backup og meta

Halamang Gamot Sa GERD: Subukan Ang Mga Ito!

Halamang Gamot Sa GERD: Subukan Ang Mga Ito!

Naranasan mo na ba na dumighay at nalasahan mo na may acid sa iyong bibig? O nakaramdam ka na ba ng heartburn? Kung gayon, kabilang ka sa mga taong maaaring nakaranas na ng gastroesophageal reflux disease o GERD. Kilalanin ang mga halamang gamot sa GERD na maaaring makatulong sa iyo na maibsan ang sakit at iba pang mga sintomas sa artikulong ito. 

Ano Ang GERD At Bakit Ito Nangyayari?

Bago tayo tumungo sa mga halamang gamot sa GERD, alamin muna natin kung ano ang partikular na kondisyon at ang dahilan kung bakit ito nangyayari. 

Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan ang stomach acid ay madalas na dumadaloy pabalik sa esophagus. Ang backwash na ito (acid reflux) ay maaaring makairita sa lining ng iyong esophagus.

Katulad ng nabanggit, nangyayari ang acid reflux dahil ang valve sa dulo ng iyong esophagus, (lower esophageal sphincter), ay hindi sumasara nang maayos kapag dumating ang pagkain sa iyong tiyan. Ang naturang acid backwash ang nagbibigay sa iyo ng maasim na lasa matapos dumighay. 

Kadalasan namang nararanasan ng mga tao ang acid reflux. Ito ay maaaring maging mild hanggang seryosong klase. Ang malubhang anyo naman ng acid reflux ay kinikilala bilang GERD. Kung kaya, ito tinatawag ding chronic acid reflux. 

Maaari kang makaranas ng patuloy na heartburn at acid regurgitation bilang mga pangunahing sintomas. May ilan namang mayroong GERD na hindi nakararanas ng heartburn. Sa halip, nakakaranas sila ng pananakit ng dibdib, pamamaos sa umaga, o problema sa paglunok. Maaaring pakiramdam mo ay may nabara kang pagkain sa iyong lalamunan, o parang nasasakal o naninikip ang iyong lalamunan. Ang GERD ay maaari ring maging sanhi ng tuyong ubo at mabahong hininga.

Dahil dito, ang ibang mga tao ay ikinokonsidera ang paggamit ng mga halamang gamot sa GERD upang mabawasan ang discomfort na nararamdaman.

Ano-Ano Ang Mga Halamang Gamot Sa GERD?

Kilala ang mga Pilipino sa paggamit ng mga halamang gamot bilang paggamot ng ilang mga kondisyon. Narito ang ilan sa mga halamang gamot sa GERD. 

Luya

Hindi lang mainam ang luya bilang sangkap sa iba’t ibang mga ulam kundi para rin sa paggamot ng mga sintomas ng acid reflux. Sa katunayan, pinag-aralan ang epekto ng mga ginger supplements sa mga batang may GERD. Dito natuklasan na mabisa ito upang mabawasan ang mga sintomas. 

Kinaya naman ng mga bata na inumin ang mga supplements nang mabuti. Ito ay nagpakita lamang ng side effects kapag ang dose ay mas malaki kaysa sa 5 gramo bawat araw. 

Gayunpaman, nakita rin na may antiplatelet effect ang ginger root dahil sa kakayahan nitong pigilan ang platelet thromboxane. Dahil dito, hindi ito inirerekomenda sa mga taong may bleeding disorder marahil ito ay isang makapangyarihang blood thinner. Bukod pa rito, dapat din ito ihinto ang pag-inom ng mga indibidwal bago magkaroon ng isang operasyon.

Licorice

Matagal nang ginagamit ang licorice root bilang halamang gamot sa GERD at gastric inflammation. Ito ay nagpakita ng kaunting pag-igi sa mga naging kalahok ng nasabing pag-aaral. 

Dagdag pa rito, ang ilang mga produkto na naglalaman ng licorice root at iba pang mga sangkap ay maaaring makatulong na mapawi ang mga digestive symptoms. Ngunit, ang licorice ay may ilang mga katangian na maaaring magdulot ng mga side effect, tulad ng altapresyon. Kung kaya, dapat piliin ang deglycyrrhizinated licorice upang hindi ito magdulot ng nasabing posibleng epekto. 

Habang kinikilala ng mga mananaliksik sa pag-aaral ang mga potensyal na benepisyo ng licorice, nanghihikayat pa rin sila para sa higit pang katibayan upang i-back up ang mga claim na makakatulong ito sa pagpapagaan ng mga sintomas ng acid reflux.

Peppermint

Katulad ng dalawang unang nabanggit na potensyal na halamang gamot sa GERD, ang peppermint ay matagal na ring ginagamit para sa mga layuning pangkalusugan. 

Isinusulong ang paggamit ng naturang halamang gamot para sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Irritable bowel syndrome 
  • Digestive problems (tulad ng indigestion)
  • Sinus infection
  • Sakit sa ulo

Ang ilang mga pananaliksik ay nagpakita rin ng mga napabuting sintomas sa mga taong may GERD na umiinom ng peppermint oil. Gayunpaman, nararapat na hindi ka uminom ng antacid kasabay ng peppermint oil. Maaari nitong mapataas ang panganib para sa heartburn.

Key Takeaways

Maraming mga tao ang maaaring nakaranas na ng GERD o acid reflux. Ngunit, hindi lang ito basta-bastang sakit dahil maaaring maapektuhan ang iyong pangaraw-araw na gawain, maging ang iyong pagtulog. Bukod sa pagkonsidera sa ilang mga halamang gamot sa GERD na nabanggit, pinakamainam pa rin na kumunsulta sa iyong doktor sa wasto at angkop na paggamot ng naturang kondisyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gastroesophageal reflux disease (GERD), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940  Accessed July 11, 2022

GERD (Chronic Acid Reflux), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17019-gerd-or-acid-reflux-or-heartburn-overview  Accessed July 11, 2022

Integrative Treatment of Reflux and Functional Dyspepsia in Children – Ann Ming Yeh, and Brenda Golianu, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4928719/ Accessed July 11, 2022

Licorice Root, https://www.nccih.nih.gov/health/licorice-root Accessed July 11, 2022

Peppermint Oil, https://www.nccih.nih.gov/health/peppermint-oil Accessed July 11, 2022

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Para Sa Sakit Ng Tiyan: Heto Ang Mabisang Solusyon!

GERD Sa Bata: 6 Sintomas Na Dapat Mong Bantayan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement