backup og meta

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Sinusitis

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Sinusitis

Ang mga malulusog na sinus ay karaniwang napupuno ng hangin, ngunit may mga kondisyon kung saan ang mga sinus ay nahaharangan o napupuno ng likido. At ang sinusitis ay isa sa mga kondisyong ito. Sa artikulong ito, titingnan natin ang kahulugan nito, mga uri, sanhi, sintomas, salik  ng pangabi, pag-iwas, maging ang paggamot sa sinusitis.

Pag-Alam Sa Mga Basics

Ano Ang Sinusitis?

Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang sinusitis ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan ang pamamaga ay nangyayari sa mga sinus. Ito ay maaaring dahil sa namamagang mga tissue lining na nasa gilid ng mga sinus. 

Dahil sa pamamaga na ito, nahaharangan at napupuno ang mga sinus ng likido sa pamamaga ng lining. Kung gayon, nagiging mas malaki ang posibilidad na ang mga mikrobyo ay magdulot ng mga impeksiyon at higit pang mga komplikasyon.

Mga Uri Ng Sinusitis

Maraming iba’t ibang uri ng sinusitis. At ang mga ito ay natutukoy kung gaano katagal at kung saan nagpapakita ang mga sintomas. Mula sa pinakamaikling panahon hanggang sa pinakamatagal, ang mga uri ng sinusitis ay acute sinusitis, subacute sinusitis, at chronic sinusitis.

Ang acute sinusitis ay may kasamang mga sintomas na ito sa loob ng pito hanggang 10 araw at hanggang isang buwan. Samantala, ang subacute sinusitis ay maaaring tumagal nang humigit-kumulang isang buwan hanggang tatlong buwan. Ang sinusitis na tumatagal ng tatlong buwan o mas matagal ay napapailalim sa chronic sinusitis. Ang ilang beses pagkakaroon ng sinusitis sa isang taon ay mapapailalim naman sa recurrent sinusitis.

Maaaring alinman sa dating tatlo ang recurrent sinusitis hangga’t ito ay nangyayari nang higit sa 4 na beses sa isang taon. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay maaaring magkaroon ng recurrent acute, subacute, o chronic sinusitis.

Mga Sanhi

Ano Ang Mga Sanhi Ng Sinusitis?

Kahit na ang sinusitis ay maaaring sanhi ng halos anumang bagay, may ilang mga karaniwang sanhi ng sinusitis. Kabilang dito ang:

Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang karaniwang sipon ay ang iyong taunang baradong ilong na sanhi ng isang virus. Ngunit ang parehong sipon na ito, na patuloy na nagiging sukudulan at nakakairita, ay maaaring magdulot ng sinusitis. Ang allergic rhinitis o isang allergic reaction na nagpapakitang parang karaniwang sipon dahil sa ilang mga allergens. Ginagawa nitong sobrang iritable ang lining ng sinus na siyang maaaring magdulot ng sinusitis.

Ang nasal polyps ay maliliit na paglaki sa lining ng ilong na nagiging sanhi ng mga ito upang maging mas maging iritable. Dagdag pa rito, ang pangangati ay maaari ring mauwi sa sinusitis. Ang pagbabago sa nasal cavity, na tinatawag na deviated septums, ay maaari ring maging sanhi ng sinusitis.

Mga Sintomas

Ano Ang Mga Sintomas?

Ang paggamot sa sinusitis ay nakadepende sa mga sintomas na nararanasan. Madali namang matukoy ang mga ito at karaniwang nag-iiba depende sa uri ng sinusitis na mayroon ka. Sa bahaging ito ng artikulo, tatalakayin natin ang mga sintomas ng acute at chronic sinusitis. Ang subacute sinusitis ay mayroong mga sintomas mula sa pareho, habang ang recurrent sinusitis ay ang pag-ulit ng mga sintomas na ito ng ilang beses sa isang taon.

Nagdudulot ng baradong ilong at maaaring magkaroon ng pagkawala ng amoy dahil sa kasikipan ang acute sinusitis. Ito ay maaaring may kasamang pananakit din sa mukha o mga migraine na nakapokus sa pagitan ng mga kilay at ibaba. Ang sakit ay maaari ring naroroon sa lugar ng ngipin o panga. Normal din ang nasal discharge sa panahong ito. Ang kulay ng discharge ay mula berde hanggang dilaw habang ang lagkit ay higit na makapal. Dagdag pa rito, karaniwan din ang pagkakaroo ng lagnat, gaya ng mabahong hininga, na kilala bilang halitosis. Ang pagkapagod ay maaaring sintomas din ng sinusitis.

Sa kabilang banda, ang chronic sinusitis ay maaaring tumagal ng 12 linggo o mas matagal pa. Ito ay maaaring dala ng pakiramdam ng kasikipan o pagkapuno dahil sa labis na bara o bara sa nasal cavity. Katulad ng acute sinusitis, maaari kang makaranas ng runny nose at lagnat. Maaari ring magkaroon ng nana sa nasal cavity at maaaring magdulot ito ng ilang pagkawalan ng kulay sa nasal discharge, na siyang nagiging sanhi ng paglihis ng mga kulay nito mula sa berde hanggang sa dilaw na tints sa acute sinusitis.

Mga Risk Factors

Sino Ang Nanganganib Magkaroon Nito?

Bagama’t ang lahat ay may panganib para sa sinusitis, ang ilang mga salik ay nakaaapekto sa kung gaano kataas o kababa ang mga antas ng panganib.

Mas karaniwang nakukuha ang sinusitis ng mga tao na mayroon nang mga pagkakaiba sa istruktura sa kanilang mga ilong. Kabilang dito ang pagbuo ng mga polyp, pagkakaroon ng makitid na drainage duct o kahit na mga kakulangan sa kanilang immune system. Ang makitid na drainage ducts ay mas madaling mabara kaysa doon sa may normal na laki; kaya mas madali silang mairita at mamaga. Maaaring maging sanhi ang mga kakulangan sa immune system na sipunin at magbara ang drainage ducts.

Dahil dito, ang pagkakaroon ng sipon at naka–block na nasal cavity ay magiging sanhi ng pangangati ng daanan ng ilong, dahilan para mas lalong mamaga ito.

Ang mga bata ay mas malamang na magkaroon ng sinusitis mula sa kanilang mga allergy o exposure sa mga dayuhang sangkap. Maaari ring maging sanhi ang mga sakit na nakukuha nila mula sa ibang mga bata. Dapat ding iwasan ang pag-inom sa bote sa kanilang likod at exposure sa secondhand smoke.

Para sa mga nasa hustong gulang naman, ang mga naunang impeksyon, viral man o bacterial, paninigarilyo o exposure sa secondhand smoke ay maaaring maglagay sa kanila sa panganib.

Pag-Iwas

Paano Maiiwasan Ang Sinusitis?

Bago tayo dumako sa mga paggamot sa sinusitis, atin munang talakayin kung paano maiiwasan ito. 

Dahil ito ay karaniwan at madaling mahuli, walang tiyak na paraan upang maiwasan ang sinusitis bukod sa pagsisikap na pababain ang mga antas ng panganib. Nangangahulugan ito na dapat mong iwasan ang paninigarilyo at allergens, at magsanay ng good hygiene.

Sa pangkalahatan, iwasan ang paninigarilyo at polusyon. Maaaring pigilan ka nito na mairita ang iyong ilong at babaan ang antas ng iyong panganib. Ang paghuhugas ng iyong mga kamay, lalo na kapag panahon ng trangkaso, ay makatutulong sa pag-iwas at kalaunan. Ang pag-iwas sa mga kilalang allergy at hindi kasiya-siyang amoy o mga sensitibong amoy ay mainam din sa pagsugpo maging sa paggamot sa sinusitis.

Paggamot 

Paggamot Sa Sinusitis

Ang paggamot ay maaaring mag-iba depende sa kung ano ang naging sanhi ng naturang kondisyon. Para sa karamihan ng mga simpleng impeksyon sa sinus, mabisa ang mga decongestant at saline nasal wash. Gayunpaman, mahalagang malaman na hindi ka dapat gumamit ng over-the-counter decongestants nang higit sa tatlong araw. Ang mga topical decongestant (i.e., Oxymetazoline nasal spray) ay hindi dapat gamitin nang higit sa tatlong araw. Maaari silang magdulot ng rebound congestion (tinatawag ding rhinitis medicamentosa).

Kung bacteria ang naging sanhi ng pangangati, magrereseta ang iyong doktor ng mga antibiotic o steroid. Kung minsan, maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga anti-inflammatories upang matulungan ang pangangati.

Maaaring gawing mas madaling pangasiwaan ang chronic sinusitis gamit ang isang vaporizer dahil ang mainit at mamasa-masa na hangin ay makatutulong na mapawi ito.

Konklusyon

Mahalagang malaman ang paggamot sa sinusitis dahil ito ay itinituring bilang isang karaniwang kondisyon. Ngunit sa pangkalahatan, ang sinusitis ay madaling pangasiwaan. Hangga’t napapanatili mo ang good hygiene at umiiwas ka sa mga irritants, magiging madali ang pagpapanatili ng iyong kalusugan.

Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Kondisyon ng Ilong dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sinusitis (sinus infection), https://www.nhs.uk/conditions/sinusitis-sinus-infection/, Accessed Aug. 26, 2020

Sinus infection (sinusitis), https://www.cdc.gov/antibiotic-use/community/for-patients/common-illnesses/sinus-infection.html, Accessed Aug. 26, 2020

Sinus Infection, https://acaai.org/allergies/types/sinus-infection, Accessed Aug. 26, 2020

Sinusitis, https://medlineplus.gov/sinusitis.html, Accessed Aug. 26, 2020

Sinusitis, https://medlineplus.gov/ency/article/000647.htm, Accessed Aug. 26, 2020

Kasalukuyang Version

10/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Sa Polyps Sa Ilong?

Nasal Congestion: Ano ang Sanhi Nito?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement