Noong bata ka, natatandaan mong nagkaroon ka ng pigsa at binigyan ka nito ng hindi kanais-nais na pakiramdam. Dahil ang nanay mo ay malaki ang paniniwala sa bisa ng mga natural na pamamaraan ng paggamot, tulad ng mga halamang gamot, ito ang ginamit sa iyo. At tunay nga naman, ito ay naging mabisa upang gumaling ang iyong pigsa. Alamin kung ano-ano ang mga halamang gamot sa pigsa na maaaring mong gamitin.
Pagkilala Sa Kung Ano Ang Pigsa
Isang natatanging pagkakakilanlan sa pigsa ay ang nana sa balat na dulot ng impeksyon. Ito ay karaniwang nagsisimula bilang isang impeksiyon sa isang follicle ng buhok at kumakalat sa nakapaligid na lugar. Ang impeksyon ay kadalasang sanhi ng bacteria na Staphylococcus aureus. Ito rin ay kilala bilang boils sa Ingles.
Ang mga pigsa (furuncles) ay karaniwang nagsisimula bilang mamula-mula o purplish, malambot na bukol. Mabilis na napupuno ito ng nana, at unti-unting lumalaki at nagiging masakit hanggang sa mapunit at maubos ito. Kadalasan ito ay nabubuo sa mga sumusunod na lugar: