backup og meta

Ang Mga Benefits Ng Sambong Bilang Halamang Gamot

Ang Mga Benefits Ng Sambong Bilang Halamang Gamot

Ang Blumea balsamifera, o mas kilala sa pangalang “sambong,” ay may iba’t-ibang health benefits na kinikilala ng Department of Health (DOH). Sa katunayan, ang sambong ay isa sa 10 herbal medicines na nasa listahan ng DOH na maaaring gamiting panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

Ito ay matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Sa Ilocos, ang tawag dito ay “subsob”. Sa Visayas nama’y mas kilala ito sa tawag na “bukadkad”.

Paano Gamitin ang Sambong?

Matagal nang sinasaliksik ng mga dalubhasa at eksperto ang kabuuan ng mga benepisyo ng halamang ito, ngunit ano nga ba talaga ang mga ito?

Ang sambong ay maaaring makatulong laban sa bato sa kidney (kidney stones)

Sa isang pagsusuri, natagpuan ng mga eksperto na ang Sambong extract ay maaaring mag-paliit ng calcium oxalate crystals. Ang calcium oxalate ay uri ng stones na kadalasang matatagpuan sa kidney.

Sa nasabing study, hindi lamang naging mabisa ang Sambong sa pagpapaliit ng crystals, gumana rin ito sa pagpigil ng pagkumpul-kumpol ng mga ito.

Ibig sabihin nito’y hindi lamang mainam na kidney stone treatment ang sambong, maaari rin itong makatulong na pigilan ang pagbuo nga mga ito.

Ang sambong ay nakakatulong sa diuresis o pag-ihi

Ang diuresis o madalas na pag-ihi ay nangyayari kapag maraming fluid na finifilter ang ating mga kidneys. Kahit na mukhang malaking abala ito, nakakatulong ang diuresis sa pagtanggal ng mga toxins sa ating katawan.

Ang sambong ay nakakatulong na ibsan ang pamamanas

Ang manas, o edema, ay dulot ng pag-retain ng fluids sa ating mga tissues o cavities. Dahil ang sambong ay nakakatulong na paramihin o padalasin ang pag-ihi, nakakatulong itong bawasan ang pamamaga o pamamanas sa ating katawan.

Ang sambong ay maaaring makatulong na ibsan ang lagnat

Isa pa sa mga kakaibang benepisyo ng sambong ay ang abilidad nitong magpababa ng mataas ng lagnat. Dahil may menthol properties ito, nakakatulong ito sa pag-cool down ng body temperature.

Ang sambong ay maaaring panggamot ng ubo at sipon

Ang kakaibang medicinal plant na ito ay may expectorant properties. Ito ay isa sa mga natatanging benefits ng sambong. Ang ibig sabihin nito’y maaari itong makatulong na alisin ang plemang naiipon sa ating respiratory tract.

Maliban dito, ang sambong ay mayroong antimicrobial properties na labis na nakakatulong laban sa maraming sakit. Marahil ang isa sa pinaka-mainam na benefits nito ay ang abilidad nitong pumatay ng bacteria at iba pang mikrobyo.

Katambal ng anti-inflammatory chemicals, ang sambong ay maaaring gamiting laban sa diarrhea, pananakit ng tiyan, sore throat, rayuma, at skin problems tulad ng boils.

Paano ito gumagana?

Ang sambong ay maraming benepisyo, mula sa pag-kontrol ng altapresyon hanggang sa pag-prevent ng kidney stones. Ang pagiging matalab nito bilang medicinal plant ay tanggap rin ng karamihan, pero importanteng tandaan na ang pruweba nito’y base sa “anecdotes” o experiences ng iba at hindi sa siyensiya o pagsasaliksik.

sambong

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng sambong?

Kahit na marami itong benepisyo, importanteng tandaan natin ang mga konsiderasyon sa paggamit nito.

Isa na dito ang allergic reactions. Kahit na bihira, posible pa rin na maging allergic dito lalo na kung allergic ka rin sa ragweed plants o halamang katulad nito.

Isa pa, wala pang pagsasaliksik o scientific studies ukol sa safety o bisa nito para sa mga nagbubuntis o nagpapasusong ina.

At dahil diuretic agent ito, maaaring magdulot ng dehydration kapag hindi sapat ang iniinum na tubig o fluids.

Gaano ka-safe ang sambong?

Isa sa pinaka-mainam na bagay tungkol sa herbal medicine na ito ay safe naman siyang gamitin. Sa katunayan, ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care ng DOH ay pinopromote ang tablet form ng powedered sambong leaves.

Babala o Special Precautions

Sa ngayon, wala pang sapat na data para magpatunay na safe ito para sa buntis o nagpapasusong ina. Kaya’t mainam na iwasan ito kung ika’y nagbubuntis o may planong mag-breastfeed.

