Ang pag-alam sa dapat mong gawin kung ikaw ay positibo sa COVID ay makatutulong na impormasyon na hindi mo sana magamit. Matapos ang lahat, ang rason bakit kailangan na gawin ang precautionary measures tulad ng pagbabakuna at social distancing ay upang maiwasan ang infection. Ngunit sabihin na natin na kung ikaw ay maimpeksyon ng COVID-19 at mag positibo sa COVID, ano ang dapat gawin kung COVID positive? Narito ang 5 bagay na dapat tandaan.
Ano ang Gagawin Kung Ikaw ay COVID Positive
Isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay kung ikaw ay close contact ng taong naging positibo sa COVID, kailangan mo agad na magpa-test. Mahalaga rin na ipaalam sa iyong Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na ikaw ay close contact.
Hanggang sa makuha mo ang iyong resulta, mahalaga na i-isolate ang sarili upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit. Ano ang dapat gawin kung COVID positive?
1. I-isolate ang sarili
Ang unang bagay na kailangan mong gawin nang mag positibo sa COVID ay kailangan na i-isolate ang sarili. Kung ikaw ay mag-isa sa bahay, madali lang itong gawin. Gayunpaman, kung ikaw ay nakatira kasama ng mga kaibigan at pamilya, mas komplikado ito.
Ibig sabihin na kailangan mong magkaroon ng sariling banyo, sariling kwarto, maging ang lugar kung saan pwedeng kumain. Ang iyong mga gamit na plato at utensils ay maaaring magkaroon ng banta na makahawa sa iba. Mainam na mayroon kang sariling paraan upang linisin ang ang mga plato.
Syempre, ibig sabihin din nito na hindi ka pwedeng lumabas, dahil maaari mong mahawaan ang iba.
2. Kung kailangan mong lumabas, magsuot ng mask at gawin ang social distancing.
Sa ibang mga kaso, maaari kang lumabas lalo na kung emergency o walang ibang paraan para sa iyo na makakuha ng supplies. Kung wala kang ibang option, siguraduhin na magsuot ng mask sa buong pagkakataon na nasa labas.
Hangga’t maaari, mahalaga rin na iwasan ang mga pampublikong transportasyon dahil nakapagpapataas din ito ng banta na maaari mong mahawaan ang ibang mga tao.
Mahalaga rin na panatilihin ang nasa 1-metro na distansya sa iba, at panatilihin na malinis ang mga kamay sa tuwina o gumamit ng hand sanitizer. Mahalaga rin na huwag magtagal sa labas.
3. I-manage at i-monitor ang iyong mga sintomas.
Pangatlo sa listahan ng dapat gawin kung COVID positive ay manatiling alam ang mga sintomas. Ibig sabihin nito na kailangan mong alagaan ang iyong sarili, at i-monitor ang iyong mga sintomas.
Maaari kang gumamit ng mga over-the-counter na gamot para sa flu upang matanggal ang ilang mga sintomas ng flu. Mahalaga rin ang pag-inom ng maraming tubig at pagtulog nang mahaba para sa recovery. Magandang ideya rin na pansinin ang iyong paghinga, kung ikaw ay nakararanas ng hindi karaniwang sintomas.
4. Panatilihin ang ugnayan sa iyong doktor.
Kung ikaw ay nag positibo sa COVID, magandang ideya na konsultahun ang iyong doktor tungkol dito. Maaari ka nilang bigyan ng payo sa mga gamot na iinumin, at mga kailangang gawin kung lumala ang mga sintomas.
Sa tipikal, kung nakaranas ng mas malalang sintomas tulad ng hirap sa paghinga, pumunta sa pinakamalapit na ospital sa lalong madaling panahon. Kung nakaramdam ng mga bagay na hindi ordinaryo, o nag-aalala na lumalala ang mga sintomas, huwag mag-alinlangan na pumunta sa ospital.
5. Siguraduhin na panatilihin na isolated hanggang sa ganap na gumaling.
Ano ang dapat gawin kung COVID positive? Sa huli, mahalaga na manatiling isolated hanggang sa ganap na gumaling. Sa Pilipinas, ang protocol ay ang pananatili sa loob ng bahay ng nasa 2 linggo sa simula na mag positibo sa resulta ng COVID.
Ang rason sa likod nito ay kahit na ikaw ay pisikal na gumaling, maaari ka pa ring makahawa ng ibang mga tao. Ang pinahabang isolation ay nakasisiguro na kung ikaw ay lumabas, hindi ka na nakakahawa.
Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.