Ano ang niyog-niyogan? Tinatawag ding bilang “Rangoon Creeper” o “Chinese Honeysuckle,” ang niyog-niyogan (Combretum indicum) ay isang halamang gamot na kadalasan na pinagkakamalan na niyog, dahil kapangalan. Ito ay isang climbing shrub na makikita sa Timog-Silangang mga bansa sa Asya, kabilang na ang Pilipinas. Maaaring lumaki hanggang sa 20 talampakan ang halaman.
Humahanga ang maraming tao sa maraming mga benepisyo ng niyog-niyogan bilang halamang gamot, kabilang ang paglunas sa iba’t ibang karamdaman at sakit tulad ng nephritis, rheumatism, headache, at intestinal parasites.
Ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ay inaprubahan ang niyog-niyogan bilang anthelmintic o dewormer (para sa bulate sa tiyan)
Mga Pakinabang
Ang vine na ito ay nagtatanggal ng bulate sa tiyan tulad ng Trichina at Ascaris. Upang matanggal ang mga parasites na ito, ang buto ng niyog-niyogan ay tuyo at kinakain sa inirekomendang dami ng dosage na nasa 4 hanggang 7 tuyong buto para sa mga bata, at nasa 8 tuyong buto para sa mga matanda.
Ang susi rito ay siguraduhin na ikonsumo ang mga tuyo at matandang mga buto. Kung hindi, makararanas ka ng kabaliktaran na reaksyon tulad ng pagtatae, sinok, at sakit sa tiyan bukod sa iba pa.
Paano ito nagiging epektibo?
Ngayong alam na natin kung ano ang niyog-niyogan at gamit nito, ating alamin kung epektibo nga ba ito bilang halamang gamot.
Ang niyog-niyogan na halaman ay kadalasang nakikita sa mga gubat sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Maaari mo rin itong itanim sa iyong bakuran.
Maliban sa pagiging ornamental na halaman, marami itong mga benepisyong medikal para sa sakit tulad ng rheumatism, sakit sa ulo, at intestinal parasites.
Ang mga parte ng halaman na makapagbibigay ng medikal na benepisyo ay ang mga:
Ang buto ng niyog-niyogan na halaman ay kinokonsiderang anthelmintic, na ang ibig sabihin ay mayroong kakayahan na alisin ang mga bulate sa tiyan, kahit sa mga bata. Tandaan na ang mga matatandang buto lamang ang gamitin. Ang mga tuyong buto ay normal na kinakain 2 oras matapos maghapunan.
Kung sa unang subok, ang mga bulate ay hindi nawala, ang dami ng kinonsumo ay uulitin matapos ang isang linggo. Kung walang nangyari kahit na matapos ang ikalawang dose, humingi ng medikal na tulong dahil maaaring mayroon pang ibang kondisyon.
Maaari ka ring bumili ng tuyong buto ng niyog-niyogan, bunga, at mga dahon sa mga Asian at Chinese na herbal shops.
Pag-iingat at Babala
Ngayong alam na natin kung ano ang niyog-niyogan at saan ito ginagamit, may sitwasyon ba na hindi ito safe gamitin?
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang herb na ito?
Ang mga benepisyo ng halamang gamot na niyog-niyogan ay mainam na ma-enjoy kung maayos na inihanda at kinomsumo ang nirekomendang dami. Kung ito ay nasunod, ito ay ganap na ligtas na gamitin.
Gayunpaman, kung ang bunga o nuts/buto ay kinonsumo nang labis sa nirekomenda, ang mga tao ay maaaring makaranas ng:
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Sinok
- Sakit sa tiyan
- Pagtatae
- Distention
- Panghihina
Gaano ito kaligtas?
Para sa mga buntis at nagpapasusong mga nanay, kinakailangan pa ng maraming pag-aaral upang masabi ang pagiging ligtas ng paggamit ng niyog-niyogan na halaman. Ang side effects ay hindi rin naibigay nang malinaw. Upang manatili ligtas, iwasan ang paggamit ng kahit na anong parte ng niyog-niyogan na halaman maliban kung pinayagan ng doktor.
Espesyal na pag-iingat at mga babala
Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng allergic reactions sa halaman. Kung sakaling makaranas ng iritasyon sa balat o inflammation, itigil ang paggamit ng halamang ito at konsultahin ang doktor sa lalong madaling panahon.
Side Effects
Kung ikokonsumo nang marami, maaari kang makaranas ng sinok, sakit sa tiyan, pagtatae, at pagsusuka. Ang iba ay nawawalan ng malay. Bantayan din ang tiyak na mga allergic reactions. Kung nagkaroon ng skin rashes o nakaranas ng pamamaga ng bukong-bukong, pangangati ng balat, o pagtaas ng temperatura ng katawan, ihinto ang paggamit ng halaman at agad na tawagan ang doktor.
Iwasan ang paggamit ng niyog-niyogan na halaman kung ikaw ay buntis o nagpapasuso.
Interactions
Tungkol sa medicinal interactions, walang malinaw na impormasyon kung paano nagre-react ang niyog-niyogan sa ibang mga gamot o herbal components. Kung ikaw ay kasalukuyang naggagamot, kunsultahin muna ang iyong doktor bago gumamit ng buto ng niyog-niyogan.
Ang susi rito ay gamitin lamang ang niyog-niyogan sa nirekomendang dosage. Tandaan na may mga seryosong side effects sa pagkonsumo ng niyog-niyogan tulad ng panghihina at pagsusuka kung ikokonsumo nang higit sa normal na dami. Karagdagan, iwasan ang pagbibigay ng halamang gamot sa ibang mga tao nang hindi muna inaalam ang kanilang medical history.
Dosage at Form
Ano ang karaniwang dose para sa niyog-niyogan?
Ang mga bata na na mas bata pa ang edad na apat na taon ay hindi dapat bigyan ng buto ng niyog-niyogan.
Paghahanda at Gamit:
Ang mga buto ng niyog-niyogan na halaman ay kilala na anthelmintic, na ang ibig sabihin ay may kakayahan na tanggalin ang nakasasamang bulate sa tiyan tulad ng Ascaris at Trichinella. Siguraduhin na gamitin lamang ang mga matatanda na buto.
Ang mga matatandang buto ay kinakain nang hilaw na porma, kadalasan pagkatapos ng hapunan.
Para sa mga matanda, kumonsumo ng kahit 10 niyog-niyogan na buto para sa mainam na resulta.
Ang mga bata na edad 4 hanggang 7 taong gulang, hayaan silang magkonsumo ng apat na mga buto.
Para sa mga bata na edad 8 hanggang 9 na taon, kumain ng nasa anim na mga buto.
Ang mga bata na edad 10 hanggang 12 taong gulang, maaari silang kumain nang hindi hihigit sa pitong buto.
Bonus: Pakuluan ang ugat ng niyog-niyogan na halaman upang mapagaan ang sakit sa rayuma at gamitin ang bunga ng niyog-niyogan upang mapagaan ang labis na sakit sa ngipin.
Anong porma ng niyog-niyogan?
Bilang epektibong paraan upang tanggalin ang mga bulate sa bituka lalo na ang Trichina at Ascaris, gamitin ang matandang buto ng niyog-niyogan na hilaw.