Isa pa, maging labis na maingat kung ika’y allergic sa ragweed plants o mga halamang gamot na tulad na ito. Ugaliing kumunsulta sa iyong doctor bago mag-take ng medicinal plant na ito – maging tsaa or tableta – lalo na kung ika’y may sakit sa kidney.

Ano ang mga side effects?

Sa kabutihang palad, wala namang serious side effects ang sambong, base sa mga eksperto. Bagamat nakakapag-cause ito ng allergic reaction, lalo na para sa mga allergic sa ragweed plants at katulad nitong halamang gamot.

Ang mga iba pang side effects ay pangangati o pamamantal ng balat.

Ano ang mga drug or food interactions?

Hindi rin maaaring mag-interact ang sambong sa ibang gamot o pagkain. Sa kabila nito, mainam pa ring kausapin ang iyong doktor, lalo na kung ika’y may mine-maintain na special diet or medications.

Ano ang tamang dosage nito?

Ang benepisyo ng sambong maaaring ma-harness sa iba’t ibang paraan. Isang paalala: ang dosages at applications na ito ay naglalayong makatulong ngunit mas important pa rin pahalagahan ang advice ng iyong doktor.

Tableta

Isang commercial prepared medication, lalo na kapag ginawang tableta, na dapat i-take according sa advice ng doktor. Subalit, may usual doses ito.

Kung gagamitin bilang diuretic agent, dapat 2 tablets, 3 beses sa isang araw. Ang isang tableta ay karaniwang may 250mg ng powdered sambong leaves.

Kung ito’y ipanlalaban sa kidney dose, ang ideal dose nama’y 40-50 mg per kilogram ng body weight per day. I-divide lamang ang total sa tatlong equal doses.

Tsaa or Decoction

Kung ang sambong ay gagawing tsaa o decoction, pakuluan ang mga dahon at uminom ng 1 baso, 3 hanggang 4 na beses araw-araw. Maaari ring gamitin ang decoction na ito sa pagpapaligo, kung ang layunin ay pababain ang lagnat.

Isa pa, maaari ring inumin ang tsaa na gawa sa pinakuluang mga ugat ng sambong para pababain ang body temperature.

Poultice

Para sa mga iniinda tulad ng sakit ng ulo, dikdikin o durugin lamang ang dahong ng sambong at ilapat sa apektadong area.

Ano ba ang forms ng halamang ito?

Base sa advice ng doktor at sa kung anumang gamit nito, maaari mong i-avail ang sambong sa:

  • Fresh na dahon at sanga
  • Tableta
  • Powder
  • Paste o poultice

Based on your doctor’s advice and for whatever use, you may avail of sambong in the following forms:

  • Fresh leaves and stalk
  • Tablet
  • Powder
  • Paste/ poultice

Key Takeaways

Bagamat kinakailangan pa ang mas malalim na pagsasaliksik, marami-rami na rin ang studies at reviews na magpapatunay na epektibo ang sambong. Kaya’t masasabi nating labis na makakatulong ang herbal medicine nito na bigyang lunas ang mga pangkaraniwang sakit tulad ng ubo, sipon, diarrhea, o sore throat.

Alamin ang iba’t iba pang Herbals & Alternatives at paano sila makakatulong payabungin ang iyong kalusugan dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pang, Yuxin & Wang, Dan & Fan, Zuowang & Chen, Xiao-Lu & Yu, Fulai & Hu, Xuan & Wang, Kai & Yuan, Lei. (2014). Blumea balsamifera-A Phytochemical and Pharmacological Review. Molecules (Basel, Switzerland). 19. 9453-9477. 10.3390/molecules19079453. Accessed 30 May 2020

Blumea balsamifera—A phytochemical and pharmacological review. (n.d.). Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6272021/.  Accessed 30 April 2020

Christiano, D. (n.d.). Diuresis: Definition, causes, treatment, outlook, and more. Retrieved from https://www.healthline.com/health/diuresis. Accessed 30 April 2020

Effect of Blumea balsamifera extract on the phase and morphology of calcium oxalate crystals. (n.d.). Retrieved from https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2214388216300546  Accessed 30 April 2020

Hoffman, M. (2009, October 23). Edema: Types, causes, symptoms, and treatment. Retrieved from https://www.webmd.com/heart-disease/heart-failure/edema-overview. Accessed 30 April 2020

Lockett, E. (n.d.). Doing a natural kidney cleanse at home. Retrieved from https://www.healthline.com/health/kidney-cleanse#foods. Accessed 30 April 2020

Re-leaf/re-leaf Forte full prescribing information, dosage & side effects | MIMS.com Philippines. (n.d.). Retrieved from https://www.mims.com/philippines/drug/info/re-leaf-re-leaf%20forte?type=full. Accessed 30 April 2020

Sambong (Blumea balsamifera) – Herbal medicine. (n.d.). Retrieved from https://www.philippineherbalmedicine.org/sambong.htm. Accessed 30 April 2020

 

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement