Garlic o Bawang
Ang isang pangunahing halamang gamot para sa high blood, lalo na sa’ting mga Pilipino— ay bawang.
Sa ilang mga pag-aaral nakita na ang bawang ay maaaring makatulong sa maraming cardiovascular condition. Dahil pwede nito na mapabuti ang hyperlipidemia (nagpapataas ng cholesterol level) at hypertension.
Nalaman ng isang pag-aaral na ang bawang ay maaaring makatulong sa mga pasyente na may mataas na systolic pressure. Gayunpaman, mukhang hindi ito nakaaapekto sa participants na may normal na systolic pressure.
Para ilagay ito sa perspektibo— ang mga researcher ay nagbigay ng bawang sa 40 mga pasyente – 20 sa mga may mataas na presyon ng dugo— at ang iba ay ibinigay sa may normal na BP. Ang antihypertensive properties ay na-observe sa mga pasyente na may mataas na BP kumpara sa mga kalahok na may normal na BP.
Paano Gamitin ang Garlic o Bawang
Maraming mga paraan para gamitin ang bawang bilang isang halamang gamot para sa high blood.
Marahil, ang pinakaligtas ay ang pagsama ng hilaw o bagong lutong bawang sa maliit na bahagi ng mga pagkain. Mayroon ding available na garlic powder, garlic oil, at aged garlic extract sa merkado.
Sa wakas, mayroon kang opsyon na kumuha ng supplements na naglalaman ng bawang.
Tandaan na kung nagpaplano kang gumamit ng bawang upang gamutin ang iyong hypertension. Lalo na sa paraan ng pag-inom ng mga supplements, ipinapayong makipag-usap sa’yong doktor.
Halamang Gamot Para sa High Blood: Mga Binhi ng Kintsay at Celery
Ang kintsay o celery ay isa ring karaniwang halamang Pilipino na ginagamit natin sa paghahanda ng mga pagkain. Bahagi ng Apiaceae family at kamag-anak ng carrots— ang celery. Sinasabi na mabisang halamang gamot ito para sa high blood.
Ang isang dahilan kung bakit mabisa ito. Sapagkat nakatutulong ito para ma-relax ang tissues ng arterial walls at nagpapataas ng daloy ng dugo na nagpapababa ng presyon ng dugo.
Para pag-aralan, ang mga epekto ng kintsay sa hypertension. Ginamit ng isang pananaliksik sa China ang partisipasyon ng 16 na hypertensive patients.
- Binigyan sila ng mga mananaliksik ng celery juice na may halong pantay na bahagi ng honey.
- Ang mga pasyente ay umiinom ng humigit-kumulang 8 ounces ng mixture thrice a day sa loob ng isang linggo.
- Ipinakita ng mga resulta na ang herb ay “kapaki-pakinabang sa pagbabawas ng HTN (hypertension) sa 14 sa 16 na mga pasyente”.
Sinuri din ng isang pag-aaral ang mga epekto ng mga buto ng kintsay sa mataas na presyon ng dugo.
- Sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng 37 hypertensive participants (17 lalaki, 20 babae) ng 6 na grams ng powdered celery seeds.
- Pagkatapos, inihambing nila ang mga blood pressure readings bago at pagkatapos ng remedy.
- Sa kanilang pagsusuri, na-conclude ng mga mananaliksik— na ang mga buto ay “maaaring magamit bilang isang ligtas at epektibong tritment sa altapresyon.”
- Gayunpaman, higit pang mga pag-aaral ang kailangan para ihambing ang mga epekto nito. Sa mga epekto ng mga umiiral na antihypertensive na gamot.
Paano Gamitin ang Kintsay
Tulad ng bawang, maaari kang magdagdag ng kintsay sa maraming pagkain. Ngunit kung nais mong i-maximize ang antihypertensive effect nito. Iminumungkahi ng mga eksperto na kumain ng humigit-kumulang 4 na tangkay araw-araw. Ito’y katumbas ng humigit-kumulang 1 tasa ng tinadtad na tangkay ng kintsay.
Halamang Gamot para sa High Blood: Cilantro o Coriander
Ang isa pang karaniwang culinary ingredient ay ang cilantro o coriander. Sa tradisyunal na gamot, sikat din ito sa mga benepisyo nito sa gastrointestinal at cardiovascular.
Bagama’t itinuturing ng maraming tao ang cilantro bilang isang magandang herbal para sa mataas na presyon ng dugo. Wala pang mga pag-aaral para patunayan ang claim na ito. Gayunpaman, mayroong ilang mga siyentipikong paliwanag kung bakit ito ay makakatulong sa mga hypertensive patient.
Ang katas ng dahon ng kulantro ay tila nagpapataas ng antioxidant enzymes. Bukod pa rito, ang vasodilator effect nito – ang kakayahang mag-dilate o palawakin ang mga vessels upang bawasan ang presyon – ay “well-established.”
Paano Gamitin ang Cilantro o Coriander
Dahil ang antihypertensive effects nito ay hindi pa sinusuportahan ng mga pag-aaral. Hindi ipinapayong gamitin ang damong ito para gamutin ang mataas na presyon ng dugo. Gayunpaman, maaari mong ipagpatuloy ang paggamit nito bilang isang sangkap sa dishes at i-reap ang mahusay well-established ng vasodilatory effects.
Maaari mong gamitin ang kulantro para magdagdag ng lasa sa’yong mga pagkain tulad ng curry. Ang ilang mga tao ay dinaragdag din ito sa kanilang baked goods.
Sa wakas, maaari mong i-dry-fry ang mga buto ng coriander. At pagkatapos ay gamitin ang mga ito para sa pag-aatsara o paggiling ang mga ito para sa curry paste.
Halamang Gamot para sa High Blood: Green Tea
Ngayon, kung naghahanap ka ng halamang gamot para sa high blood na maaaring maihanda ng mabilis— isaalang-alang ang isang tasa ng green tea.
Dahil sa napakaraming claimed benefits, maraming mananaliksik ang nagsagawa ng iba’t ibang pag-aaral. Para matukoy kung ang green tea ay talagang makakapagpabuti. O makakapigil sa mga kondisyon tulad ng diabetes, kanser, at, siyempre, hypertension.
Sa ilang pag-aaral ng meta-analysis, nalaman na ang pag-inom ng green tea ay nagpababa ng systolic pressure ng hanggang 1.98 mmHg at diastolic pressure ng hanggang 1.92 mmHg.
Sa isa pang pananaliksik, ang mga investigator ay nagbigay ng 379 mg ng green tea extract sa mga obese, hypertensive participant. Pagkatapos ng 12 linggo na tritment. Ipinakita ng mga resulta na ang parehong systolic at diastolic pressure ay bumaba ng humigit-kumulang 4mmHg.
Paano Gamitin ang Green Tea
Ang pinakamadaling paraan ng paggamit ng green tea ay ang pagbili ng pakete o dahon ng green tea. Ihanda ang mga ito gamit ang ibinigay na instructions na kinabibilangan ng pag-steep sa kanila sa mainit na tubig.
Bagama’t sa pangkalahatan ay ligtas na uminom ng green tea sa katamtaman. Kailangan mong makipag-usap sa’yong doktor kung plano mong gamitin ito para gamutin ang iyong hypertension. Bukod pa rito, mag-ingat sa pag-inom ng green tea. Kung ikaw ay buntis, nagpapasuso, o umiinom ng mga gamot na maaaring makipag-interact (hal. anti-anxiety, mga gamot sa puso).
Key Takeaways
Ang bawang, kintsay, kulantro, at green tea ay ligtas na ubusin sa tamang dami. Ang mga ganitong uri ng halamang gamot para sa high blood ay madali ring makuha at ihanda. At habang may mga pag-aaral sa pagiging epektibo nila sa tritment ng hypertension. Huwag pa rin kalimutang kumunsulta sa’yong doktor bago isama ang mga ito sa iyong diyeta.
Ang hypertension ay isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng holistic na pagma-manage. Nangangahulugan ito na kahit na ang pag-inom ng herbal para sa mataas na presyon ng dugo ay maaaring makatulong. Kailangan mo pa ring pagbutihin ang iyong diyeta, mag-ehersisyo nang naaangkop, at regular na bisitahin ang iyong doktor.
Matuto nang higit pa tungkol sa Mga Herbal at Alternatives dito.