Sa dami ng gamot na mayroon tayo— ano ba ang halamang gamot na maaaring makatulong sa pangangasim ng sikmura? Halamang gamot na safe para sa atin at abot kaya ng mga Pilipino, mayroon nga ba? Alamin dito.
Ang pangangasim ng sikmura ay maaaring sanhi ng acid reflux. Kung saan ang pagkakaroon nito ay hindi maganda para sa kalusugan ng isang tao. Madalas ang acid reflux ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na burning sensation. Ito ay kilala bilang heartburn. Ang sensasyon na ito ay nangyayari kapag ang acid na nagmumula sa’yong tiyan ay bumalik sa iyong esophagus. Kapag ang acid reflux ay hindi ginagamot— maaari itong humantong sa isang mas matinding digestive problem na tinatawag na GERD. Karaniwan, ang antacids ay ginagamit para gamutin ang acid reflux at heartburn. Pero sa mga kaso na hindi available ang synthetic medications. Mayroong mga halamang gamot para sa pangangasim ng sikmura. Para makatulong sa pagpapagaan ng iyong digestive problems.
Ano ang mga halamang gamot na maaaring makatulong sa pangangasim ng sikmura?
Narito ang 6 na mga herbal remedies na maaaring pumawi sa’yong heartburn at reflux issues:
1. Dahon ng papaya
Ang bunga ng papaya ay isa sa madalas na ginagamit bilang natural remedies. Para makatulong na mapawi ang digestive problems. Tulad ng paninigas ng dumi at irritable bowel syndrome (IBS). Bukod sa mga ito, ginagamit din ang mga dahon ng papaya para gamutin ang acid reflux at heartburn.
Ang enzyme papain na matatagpuan sa prutas at dahon ng papaya ay tumutulong sa panunaw at nagpapagaan sa burning sensation na ibinibigay ng heartburn. Ang ilan sa mga pinakamahusay na paraan. Upang makuha ang mga benepisyo ng papaya ay sa pamamagitan ng paggawa ng tsaa o juice ng dahon ng papaya.
Recipe ng tsaa ng dahon ng papaya (depende sa’yong kagustuhan ang mga sukat):
- Ilagay ang sariwa o tuyong dahon ng papaya sa isang palayok o pot. Pagkatapos ay lagyan ito ng tubig.
- Hintaying kumulo ang tubig at dahon ng papaya, pagkatapos ay i-simmer ito.
- Iwasang takpan ang palayok o pot at maghintay hanggang ang kumukulong tubig ay mabawasan ng kalahati.
- Kapag ang tubig ay nabawasan, salain ang mga dahon, at enjoyin ang iyong papaya tea.
Halamang gamot para sa pangangasim ng sikmura: Katas ng dahon ng papaya
- Sa isang blender, magdagdag ng pinalamig na pinakuluang tubig at dahon ng papaya.
- Haluin ito. Ang finished product ay dapat maging isang dark-green colored papaya juice.
Tandaan: Ang papaya juice ay may napakapait na lasa na halos kapareho sa lasa ng over-steeped green tea. Ang prutas o laman ng Papaya ay maaari ding ihalo sa mga dahon para mabawasan ang pait at maging mas masarap.
2. Peppermint
Dahil sa nakakarelaks na epekto nito— ang peppermint tea ay hindi ipinapayong sa paggamot sa acid reflux. Dahil maaari nitong palalain ang heartburn. Gayunpaman, ang peppermint ay maaaring isa sa mga pinaka-kapaki-pakinabang na herbal medicine para sa acid reflux. Kapag ginamit ito bilang isang essential oil.
Ang peppermint oil ay maaaring makatulong na paginhawahin ang iyong heartburn, pagduduwal, at sakit ng tiyan. Sa pamamagitan ng paglanghap ng essence nito sa paggamit ng diffuser. Maaari ka ring maglagay ng peppermint oil sa iyong tiyan, likod, at dibdib. Para mabawasan ang discomfort dahil sa acid reflux at heartburn.
Tandaan: Ang peppermint oil ay highly concentrated. Kaya, mahalaga na palabnawin ito sa mga carrier oils (jojoba o niyog) kung ipapahid mo ito sa’yong balat. Maaari mong mapanatili ang pangangati ng balat at mga pantal kung gagamit ka ng undiluted peppermint oil. Gayundin, hindi inirerekomenda ang peppermint oil (diffused o topical). Para sa mga batang wala pang 6 taong gulang.
3. Luya
Isa sa madalas na gamiting sangkap sa Pilipinas ay ang luya. Nag-aalok ang luya ng iba’t ibang benepisyo. Mula sa pagpapababa ng blood sugar hanggang sa paggamot sa acid reflux at heartburn. Ang luya ay may compounds na nagbabawas sa posibilidad ng pag-back up ng acid sa tiyan sa’yong esophagus. Makakatulong din ito na mapababa ang iyong mga risk na magkaroon ng esophagitis o pamamaga ng esophagus dahil sa acid reflux.
Sa Pilipinas, ang pinakasikat na paraan ng paghahanda ng luya ay ang paggawa ng salabat o sariwang luya na tsaa. Narito kung paano mo maihahanda ang iyong salabat sa bahay:
- Hugasan nang husto ang ugat ng luya. Pagkatapos ay nasa iyo na lang kung gusto mong balatan o panatilihin ang balat.
- Maglagay ng tubig sa isang palayok o pot at hintaying kumulo.
- Hugasan o hiwain ang ugat ng luya at ilagay sa kumukulong tubig.
- Pakuluan ang tubig at ugat ng luya nang mga 5 hanggang 10 minuto.
- Kapag tapos na ito, ilipat ang tsaa sa’yong tasa at enjoyin ito!
Tandaan: Maaari mong pigain ang katas mula sa luya para sa mas malakas, mas maanghang na lasa ng luya. Gayundin, ang tsaa ng luya ay ligtas para sa pagkonsumo ng mga bata.
4. Halamang gamot para sa pangangasim ng sikmura: Licorice root
Karaniwang ibinabahagi bilang pandagdag sa pandiyeta, ang ugat ng licorice. Dahil nakakatulong din ito na mapawi ang acid reflux at heartburn. Ang katas ng ugat ng licorice ay naglalaman ng active compound na tinatawag na glycyrrhizin. Ito ang nagpapataas ng mucus sa walls ng esophagus, na pumipigil sa pangangati na dulot ng acid sa tiyan.
5. Lemon balm
Ang lemon balm ay isa sa madalas na ginagamit na herbal medicine. Kung saan nakakapagpaalis ng stress, insomnia, dementia, irritable bowel syndrome (IBS), dyspepsia, at acid reflux.
Maaari kang uminom ng lemon balm tea o kumuha ng lemon balm supplements o extracts. Para mapawi ang iyong mga problema sa pagtunaw. Gayundin, ang lemon balm ay magagamit bilang lotion o balm na maaari mong direktang ilapat sa’yong balat. Ang ilang mga tao ay gumagamit din ng lemon balm essential oil sa kanilang diffuser. Dahil nakakatulong ito na mabawasan ang stress at i-promote ang calmness.
6. Marshmallow root
Kilala bilang isang demulcent herb— ang marshmallow root ay mayaman sa mucilage na bumabalot sa lining ng tiyan at esophagus. Para protektahan ito mula sa harsh effects ng acid sa tiyan. Gumaganap din marshmallow root bilang pain reliever. Dahil pinapagaan nito ang iritasyon na maaari mong maramdaman sanhi ng heartburn at acid reflux.
Makukuha mo ang mga benepisyo ng marshmallow root. Sa pamamagitan ng pag-inom nito bilang tsaa, o sa pag-inom nito bilang supplement. Ang marshmallow root ay hindi para sa mga bata, pati na rin sa mga buntis at mga babaeng nagpapasuso.
Tandaan:
Kumonsulta sa mga propesyonal bago subukan ang mga herbal medicine na ito. Lalo na kung mayroon kang underlying medical conditions. Key Takeaways
Kung palagi kang nakakaranas ng acid reflux at heartburn. Kumunsulta sa’yong doktor at uminom ng tamang gamot ayon sa inireseta. Gayunpaman, kung gusto mong maging natural– makakatulong ang halamang gamot para sa pangangasim ng sikmura. Upang mapawi ang gastrointestinal issues nang hindi gumagamit ng mga synthetic medicines.
Matuto pa tungkol sa Herbals, dito.