backup og meta

Halamang Gamot Sa Sakit Sa Katawan: Anu-Ano Ang Mga Mabisa?

Halamang Gamot Sa Sakit Sa Katawan: Anu-Ano Ang Mga Mabisa?

Maraming halamang gamot sa sakit sa katawan ang pinaniniwalaan ng mga matatanda na mabisang paggamot sa body pain. Ngunit ang tanong may katotohanan ba ang paniniwalang ito o isa lamang ito sa mga haka-haka na umiiral sa Pilipinas? At kung totoo man ito, anu-ano ang mga halamang gamot na pwedeng gamitin para maibsan ang pananakit ng katawan?

Basahin at alamin sa artikulong ito ang mga sagot sa katanungan na ito.

Mga Halamang Gamot Na Maaaring Makatulong Sa Sakit Ng Katawan

Hindi na nakapagtataka kung nakakaranas ng pananakit ng katawan ang isang tao dahil sa kanyang sobrang paggawa ng mga aktibidad, at pagkakaroon ng mga medikal na kondisyon na na sanhi ng body pain. Kaya naman para mapahupa ang sakit na nararamdaman, ang ilang mga tao ay umaasa sa paggamit ng mga halamang gamot sa sakit ng katawan upang guminhawa ang kanilang nararamdaman.

Narito ang isang maikling talaan ng mga halamang gamot sa sakit ng katawan na dapat mong malaman:

Ginseng

Ayon sa ilang mga artikulo at pag-aaral ang ginseng ay nakatutulong upang mawala ang mental at physical fatigue ng isang tao dahilan para maibsan ang sakit ng katawan sanhi ng pagod. Para magamit ang ginseng pwede kang magpakulo ng pinatuyong ugat nito at salain pagkatapos kumulo upang iyong mainom.

Boswellia

Ayon sa ilang pag-aaral ang boswellia ay isang epektibong halamang gamot na maaaring gamitin para sa treatment ng osteoarthritis (OA), at pagpapahupa ng sakit at paninigas ng kalamnan, Bukod pa rito, pwede ring magamit ang boswellia sa paggamot para sa mga sumusunod na sakit at sintomas:

  • Mga sintomas ng hika
  • Pamamaga
  • Rayuma
  • Colitis
  • Pagbawas ng skin damage dahil sa radiotherapy
  • Pagbabawas ng fluid cerebral edema (pamamaga ng utak)

Turmeric

Kilala ang turmeric sa napakarami nitong benepisyo at sa pagtataglay nito ng antioxidant na tumutulong para protektahan ang ating katawan mula sa free radical molecules na sumisira ng cells. 

Ayon sa mga pag-aaral ang turmeric ay tumutulong din upang mapahupa ang pamamaga at mabawasan ang inflammation ng isang tao. Sa madaling sabi, pwedeng maibsan ang sakit ng katawan na nararamdaman ng isang indibidwal dahil sa kanyang pamamaga at inflammation.

Feverfew

Ginagamit ang feverfew para sa pagpapahupa ng sakit ng ulo, tiyan, migraines, at rheumatoid arthritis. Pero maraming pag-aaral pa ang kinakailangang isagawa upang makumpirma ang effectiveness nito sa isang tao. 

Devil’s Claw

Mayroong mga scientific evidence na ang South African herb na ito ay pwedeng makatulong sa pagma-manage ng arthritis at lower back pain ng isang tao. Subalit nangangailangan pa ng maraming pag-aaral upang suportahan ang claim na ito.

Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Doktor?

Sa oras na hindi na manageable ang pananakit ng katawan mas mabuting magpakonsulta na sa doktor upang malaman ang pinakaugat ng sakit ng katawan. Malaki rin ang maitutulong nito para makita ang mga underlying health condition na maaaring nakakaapekto sa pagkakaroon mo ng body pain

Kinakailangan na makinig ka sa mga payo na ibibigay sa’yo ng doktor para sa agarang paggaling. Tandaan mo rin na ang mga treatment at gamot na ibibigay sa’yo ay depende sa iyong kasalukuyang kondisyon at kalusugan.

Huwag mo ring kakalimutan na maganda na aprubado ng iyong doktor ang lahat ng gamot na iyong iinumin upang masigurado na maging ligtas ka at maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon dahil sa maling treatment.

Key Takeaways

Maraming halamang gamot sa mundo ang napatunayang mabisa para sa iba’t ibang sakit. Subalit mas mainam pa rin kung magkakaroon tayo ng sariling pananaliksik sa mga herbal medicine na nais nating gamitin. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Dagdag pa rito, maganda rin kung magkakaroon tayo ng regular na konsultasyon sa doktor para sa ikabubuti ng ating kalusugan at para magkaroon ng angkop na paggamot sa bawat sakit na ating kinakaharap.

Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Migraine and diet, https://americanmigrainefoundation.org/resource-library/migraine-and-diet/, Accessed July 12, 2022

Turmeric, https://www.nccih.nih.gov/health/turmeric, Accessed July 12, 2022

Therapeutic effects of turmeric in several disease: An overview, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31255636/, Accessed July 12, 2022

Boswellia, https://www.mskcc.org/cancer-care/integrative-medicine/herbs/boswellia, Accessed July 12, 2022

Herbal Remedies for Natural Pain Relief, https://www.everydayhealth.com/pain-management/natural-pain-remedies.aspx, Accessed July 12, 2022

 

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Karaniwang Halamang Gamot: Heto Ang Isang Listahan

Halamang Gamot Sa Pamamaga Ng Kamay, Ano Ba Ang Mabisa?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement