Ang paglaban sa pandemyang COVID-19 ay pabilisan sa oras. Mas mainam kung mas mabilis nating makakamit ang herd immunity. Kung mangyari man ito, ang ating mga tagapagbigay ng pangangalaga ay makakahinga nang mas maluwag, makakabangon ang ekonomiya at bababa o mawawala ang bilang ng mga nasasawi. Ngunit paano nga ba tayo mananalo sa pandemyang ito kung ang delta variant ay mas nakababahala? Totoo ba na ang mga sintomas na ang Delta variant ay mas malala? Narito ang 5 katotohanan na dapat mong malaman tungkol sa delta variant.
1. Ang Delta Variant ay mula sa India
Malamang ay natatandaan mo kung paano umabot sa sandaang-libong mga kaso ng COVID sa India. Ang kanilang mga ospital ay nag-asikaso ng mas maraming tao na kaya nitong tanggapin at kung gaano sila nangailangan ng mga tangke ng oxygen.
Naniniwala ang mga eksperto na ang sanhi ng pangyayaring ito ay dulot ng delta variant na kilala rin bilang B.617.2 variant. Bagaman ito ay tinatawag na “new delta variant,” ito rin ay unang natuklasan sa India noong December 2021.
2. Ito ay mayroon na rin sa 100 bansa
Maliban sa pag-aalala sa mga posibilidad ng paglala ng mga sintomas ng delta, nababahala rin ang mga eksperto sa aabutin ng variant na ito. Sa ngayon, umabot na sa 100 bansa ang mayroon nito, kabilang ang Pilipinas.
Upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng delta, pinagbawal na ng gobyerno ang pagpasok ng mga tao na mula sa mga bansang apektado nito tulad ng India, Bangladesh, at United Arab Emirate, para sa kaligtasan ng mga pabalik ding mga Pilipino.
3. Ito ay mas Nakababahala sa “Original COVID”
Ito ay pinangalanan bilang “pinakamabilis at pinakamakapit” na variant ng Covid-19 at sinabi ng mga eksperto na ito ay mas nakahahawa.
Sa paglalarawan, isipin ang populasyon ng mga hindi bakunado. Ang taong may orihinal na variant ay nakakaapekto sa 2.5 na tao. Sa kabilang banda, ang taong may delta variant ay makahahawa sa 3.5 hanggang 4 na katao.
Ang isa pang bagay na bumabahala sa ibang tao ay ang posibilidad ng mas malalang sintomas ng delta. Nangangailangan pa ng mga pag-aaral upang maihambing ang pagkakaiba, ngunit ang iminumungkahi ng mga bagong datos na ang sipon at sore throat ang kapansin-pansin na sintomas ng delta variant.
Tandaan, ayon sa mga itinala ng WHO na mga sintomas, ang matubig na sipon ay hindi kabilang bilang isa sa orihinal na sintomas ng COVID. Maging ang sore throat ay itinuturing na hindi karaniwan.
Inihayag ng pananaliksik na ang delta variant ay mabilis na sumibol sa loob ng katawan. Ito ay maaaring dahilan kung bakit mas mabilis itong kumalat. Ito rin ay maaaring nangangahulugan na kinakailangan ang mga nahawaang tao na sumailalim sa quarantine o pagbubukod.
4. Mayroong pang Delta Plus Variant ngayon
Ito ay tinatawag din na B.1.617.2.1, ang delta plus variant ay may kaugnay sa delta variant. Bagaman ang natuklasan ng WHO ang mababang bilang, at mayroong 3 katangian na ipag-alala:
- Mas mabilis na kakayahang makahawa
- Madaling makapasok sa mga selula
- Mas agresibo, nangangahulugan na ang resistensya ay hindi magiging labis na epektibo sa paglaban o hindi magiging tutugon sa mga gamot na antibody.
5. Ang Pagpapabakuna ay Mainam na Paraan upang maging Protektado
Ang huli, alam natin na ang pinaka mainam na paraan upang maprotektahan ang ating sarili ay ang maging bakunado. Ayon sa WHO ang mga aprubadong bakuna ay “expected to provide some protection against new variants.”
Case in point: Ang bakunang Pfizer ay lumalabas na nagbibigay ng 79% ng proteksyon laban sa delta.
Ang pagiging bakunado ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mahalagang Tandaan
Orihinal na nagmula ang delta sa India kung saan ang kaso araw-araw ay umaabot ng 400,000 noong May 2022. Kailangan pa natin ng impormasyon kung ang sintomas ng delta ay mas malala o hindi. Ngunit ayon sa mga naitala, ito ay mas nakakahawa, mabilis na kumakalat sa loob ng katawan at sa mga tao.
Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.