Hindi na iba para sa mga Pilipino ang paghahanap ng halamang gamot para sa mababang dugo. Dahil kakambal ng pagtanda ang mga pagbabago sa kalusugan.
Ang pagkakaroon ng mababang dugo o low blood pressure ay isa sa mga talamak na nararanasan ng mga tao. Sa ilang mga sitwasyon, may mga natural na solusyon at halamang gamot na pwedeng gamitin ang bawat indibidwal para mapataas ang dugo at mapawi ang ilang mga sintomas dulot ng mababang dugo.
Alamin sa artikulong ito ang mga mahahalagang bagay tungkol sa mababang dugo at mga tips, pagkain at halamang gamot para mapataas ang presyon ng dugo.
Ano ang mababang dugo o low blood pressure?
Sinusukat ang blood pressure sa pamamagitan ng millimeters ng mercury (mmHg). Ayon sa mga doktor, ang mababang dugo o hypotension ay madalas nasa lower than 90 mmHg over 60 mmHg (90/60). Ang low blood pressure ay nagiging problema sa isang tao kapag nagkaroon ito ng mga sintomas dahil pwede itong maging senyales na hindi sapat ang dugong napupunta sa’yong mga organ. Sa oras na maganap ito, maaaring magdulot ito ng mga seryosong pangyayari. Narito ang mga sumusunod:
- Pagkabigla o shock
- Atake sa puso
- Pagkakaroon ng kidney failure
- Stroke
Pwede ka ring ma-diagnose ng doktor na may mababang dugo sa pamamagitan ng mga sumusunod na sintomas:
- Pagsusuka
- Panghihina
- Nahihimatay
- Pagkahilo
- Hirap sa pagkakaroon ng konsentrasyon
- Pagkalito o confusion
- Panlalabo ng mga mata
Maaari ka ring i-diagnose sa mga resulta ng mga sumusunod na test:
- Blood test
- Electrocardiogram (ECG)
- Tilt table test
Tandaan rin na sa oras na maramdaman ang mga sumusunod, magpakonsulta agad sa doktor:
- Pagkakaroon ng malamig na balat
- Mabilis ang nagiging pagtibok ng puso
- Nahihirapan sa paghinga
Paano masasabi na normal ang iyong blood pressure?
Normal ang iyong blood pressure kung nasa 90/60 at 120/80 ang presyon ng dugo. Binabatay ang healthy blood pressure sa edad, medical history at overall conditions.
Dahilan ng mababang dugo
Maraming potential cause ang pagkakaroon ng isang tao ng mababang dugo. Sa ilang mga kaso, kinakailangan na bantayan ang mga underlying condition para maitama ang presyon ng dugo ng isang indibidwal.
Narito ang ilang mga sanhi ng mababang dugo:
- stress
- pagbubuntis
- impeksyon
- pagkakaroon ng thyroid condition
- anemia
- dehydration
- endocrine disorder
- autonomic nervous system disorders
- extreme allergy reaction o anaphylaxis
- sakit sa puso
- mababang blood sugar
- sobrang pagkain
- kakulangan sa nutrisyon
- ilang medication
Mahalaga na malaman kung ang isang tao ay low blood. Kaya pinakamainam pa rin na magkaroon ng annual physical exam. Subalit, huwag ring kakalimutan na pwedeng maging indicator ng mabuting kalusugan ang low blood pressure. Kung ang isang tao ay hindi nakakaranas ng anumang sintomas.
Mga halamang gamot para sa mababang dugo
Sa pagpapataas ng blood pressure, may mga halamang gamot para sa mababang dugo ang pwedeng gamitin. Ang ilan sa mga ito ay napakadaling makuha, dahil maaari itong itanim sa bakuran o mabili sa merkado. Mahalaga na i-monitor ang sintomas na nararamdaman dahil sa pagiging low blood, para maiwasan ang anumang komplikasyon. Narito ang mga sumusunod na herbal na maaaring subukan:
Mga halamang gamot para sa mababang dugo: Tulsi Leaves
Ang tulsi leaves ay isang magandang home remedy para sa low blood. May mataas na lebel ng potassium, magnesium at vitamin c ang herbal na ito, na nakakatulong sa pag-regulate ng blood pressure. Marami rin itong antioxidant na tinatawag bilang “Eugenol”. Malaki ang naitutulong nito sa pagkontrol ng blood pressure at pagpapababa ng kolesterol.
Ayon kay Dr. Rupali, ngumuya o kumain ng 5 hanggang 6 na dahon bawat umaga. Para sa paggamit nito bilang home remedy sa mababang dugo.
Mga halamang gamot para sa mababang dugo: Kangkong
Bukod sa maganda ang kangkong para sa eyesight ng isang tao, mainam din ito na pang-regulate sa blood pressure dahil ang kangkong ay mayaman sa potassium at naglalaman ng low sodium content sa kanyang raw form. Ang komposisyon ng minerals nito ay napatunayang mainam sa pag-regulate ng blood pressure. Ang folate na taglay naman ng kangkong ay nakakapagbigay ng kontribusyon sa pagbawas ng hypertension at narerelaks din nito ang ang blood vessels, habang pinapanatili ang proper blood flow.
Mga halamang gamot para sa mababang dugo: Cabbage
Ang cabbage ay isa sa mga tinaguriang “versatie veggies” dahil sa abilidad nitong pagandahin ang blood pressure. Makikita na sa hundred grams ng cabbage, pwede itong maglaman ng 170 grams ng potassium. Siguraduhin lamang na bago ito kainin ay nilinis itong mabuti para maiwasang makain ang anumang peste at bakterya na nakatago sa halaman.
Mga halamang gamot para sa mababang dugo: Spinach
Kilala ang spinach bilang isa sa mga halamang mayaman na pinagmumulan ng potassium. Ayon sa mga doktor, ang potassium ay nakakatulong upang isawalang-bisa ang masamang epekto ng sodium sa katawan. Malaki ang naitutulong nito sa ating bato para alisin ang sobrang sodium, sa pagmamagitan ng pag-ihi.
Bilang karagdagan, ang halamang ito ay may heart-friendly nutrients tulad ng folate at magnesium. Maganda rin itong source ng lutein, kung saan maaaring makatulong sa pagpigil ng pagkapal ng walls ng arteries. At sa pamamagitan nito, nakakatulong ito na mabawasan ang panganib ng stroke at hindi magandang blood pressure.
Mga halamang gamot para sa mababang dugo: Kale
Ang kale ay nagtataglay rin ng potassium— ito rin ay nagtataglay ng heart-friendly nutrients at antioxidants. Tulad ng lutein, omega-3, fatty acids at flavonoids. Isa itong ideal na halaman para sa pataasin ang mababang dugo.
Iba pang home remedies at pagkain para sa mababang dugo
- Pag-inom ng maraming fluids. Tandaan na ang kawalan ng tubig sa katawan ay nakakapagpababa ng blood volume. Pwede itong magresulta sa pagkakaroon ng mababang dugo. Mahalaga na maging hydrated para sa pag-regulate ng blood pressure. Lalo na kung ikaw ay nag-eehersisyo.
- Kumain ng mga pagkain na matataas ang vitamin B-12. Ang ilan sa halimbawa nito ay itlog, karne, manok, nutritional yeast at fortified cereals. Sinasabi na ang mababang vitamin B-12 sa katawan ay maaaring magdulot ng anemia na sanhi ng low blood pressure. Makikita na ang pag-take ng mga pagkaing mataas sa vitamin B-12 ay makakatulong sa pag-regulate ng blood pressure.
- Asin. Malaki ang naitutulong ng mga maalat na pagkain para mapataas ang mababang dugo. Subalit tandaan, kapag nasobrahan ng pagkain nito at pag-take— pwede itong maging sanhi ng impeksyon sa ihi at bato.
- Caffeine. Ang pag-inom ng kape o caffeinated tea ay pwedeng magpataas ng dugo ng pansamantala. Dahil ang caffeine ay may kakayahang i-stimulate ang cardiovascular system na sanhi para ma-boost ang heart rate. Pero tandaan, hindi dapat sobra ang pag-inom nito dahil baka mauwi ito sa palpitation.
- Pag-take ng mga pagkaing mataas ang folate. Sa pagkain ng mga asparagus, citrus fruits, beans, leafy greens at atay— ay makakatulong para sa iyong magandang blood pressure. Sapagkat sinasabi na kapag kaunti lamang folate sa katawan, pwede itong maging sanhi ng anemia.