Ang ilong ang sense organ na ginagamit natin upang maamoy ang mga bagay-bagay, dahilan para matikman din ang iba’t ibang mga klase ng pagkain. Bukod sa paggamit ng ilong bilang pang-amoy, ito rin ay ang pinakapinto ng respiratory system dahil dito nagsisimula ang proseso ng pahinga. Ngunit, paano kung nakararamdam ka ng pangangati o pananakit sa bahaging ito? Ano kaya ang posibleng sanhi nito? Alamin ang iba’t ibang mga sakit at problema sa ilong dito.
Ano Ang Ginagawa Ng Iyong Ilong?
Bago tayo tumungo sa mga sakit at problema sa ilong, atin munang tukuyin ang ilong bilang higit pa sa isang sense organ.
Bagaman karamihan sa atin ang tanging alam lang tungkol sa ilong ay ang responsibilidad nitong makatukoy ng amoy, mayroong ilang mahahalagang mga tungkulin ito sa katawan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Hinahayaan nitong makapasok ang hangin sa loob ng katawan.
- Nakaapekto ito sa kung ano ang magiging tunog mo kapag ikaw ay nagsasalita.
- Sinasala at nililinis nito ang hangin upang tanggalin ang mga particle at allergens.
- Pinapainit at ginagawang mamasa-masa ang hanging upang komportable itong makadaan patungo sa respiratory system.
Tinutulungan ng ibang mga parte ng ilong, tulad ng nasal cavities, sinuses, buhok, at cilia, na magampanan ang mga nabanggit na functions sa pang araw-araw. Bukod pa rito, ito rin ang gumigitna sa buong mukha na siyang katang-tangi at sentrong aspeto rin ng kabuuang itsura at well-being. Dahil dito, itinuturing itong mahalagang bahagi ng katawan na dapat binibigyan din ng pansin at pangangalaga.
Mga Sakit At Problema Sa Ilong
Maliban sa pagkakaroon ng kaliwanagan at kaunawaan kung para saan ang iyong ilong, mahalaga rin na malaman ang maaaring mga sakit at problema sa ilong.
Sinusitis (Sinus Infection)
Bahagi ng ilong ang mga sinus at ang mga ito ay tumutukoy sa air-filled structures sa loob ng mga buto ng mukha. Naturingan ito na maraming tungkulin, kabilang ang pagiging cushion upang maprotektahan ang utak mula sa pinsala. Kung kaya, napakahalagang parte nito at kung ito ay magkaproblema, maaaring maapektuhan din ang ibang mga parte at pagkilos.
Kapag mayroong sinusitis ang isang tao, namamaga ang isa o higit pa sa mga sinus nito. Ito rin ay nagpapakita ng ilang mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Baradong ilong (nasal obstruction o congestion)
- Pagkabawas ng pag-amoy o panlasa
- Postnasal drip (maaaring makapal o kupas na nasal discharge/drainage)
Karaniwang sanhi nito ang pagbabara ng mga sinus openings dahil sa pamamaga. Samantala, ang pamamaga naman ay maaaring dulot ng viruses, bacteria, fungi, pati na rin ang mga nasal allergies.
Allergic Rhinitis
Kabilang sa listahan ng mga sakit at problema sa ilong ang allergic rhinitis na karaniwang nararanasan ng mga tao.
Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang kondisyong ito ay sanhi ng hyperactive na reaksyon ng iyong katawan sa kapaligiran. Ilan sa mga kadalasang salarin ay ang mga damo, pollen ng puno, amag, dust mites, at animal dander. Kapag mayroon ka nito, maaari itong magdulot ng pangangati, pagkabahing, runny nose o baradong ilong.
Ito ay kilala rin sa tawag na seasonal allergies, nasal allergies, o hay fever.
Nosebleed (Epistaxis)
Isa pang karaniwang kabilang kondisyon ng ilong ay ang pagkakaroon ng nosebleed. Ito ay sanhi ng pagputok ng daluyan ng dugo sa ilong na maaaring resulta ng mga sumusunod na dahilan:
- Trauma
- Mga gamot
- Tumor
- Operasyon
- Salik sa kapaligiran
Hindi naman ito ganoong seryosong kondisyon at kusa naman itong humihinto mag-isa.
Nasal Polyps
Ang nasal polyps ay tumutukoy sa mga bukol na maaaring humarang sa daluyan ang hangin o pigilan ang ilong na salain ang hangin na papasok. Magkakatulad ang sintomas ng nasal polyps at sinus infections na kinabibilangan ng stuffy nose, presyon at sakit sa sinus. Ito ay marahil ang mga problema sa ilong at sinus na nagdudulot ng pangmatagalang pangangati ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng nasal polyps.
Deviated Septum
Nangyayari ang deviated septum kapag ang iyong septum ay lumabas sa gitnang bahagi, maaaring sa kapanganakan o mula sa pinsala. Maaari itong magdulot ng mga problema sa paghinga, nasal congestion, at pananakit ng ulo.
Key Takeaways
Mahalaga ang iyong ilong dahil sa maraming bagay na nagagawa nito. Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga sakit at problema sa ilong. Siguruduhing kumunsulta sa iyong doktor kung may nararamadamang kakaiba sa bahaging ito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Kondisyon ng Ilong dito.