay kailangan mong maging mas maingat sa tuwing lalabas o magkakaroon ng interaksyon sa mga tao. Ito ay sa kadahilanan na kailangan mong protektahan ang iyong sarili mula sa potensyal na pagkahawa.
Negatibong resulta
Sa kabilang banda, kung nakatanggap ka ng resulta na negatibo, walang natukoy na COVID-19 infection sa iyong katawan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na hindi mo ito nakuha bago yung test o sa kasalukuyan. Ang maaaring ibig sabihin nito ay ang dami ng antibodies sa katawan ay maaaring mas mababa sa punto na nade-detekta ito. Nasa isa hanggang tatlong linggo matapos ang impeksyon ang kailangan para ma-detekta ang mga antibodies sa iyong katawan.
Ilang buwan matapos ang impeksyon, ang lebel ng antibody ay maaaring bumaba sa punto na ito ay made-detekta.
Ang mahalaga ay kung ikaw ay kasalukuyang nakakaranas ng mga sintomas ng COVID19, agad na kumunsulta sa doktor. Laging sumunod sa mga health standards at protocol na itinakda ng World Health Organization at ng iyong lokal na pamahalaan.
Accurate ba ang COVID test? Hindi ka maaaring mag-rely sa antibody testing upang matukoy ang immunity
Kailangan pa rin ng mga eksperto ng kasagutan sa pagtukoy ng ibig sabihin ng antibody test at iba pang mga salik na maaaring makaapekto rito.
Maraming mga bersyon ng antibody test na meron ngayon, at lahat ay nagmula sa iba’t ibang pabrika. Gayunpaman, iminumungkahi ng pag-aaral na hindi ka dapat umasa sa antibody testing lamang sa pagtukoy kung ang isang taong nagkaroon ng COVID-19 ay maaaring magtagal ang kaligtasan laban dito.
Kasalukuyang may kakulangan sa pananaliksik na sakop kung ang presensya ng antibodies ay ibig sabihin na mayroon kang kabuuang kaligtasan sa sakit, o kung gaano ito katagal.
Accurate ba ang COVID test? Maaari ka bang mag-test ng pagiging epektibo sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa antibodies?
Ang ilang tao ay naniniwala na ang antibody test ay maaaring gamitin sa pagtukoy ng aktwal na presensya ng COVID-19. Hindi ito totoo. Ayon sa FDA, ang mga antibody test ay maaaring magkaroon ng negatibong resulta, kahit na may impeksyon ang tao. Maaari ka ring makakuha ng hindi tugmang negatibong resulta sa iyong test.
Sa kabilang banda, ang positibong resulta ng antibody ay maaaring makatulong para malaman kung nagkaroon ka ng impeksyon noon. Gayunpaman, marami pang pag-aaral ang kinakailangan sa antibody testing sa mga nakatanggap ng kabuuang bakuna laban sa SARS-CoV-2.
Maraming mga serology tests ang meron sa market. Gayunpaman, wala sa mga ito ang nasuri sa pagtukoy ng immune response sa COVID-19 na bakuna.
Accurate ba ang COVID test? Huwag kalimutan na manatiling ligtas
Kahit na ikaw ay kumpleto ang bakuna, mahalaga pa rin na sundin ang mga polisiya sa kalusugan na mayroon sa inyong lugar. Ang positibo o negatibong resulta ay hindi nagbibigay sayo ng 100% konpirmasyon na hindi mo maikakalat ang COVID sa iba.
Hangga’t wala pang mga karagdagang pag-aaral ang inilalabas, gawin mo ang iyong parte sa pagiging responsableng mamamayan.
Mahalagang Tandaan
Nakatutulong ang antibody testing sa pagtukoy kung ikaw ay nagkaroon ng COVID-19. Gayunpaman, kinakailangan ng maraming pag-aaral kung ang antibody testing ay maaaring makatukoy ng efficiency ng bakuna sa COVID-19.
Matuto pa tungkol sa COVID-19 dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.