Natural para sa mga Pilipino na maghanap ng mga halamang gamot sa galis lalo’t maraming tao ang nakakaranas ng pagkakaroon ng makating balat at galis. Bukod kasi na natural na paggamot ang mga herbal medicine, pwede mo rin na makuha ang mga halamang ito sa likod ng iyong bakuran — o mabili sa murang halaga sa palengke. Ngunit ang mahalagang tanong na dapat masagot ay anu-ano nga ba ang mga halamang gamot sa galis na maaari nating gamitin bilang treatment?
Narito ang mga sumusunod na dapat mong malaman:
Konjac Ceramide
Batay sa pag-aaral noong 2006, ang konjac ceramide ay nakakatulong para sa pagpapabuti ng skin conditions at mabawasan ang allergic responses ng isang tao sa atopic dermatitis, at pangangati ng balat.
Aloe Vera
Kilala ang aloe vera sa maraming benepisyo nito sa ating kalusugan, kung saan pwede nitong mapawi ang pangangati ng ating balat dahil sa atopic dermatitis, at iba pang isyu sa pangkalusugan ng ating mga balat sa katawan.
Persimmon Leaf Extract
Ayon sa pag-aaral noong 2006 na nailathala sa British Journal of Dermatology nagtataglay ang katas ng dahon ng persimmon ng preventive at healing qualities para sa atopic dermatitis.
Rumex Japonicus Houtt
Batay rin sa isang pag-aaral noong 2006 na nailathala sa National Library of Medicine, ang perennial herb na ito ay epektibo na alternatibong gamot para sa pagkakaroon ng atopic dermatitis ng isang tao.
Ano Pa Ang Mga Home Remedy Na Pwedeng Gamitin Sa Bahay?
Bukod sa mga halamang gamot na pwedeng gamitin sa ilang skin conditions tulad ng atopic dermatitis at galis, marami rin tayong home remedy na maaaring gamitin bilang treatment sa ating balat. Narito ang mga sumusunod na dapat mong malaman at tandaan:
Oatmeal
Nagtataglay ang oatmeal ng iba’t ibang biologically active properties gaya ng anti-inflammatory components at antioxidant na tumutulong para mapawi ang pangangati na dulot ng galis at allergic skin reactions.
Baking Soda Paste
Maaaring makatulong ang baking soda para ma-address ang skin pH imbalance ng isang tao, at nagsisilbing anti-inflammatory para sa pagpawi ng skin allergy ng isang indibidwal.
Bakit Nga Ba Nagkakagalis o Skin Allergy Ang Isang Tao?
Maaaring magkaroon ng skin allergy ang isang tao kapag ang iyong immune system ay nag-react sa isang pinaghihinalaang banta (perceived threat) na kadalasang harmless para sa’yong katawan.
Narito ang lang mga karaniwang sintomas ng isang skin allergic reaction na dapat mong tandaan at malaman:
- Pamumula
- Pangangati
- Pamamaga
- Mga namumulang bukol
- Skin flaking o pagbabalat
- Skin cracking o pagbibitak ng balat
Karaniwang tinatawag na “galis” ang mga balat na nakikitaan ng tuyo at sugat-sugat na balat na maaaring dulot ng iba’t ibang skin conditions at allergy.
Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang skin allergies ay malimitahan ang kontak ng isang tao sa kanyang mga allergen.
Huling Paalala
Kapag napansin mo na hindi gumagaling ang iyong mga isyu at problema sa balat, kahit gumagamit ka ng mga paggamot sa’yong tahanan, ipinapayo namin sa’yo na magpakonsulta na sa doktor para sa medikal na atensyon at payo.
Ang pagpapakonsulta rin sa doktor ay isang mahusay na hakbang upang mapangalagaan ang iyong balat at magkaroon ng wastong treatment para sa’yong kondisyon.
Key Takeaways
Laging tandaan na hindi lahat ng gamot na epektibo para sa’yong kondisyon at balat ay maganda na rin para sa ibang tao. Iba-iba ang dahilan ng pagkakaroon ng skin condition at uri ng balat ng isang tao, kaya naman ang epektibo para sa’yo ay maaaring hindi maging maganda para sa kanila.
Mas maganda kung magkakaroon ka ng konsultasyon sa doktor para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon na maaaring maging sanhi ng iyong kapahamakan. Huwag mo ring kakalimutan na ang lahat ng mga halamang gamot sa galis, at home remedy na nabanggit sa artikulong ito ay hindi kapalit ng medikal na payo na mula sa ating mga doktor.
Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.