backup og meta

Para Saan Ang Saluyot? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Saluyot? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para saan ang Saluyot?

Laganap sa Pilipinas ang saluyot. Isa itong kilalang herbal plant na hitik sa nutrients at minerals. Kilala rin ito sa tawag na “jute”. Ating alamin ang benepisyo nito para sa ating kalusugan.

Ang tuyong tangkay ng saluyot ay hitik sa fiber, at madalas rin itong ginagamit sa paggawa ng ibang produkto tulad ng papel at mga sako.

Ang mga dahon naman nito’y kadalasang ginagamit sa larangan ng medisina.

At isa sa mga rason na sikat ito sa Pilipinas ay dahil sa health benefits nito sa mga nagbubuntis.

Ano ang Health Benefits ng Saluyot?

Para saan ang saluyot? Heto ang mga health benefits ng halamang ito:

Ang Saluyot ay Nagpapatibay ng Immunity

Dahil hitik ang saluyot sa vitamins E, C, at antioxidants, maaari itong makatulong sa pagpapalakas ng resistensiya o immunity.

Ang mga vitamins at antioxidants na taglay nito’y maaari ring makatulong upang bawasan ang wrinkles habang tinutulungan ang ating katawang labanan ang mga impeksiyon at iba’t ibang karamdaman.

Maaaring Makatulong ang Saluyot na Panatilihing Malinaw ang Mata

Ang halamang gamot na ito’y mayroong vitamins A at B6 kung kaya’t may kakayanan itong makatulong na i-maintain ang malinaw na mata.

Ang Herbal Medicine na Ito’y Maaaring Nakakatulong sa Nagbubuntis at may Diabetes

Madalas abisuhan ng doktor ang mga mommies na idagdag ito sa kanilang diet. Bakit? Ayon sa pananaliksik, ang saluyot ay nagpapatibay ng resistance (ng nagbubuntis at ng kaniyang fetus) laban sa oxidative stress na dulot ng diabetes.

Ang Saluyot ay Maaaring Mag-Protect sa Atay

Dahil may antioxidant properties ito, ang extracts ng saluyot ay maaaring mag-protect sa liver sa pamamagitan ng pag-detoxify ng thioacetamide, isang compound na maaaring magdulot ng sakit sa atay.

Mga Iba pang Benefits ng Saluyot:

  • Maaaring makatulong sa internal bleeding. Para dito, kumunsulta sa iyong doktor.
  • Nakakatulong sa pag-absorb ng nutrients.
  • Paminsa’y ginagamit rin ang saluyot panlaban sa jaundice o paninilaw at iba pang komplikasyon na dulot ng long-term use ng mga gamot tulad ng aspirin at antibiotics.
  • Nakakatulong rin ito sa mabuting oral health ng ating ngipin at gilagid.
  • Maaari rin itong makatulong sa pag-kontrol ng blood pressure, build-up ng kolesterol, at prevention ng sakit sa puso. Dahil ito sa high fiber content ng saluyot.
  • Maari rin itong makatulong sa pag-iwas o paggamot sa ibang uri ng kanser dahil sa taglay nitong antioxidant and anti-inflammatory properties.
  • Maaari rin itong gamiting treatment sa ibang sintomas ng asthma.
  • Ang saluyot ay may sinasabing kakayanang i-prevent ang restless leg syndrome or fatigue, isang kundisyon kung saan nakaka-experience ang isang tao ng pamamanhid o cramps at iba pang sintomas ng labis na kapaguran.

Paano Ito Nagiging Mabisa?

Ang saluyot ay may anti-inflammatory and antipyretic properties sa extract nito. Ayon sa isang pagsusuri, ang saluyot ay nakapag-reduce ng pamamaga at lagnat sa mga daga na ginamit bilang test subjects nito.

Noong 2016, natagpuan rin ng mga scientists na may natural compounds ito na maaaring labanan ang tumor.

May isa pang pagsusuri sa Malaysia na naglayong malaman kung makakatulong ito laban sa jaundice. Ang saluyot leaves extract ay inadminister sa mga dagang may liver damage na dulot ng thioacetamide.

Matapos ang naturang study, natagpuan nila na ang mga dagang binigyan ng saluyot ang nag-develop ng resistance sa liver lesions, cell necrosis, at inflammation.

Dahil rin sa study, nakita nila na ang antioxidant properties and enzyme detoxification activities ng saluyot ay labis na nakatulong sa abilidad nitong protektahan ang atay laban sa damage na dulot ng mga kemikal.

Ang saluyot ay hitik rin sa magnesium. Ang magnesium ay maaaring makatulong i-relax ang bronchial muscles ng ating baga, kung kaya’t maaari rin itong makatulong sa may mga asthma.

May taglay rin itong calcium para patibayin ang ngipin, at iron, kung kaya’t nakakatulong itong ibsan ang fatigue at restless leg syndrome.

Ang vitamin K content naman ng saluyot ay maaring makatulong iwasan ang bleeding sa atay, poor nutrient absorption, at damage na dulot ng long-term use of antibiotics or aspirin.

Ang high fiber content ng saluyot ay nakakatulong sa ating digestion, sa pag-regulate ng blood sugar, at pag-manage ng ating appetite. Kaunti lamang ang calories ng fiber kung kaya’t hindi tayo mabilis magutom kapag high-fiber diet. Sa ganitong aspeto, makakatulong rin ang saluyot kung gusto natin magbawas ng timbang.

Mahalagang Paalala

Sa Pilipinas, ang saluyot ay madalas na gamiting sangkap para sa mga ulam. Ngunit kahit na ginagamit ito sa araw-araw, importante pa ring kumunsulta sa doktor kung balak niyo itong gamiting gamot sa anumang sakit, lalo na kung mayroon kayong preexisting health conditions.

Safe ba ang Saluyot?

Ang saluyot ay safe na kainin dahil, tulad ng nasabi kanina, pangkaraniwan na itong sangkap sa mga pagkaing Pilipino.

Safe rin ito sa nagbubuntis o nagpapasuso. Pero napakahalaga pa ring kumunsulta sa iyong doktor bago ito gamitin bilang gamot. Ugaliing tanungin ang iyong doktor bago sumubok ng anumang herbal medicine.

Babala at Safety Precautions

  • Laging kumonsulta sa iyong doktor para sa kanilang advice kung balak niyo subukan ang saluyot upang gamot sa sari-saring iniinda o karamdaman.

Side Effects, Interaksyon, at Dosage

Ngayong alam na natin kung para saan ang saluyot, mayroon ba itong mga side effects? Kadalasan, wala namang adverse side effects ang saluyot. Siguraduhing tumakbo sa ospital kung ika’y maka-experience ng allergic reaction tulad ng pamamantal (rashes), pamamaga sa iyong mukha, lalamunan o dila, o hirap sa paghinga.

Interaksyon

Kahit na wala namang adverse side effects ang saluyot, ugaliin pa ring kumonsulta sa iyong doktor o healthcare provider para sa advice kung kinokonsider mong gamitin ang saluyot bilang panlaban o panggamot sa sakit.

Tandaan: Ang saluyot ay maaaring mag-interact sa mga ibang medication.

Dosage

Kausapin ang iyong doktor bago subukan ang alternative medicine na ito dahil ang dosage na required ay iba-iba depende sa tao.

Ano ang Forms ng Saluyot?

Madali lamang patubuin ang saluyot sa ating mga hardin. At hindi ito mahirap hanapin sa ating mga suking palengke.

Kahit na maaari itong kainin na hilaw, ang dahon nito’y madalas na tinutuyo at pinapakuluan upang gawing tsaa.

Madalas rin itong gamiting sangkap para sa mga ulam tulad ng ginisang munggo. Sa Ilocos, ang saluyot ay madalas na sangkap sa  dinengdeng at bulang-bulang.

Gusto mo bang malaman kung ano pang halamang gamot ang maaaring makatulong sa iyo? Pumunta lamang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

10 Amazing Jute Leaves Health Benefits | Corchorus Olitorius  https://www.practicalhealthandwellnesssolutions.com/jute-leaves-health-benefits-corchorus-olitorius/

Saluyot | Corchorus olitorius Herbal Medicine http://www.medicalhealthguide.com/articles/saluyot.htm

10 Excellent Health Benefits of Saluyot Leaves https://drhealthbenefits.com/herbal/leaves/health-benefits-of-saluyot-leaves

Jute – Corchorus olitorius https://www.healthbenefitstimes.com/jute/  

Jute Leaves (Saluyot): For Asthma, Diabetes, Heart Health and More https://www.1mhealthtips.com/jute-leaves-saluyot-for-asthma-diabetes-heart-health-and-more/

What are the benefits of dried saluyot leaves? https://www.livestrong.com/article/549201-what-are-the-benefits-of-dried-saluyot-leaves/

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement