Ang halamang gamot ay isang bagay na madalas nating naririnig pagdating sa mga supplement at pagbibigay ng paunang lunas sa mga simpleng sintomas ng sakit tulad ng sipon at lagnat. Gayunpaman, bukod sa iba’t ibang mga tsaa at berdeng kapsula, maraming tao ang hindi nakakaalam tungkol sa halamang gamot. Sa panahon ng pandemic, ang ilan sa atin ay maaaring humanap ng mga remedyo na nasa loob ng bahay para sa COVID-19. Ngunit habang ang ilang mga halamang gamot ay maaaring maging lunas para rito, ngunit dapat pa rin tayong mag-ingat sa harap ng malubhang sakit na ito. Mayron bang halamang gamot sa COVID-19?
Ano Ang Halamang Gamot?
Ang halamang gamot, tulad ng pangalan nito, ay natural na nagmula sa mga sangkap na ginagamit upang gamutin ang mga karamdaman at sakit. Ang mga nakapagpapagaling na produktong ito ay may mga aktibong sangkap na nagmumula sa ilang bahagi ng mga halaman tulad ng mga ugat, dahon, bulaklak, at kahit na ang bahagi ng puno.
Tulad ng nakasanayan na gamot, nakakaapekto ito kung paano ito tinatanggap ng iyong katawan. Nangangahulugan ito na mayroon silang potensyal na maging kapaki-pakinabang bilang karaniwang gamot. Ang halamang gamot ay ginagamit din upang pagalingin ang mas malubhang sakit at impeksyon tulad ng trangkaso o herpes.
Ang pagiging epektibo nito, gayunpaman, ay nagpapahiwatig din ng ilang mga di mabuting epekto nito bagama’t natural ang katangian nito hindi nangangahulugan na ito ay ligtas na.
Mga Potensyal Na Panganib Ng Halamang Gamot
Sa paggamit ng halamang gamot, may ilang mga panganib na kasangkot sa kung paano ang mga ito ay ginagawa, ibinebenta, at ginagamit.
Bilang panimula, ang mga katibayan ukol sa halamang gamot ay limitado. Kadalasan, ito ay kulang o anekdotal. Lumilikha ito ng mga problema sa dokumentasyon para sa paggamot.
Ang mga epekto o masamang reaksyon ay karaniwan din dahil sa kung paano isinasaayos ang mga sangkap. Para sa karamihan ng mga produkto, ang mga sangkap ay nakalista. Ngunit hindi nakadetalye sa produkto ang antas ng kemikal.
Dahil dito, ang mga halamang gamot ay maaaring maging sanhi ng mga masamang epekto. Ang ilan sa mga ito ay allergy, pangangati, o interaksyon sa iba pang gamot na maaari mong iniinom. Lumilikha din ito ng mga problema sa regulasyon.
Halamang Gamot Sa COVID-19
Sa gitna ng pandemiya ng COVID-19, ang mga pagsisikap ay ginawa sa pandaigdigang antas upang makahanap ng lunas o paggamot para sa sakit.
Sa isang press conference na ginanap sa kalagitnaan ng Abril 2020, inihayag ng mga opisyal ng Tsino na may mga halamang gamot na naaprubahan na ibinebenta bilang posibleng paggamot sa mga sintomas ng COVID-19.
Ang mga halamang na gamot ay Lianhuaqingwen, Jinhuaqinggan, at Xuebijing. Ang Lianhuaqingwen ay kapsula at Jinhuaqinggan ay granule, at parehong ibinebenta para gamitin para sa may banayad na kondisyon.
Sa kabilang banda, ang Xuebijing ay dumating bilang isang injectable at ibinebenta para sa paggamit sa malubhang kondisyon.
Ito ang mga gamot na pinaniniwalaan na nagpagaling sa COVID -19 sa Tsina na nagpawala sa mga sintomas kabilang ang ubo, pagkapagod, at lagnat. Sa totoo lang, ang mga lunas na ito ay nagbabawas din ng posibilidad ng lumalalang sakit ng isang pasyente. Gayunpaman, walang karagdagang detalye ang tinalakay.
Mga Panganib Ng Mga Halamang Gamot Sa COVID-19
Bago natin pag-usapan ang mga problema sa likod ng mga halamang gamot sa COVID-19, mahalagang tandaan na, hanggang ngayon, walang gamot na kinikilala sa internasyonal na peer-reviewed scientific journal na may mataas na kalidad upang makapasok sa mga klinikal na pagsubok.
Ang ibig sabihin nito ay walang mga halamang gamot, na may malaking katibayan ng pagiging epektibo laban sa COVID-19.
Sa in-vitro investigation, na kung saan ang pangangasiwa sa mga halamang gamot na ginawa sa pagsang-ayon ng mga pasyente, at anekdotal na imbestigasyon lamang ang tanging mga pamantayan ng katibayan para sa mga lunas sa bahay para sa COVID-19.
Alam na ang mga agwat na ito sa kasalukuyang kaalaman ay umiiral na at ito ay hindi mapagkakatiwalaan sa pamilihan bilang gamot para sa gayong sakit.
Ang mga ito ay maaaring humantong sa mga masamang epekto ng paggamit ng mga gamot na ito.
Ito ang nangyari sa Xiyanping, isang injectable na halamang gamot na pinayagan ng Chinese Diagnosis and Treatment Protocol of COVID-19. Matapos ang paglabas nito bilang isang gamot laban sa COVID-19, ito ay ni-recall dahil sa mga mapanganib na epekto nito.
Mga flaw sa reputasyon ng paggamot
May iilan na maaaring magsabi na ang mga gamot na ito ay ligtas dahil sa kanilang adopsyon. Gayunpaman, ang palagay na ito ay magdadala sa mga maling paniniwala na ang mga gamot na may mataas na antas ng pagiging epektibo ay nagdadala din ng mga panganib.
Bukod pa rito, sa mga gamot na ginagamit na ng dekada ay hindi nangangahulugan na ito ay ligtas laban sa isang bagong sakit. At ang COVID-19 ay isa sa mga mahabang kabanatang sakit. Sa huli, ang mga paggamot na ito ay hindi kapani-paniwala at mananatiling hindi napatunayan.
Ang panganib ay lalong mataas kung isasaalang-alang ang mga lunas sa bahay para sa COVID-19 na ibinebenta over-the-counter. Nangangahulugan ito na ang sinuman, na binigyan ng maling impormasyon, ay maaaring magamot sa sarili sa self-diagnosis.
Kasama sa panganib ang posibleng mga epekto tulad ng Xiyanping, ginagawang mas mapanganib dahil sa pandemik. Sa isang indibidwal, mapanganib ito dahil ang pasyente ay maaaring makaranas ng pangmatagalang pinsala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng self-diagnosis at self-medication.
Sa antas ng lipunan, malamang na ang self-medication ay maaaring makaapekto sa mga tao sa kanilang paligid. Kahit na ang mga lunas sa bahay para sa COVID-19 ay epektibo sa mga pasyente na walang sintomas, mananatili pa rin sila na mga hindi kilalang vectors ng sakit. Ito ay maaaring humantong sa impeksyon at maging sanhi ng mga kaso upang lumaki.
Mahalaga na manatiling mapagmatyag sa bisa ng impormasyon na nababasa. Maraming mapagkukunan na babasahin online. Ngunit dapat nating iwan ang diagnosis, paggamot, at medikal na talakayan ng COVID-19 sa mga doktor at eksperto.
Pangunahing Konklusyon
Ang halamang gamot ay isang balidong larangan ng paggamot. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang mga herbal na lunas na ito ay mas ligtas.
Maraming mga halamang gamot ay hindi napapailalim sa parehong mga pamantayan tulad ng mga nakasanayan na gamot.
Habang ito ay isinusulat, wala pang halmang gamot sa COVID-19 na itinuturing na isang kapani-paniwalang opsyon.
Sa mga oras ng pag-aalinlangan, siguraduhin na kumonsulta sa isang doktor upang maging makatotohanan ang mga mapagkukunan. Sa ganitong paraan, maaaring mas mahusay na protektahan ang kalusugan at maging mas responsableng mamamayan ng mundo.
Pagdating sa halamang gamot sa COVID-19, ito ay labis na nakakahawang sakit, kaya’t mainam na maging maingat. Laging kumonsulta sa isang doktor.
Matuto nang higit pa tungkol sa Halamang Gamot dito.