backup og meta

Herbal Para Sa Buntis: Heto Ang Mga Safe Na Herbs

Herbal Para Sa Buntis: Heto Ang Mga Safe Na Herbs

Mahalagang malaman ang herbal para sa buntis para maging ligtas ang kanilang pregnancy journey. Kinakailangan ito upang maiwasan ang mga komplikasyon para sa ina at bata.

Alam naman ng halos lahat, na ang gamot ay mahalaga para gamutin ang mga sakit. Subalit, maraming indibidwal ang ayaw sa unwanted side effects. Kaya ang mga tao ay lumilipat sa herbal remedies. Para makatipid ng pera at maiwasan ang side effects na kanilang pwedeng maranasan. Ang mga buntis ay maituturing na bahagi ng isang espesyal na populasyon. Kaya napakahalaga na matukoy, kung anong mga herbal para sa buntis ang ligtas.

Huwag ding kakalimutan na marami sa mga herbal na nakalista dito ay ligtas kung gagamitin bilang pagkain: partikular sa normal na dami na ginagamit sa pagluluto. Tandaan din, na ang mataas na dosis na tine-take araw-araw ay pwedeng makapinsala sa’yo at sa baby. Bago uminom ng anumang mga gamot o herbal products. Ugaliing laging kumonsulta sa’yong physician.

Herbal Para Sa Buntis: Peppermint

Ang Peppermint ay isang refreshing at cool herb. Marami itong benepisyo sa’tin, bukod sa pagtulong nito sa pag-iwas ng pagkakaroon ng bad breath ng isang tao.

Makikita na ang mga sariwang dahon nito ay pwedeng makapawi ng pagduduwal, pagsusuka, at kabag. Ito ay kapaki-pakinabang para sa mga babae na nakakaranas ng morning sickness.

Kung wala kang access sa fresh peppermint, makakahanap ka ng peppermint tea sa maraming grocery store at health shop.

Herbal Para Sa Buntis: Virgin Coconut Oil (VCO)

Sinasabi na ang VCO ay isang versatile superfood. Ang virgin coconut oil ay maganda na gamitin para sa tuyong balat at buhok. Sa isang recent na pag-aaral, ipinakita na ang virgin coconut oil ay pwedeng maging epektibo laban sa COVID-19. Dahil sa antiviral properties na taglay nito.

Ito ay pinagmumulan ng medium-chain triglycerides, na mabisa sa pagkontrol ng cravings at pag-iwas sa pagtaas ng timbang.

Sa ngayon, wala pang masamang epekto ang VCO. Ito ay itinuturing na ligtas gamitin sa panahon ng pagbubuntis.

Herbal Para Sa Buntis: Luya

Herbal Para sa Buntis

Ang luya na ginagamit sa pagkain at inumin ay isang magandang paraan para magdagdag ng refreshing flavor at health benefits. Maaari itong balatan at hiwain— at lagyan ng mainit na tubig para gawing tsaa ng salabat. Pwede kang magdagdag ng honey at lemon o calamansi, upang magdagdag ng flavor at pampalakas ng vitamin C.

Ito ay magandang herbal remedy para sa pagpapaginhawa ng namamagang lalamunan. Nakakatulong din ito sa pag-iwas ng sipon, at pag-alis ng discomfort ng pagduduwal at morning sickness. Kung wala kang sariwang luya, pwede kang bumili ng powdered version.

Herbal Para Sa Buntis: Psyllium

Madalas na dumaranas ng constipation ang mga buntis sa ilang bahagi ng kanilang pregnancy journey. Ang pagdaragdag ng fiber sa’yong diyeta ay isang epektibo at natural na paraan. Para mapabuti ang bowel motility at bumuo ng mas malambot at malalaking dumi. Huwag kakalimutan, na ang pagkain ng mas maraming prutas, gulay, at whole grains ay magandang paraan. Upang maisama ang fiber sa’yong diyeta. Kung hindi iyon sapat, makakatulong ang psyllium na may maraming tubig.

Herbal Para Sa Buntis: Capsicum

Sinasabi na ang Capsicum ay isang compound na nagbibigay sa chili pepper ng spiciness. Ito ay ginagamit para mapawi ang sakit kapag iniaplay ito nang topically. Makakahanap ka ng topical ointments at patches na naglalaman ng capsicum sa karamihang drug stores. Dahil pangunahing iniaaplay ito, at hindi makakaapekto sa’yong organs o sa iyong baby.

Laging hugasan ang iyong mga kamay nang maigi. Pagkatapos humawak ng anumang bagay na may capsicum. Upang maiwasan ang pangangati at pagkasunog, lalo sa mga mata at bibig. Ang pagkain ng spicy food ay ligtas din. Subalit, kung nakakaranas ka nang heartburn— maaari itong lumala.

Mga Herbal Na Hindi Ligtas Sa Panahon Ng Pagbubuntis

Herbal Para sa Buntis

Fenugreek

Ang Fenugreek ay isang sikat na herbal supplement na available sa maraming health food at specialty shops. Ito ay isang digestive aid at isang appetite stimulant. Makikita na ang herb na ito ay pwedeng makaapekto sa hormone levels na maaaring makatulong para sa ilang partikular na kondisyon. Tulad ng diabetes, dyslipidemia, at  thyroid conditions.

Dapat iwasan ng mga buntis ang fenugreek. Dahil ipinakita sa animal studies na pinasisigla o stimulates nito ang matris — at pwedeng maging sanhi ng miscarriage.

Aloe Vera

Ang herb na ito ay karaniwan sa topical products at sa isang juice. Masasabi na ang aloe vera ay mabisa sa moisturizing at pag-sooth ng balat. Bagama’t ganap na ligtas ito na gamitin. Tandaan lamang na ang mga bagong hiwa na aloe vera sa balat ay hindi ito dapat kainin— sa panahon ng pagbubuntis.

Cola Nitida

Kilala rin bilang kola nut, bilang isang native plant sa mga lugar sa West Africa. Ang halamang ito ay hindi karaniwan sa Pilipinas. Subalit, ang cola ay isang sangkap sa softdrinks. Kung saan, ang soft drinks ay hindi lamang naglalaman ng mataas na amount ng asukal. Mayroon din silang caffeine mula sa cola. Iwasan ang parehong sobrang asukal at caffeine sa panahon ng pagbubuntis.

Ephedra (Ma Huang)

Habang hindi pa natutuklasan ang lunas para sa COVID-19, isinusulong ng mga tao ang paggamit ng traditional Chinese medicines. Ang Ma huang, o ephedra, ay nagpapaginhawa sa respiratory symptoms. Tulad ng ubo, congestion, at runny nose na dulot ng hika o trangkaso. Ang ilang weight-loss supplements at performance-enhancing products ay naglalaman ng ephedra.

Sa kabila ng paggamit ng traditional Chinese medicine, ipinagbawal ng US FDA ang ma huang. Dahil ang Ma huang ay isang stimulant drug na katulad ng ephedrine. Ito ay hindi ligtas na inumin habang buntis. Kasama sa side effects nito ang pagduduwal, pagtaas ng risk ng stroke, heart arrhythmia, at posibleng kamatayan.

Cinnamon

Ang cinnamon ay nagdaragdag ng flavors at aroma sa pagkain at inumin. Pero sa panahon ng pagbubuntis, dapat itong iwasan. Dahil ang essential oils ng cinnamon ay pwedeng maging dahilan ng fetal malformation kung ito ay ingested orally. Subalit, kung na-e-enjoy mo ang cinnamon-flavored dessert at inumin. Sinasabi na ang ilang sprinkle nito ay malamang na hindi magdudulot ng pinsala.

Key Takeaways

Ngayong alam mo na kung anong mga herbal ang para sa buntis. Maaari mong simulan o ipagpatuloy ang paggamit ng mga ito, para gamutin ang minor ailments. Ang mga halamang gamot na dapat iwasan habang buntis ay isang small fraction lamang. Nang maraming sangkap na posibleng mapanganib. Tandaan, na ang lahat ng mga halamang gamot ay maaaring maging toxic sa malalaking amount. Hindi mo rin dapat sadyain na kumuha ng anumang mga halamang gamot upang makahikayat ng pagpapalaglag.
Ang mga impormasyong ito ay nagsisilbing instrumento sa pagtuturo. Ngunit, doktor lamang ang maaaring magrekomenda kung anong mga herbal ang angkop para sa’yong pregnancy journey.

Matuto pa tungkol sa halamang gamot, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Herbs and Pregnancy. https://americanpregnancy.org/is-it-safe/herbs-and-pregnancy-1003, Accessed October 23, 2020

Herbal medicinal products during pregnancy: are they safe? https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/j.1471-0528.2002.t01-1-01009.x, Accessed October 23, 2020

Safety classification of herbal medicines used among pregnant women in Asian countries: a systematic review. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5686907/, Accessed October 23, 2020

Fenugreek. https://www.nccih.nih.gov/health/fenugreek, Accessed October 25, 2020

Ephedra. http://pennstatehershey.adam.com/content.aspx?productId=107&pid=33&gid=000240, Accessed October 25, 2020

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement