Malaki ang papel na ginagampanan ng mga halamang gamot sa tradisyunal na medisina, maging sa ating kultura bilang isang bansa. Mas lalo umigting ang paggamit ng mga ito nang maiendorso ito ng Department of Health noong 1990s. Kabilang sa sampung halamang gamot na kanilang ipinakilala ay ang acapulco. Ngunit, ano nga ba ang mga handog na benepisyo ng acapulco? Tara na’t alamin natin kung paano ito nakatutulong sa ating kalusugan.
Maikling Background Kung Bakit Mahalaga Ang Mga Halamang Gamot Sa Pilipinas
Noong sinaunang panahon pa lang, natatag at naisagawa na ang tradisyunal na medisina sa bawat kultura ng buong mundo. Sa katunayan, tanyag ang Pilipinas bilang isang bansa na patuloy ang pagtangkilik iiba’t ibang klase ng halamang gamot mapasahanggang ngayon. Isang kawili-wiling diskusyon marahil ito ay naiimpluwensyahan ng relihiyon, mistisismo, mahika, pamahiin, folkloric herbalism, at western medicine. Dahil dito, naging malaking bahagi na ito ng ebolusyon at pag-unlad ng mga Pilipino.
Ano Ang Acapulco?
Ang acapulco o akapulko (Cassia alata) ay isang halamang gamot na maaaring matagpuan sa buong Pilipinas. Ito ay kilala sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ang ilang mga lokal ay kilala ito sa mga sumusunod na katawagan:
- Katanda (para sa mga Tagalog)
- Andadasi (para sa mga Ilokano)
- Palochina (para sa mga Bisaya)
Samantala, ang ilan naman ay tinatawag din itong ringworm bush o schrub.
Ito ay kabilang sa pamilyang Leguminosae at ito ay lumalaki nang humigit-kumulang isa hanggang dalawang metro ang taas. Mayroon itong mga makakapal na sanga at mga dahon na myroong 8 hanggang 20 na leaflets na oblong-elliptical ang hugis. Ang mga bulaklak naman ng acapulco ay mayroong pahabang sepal. Kasabay nito, ang mga bunga ay tetragonal, na may pakpak din at glabrous.
Ang benepisyo ng acapulco ay nagmumula sa mga dahon nito bilang ito ang nagiging pangunahing bahagi ginagamit na gamot. Ngunit, ang mga ugat at bulaklak ay ginagamit din para sa ilang mga paghahanda na may halagang panggamot. Samantala, ang katas nito ay karaniwang ginagamit bilang isang sangkap para sa mga sumusunod na topical na produkto:
Maaari mong makuha ang benepisyo ng acapulco sa pamamagitan ng paggamit ng mga naturang produkto.
Ano Ang Handog Na Benepisyo Ng Acapulco?
Ang mga extract ng dahon mula sa species na ito ay mayroong mga sumusunod na katangian:
- Pharmacological property
- Anti-microbial property
- Antifungal property
- Antibacterial property
- Anti-inflammatory property
- Analgesic effect
- Anti-hyperglycemic activity
Katuwang ng mga naturang katangian ang mga malalawak na hanay ng mga comoound kung saan nagmumula ang mga ito:
- Alkaloids
- Lectins
- Glycosides
- Isoflavones
- Phtyo-estrogens
- Hydroxyanthraquinones
- Chrysophanic acid
- Kampferin
- Sannoxide A
- Sannoxide B
Isa sa kilalang benepisyo ng acapulco ay nanggagaling sa chrysophanic acid, isang fungicide na para sa mga fungal infection. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Sa kabilang banda, isa sa mga benepisyo ng acapulco ay nasa paggamit nito bilang gamot sa paninigas ng dumi (constipation). Ang mga acapulco ay naglalaman ng saponin, isang laxative na kapaki-pakinabang sa pagpapaalis ng mga parasito sa bituka.
Maaari rin itong maging expectorant sa mga kaso ng bronchitis at dyspnoea, o pampagaan ng sintomas ng asthma. Ang iba naman ay ginagamit ang benepisyo ng acapulco sa kanilang ubo at lagnat.
Mahalagang Mensahe
Ang mga natural na gamot mula sa mga halaman ay nagiging popular dahil sa ilang mga benepisyong handog nito. Dagdag pa rito, madalas din na mas kaunti ang mga posibleng side effects kumpara sa mga karaniwang gamot sa botika.
Para sa mga kadahilanang ito, maraming halaman ang naimbestigahan para sa paggamot ng mga sakit sa balat mula sa pangangati hanggang sa kanser sa balat. Hindi matatawaran ang mga benepisyo ng acapulco, nguni’t ugaliin pa ring kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa paggamit nito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Halamang Gamot dito.
Larawan mula sa Wikimedia Commons