Kapag ang katawan ay pinasok ng parasites, maaaring maubos ang mga kinakailangang sustansya. Ito ay nagdudulot ng malaking discomfort. Sa matinding mga kaso, maaari silang maging sanhi ng kamatayan. Ang intestinal parasites ay mas mahirap gamutin kaysa sa mga external type. Alamin kung paano mo maaaring makuha ang sakit na ito at iba pang herbal na halaman na gamot sa parasites.
Mga Parasite Sa Bituka
Ang pangunahing sanhi ng parasites sa bituka ay helminths at protozoa. Sa dalawang pangunahing sanhi, ang protozoa ang mas nakikita sa mga problema sa gastrointestinal. Sa kabilang banda, ang mga helminth ay mga multicellular na organismo na matatagpuan sa worm o larval form.
Sino Ang Pinaka Nasa Panganib?
Ang mga Low o middle-income countries ay may mas mataas na rate ng morbidity dahil sa intestinal parasites at mga sakit na dala ng pagkain.
Ayon sa World Health Organization, mahigit 200 sakit ang maaaring magmula sa mga problemang dala ng pagkain. Mula doon, hindi bababa sa 23 at kalahating milyong tao ang nagdurusa sa mga isyu sa bituka taun-taon sa mundo. Sa mas matinding mga kaso, humigit-kumulang 45,000 sa 23 milyong taunang mga kaso na ito ay maaaring humantong sa kamatayan. Kaya naman, kailangan ng gamot sa parasites.
Ang mga karaniwan o tanyag na sakit na nagmumula sa intestinal parasites ay
- Giardiasis
- Hookworm infection
- Threadworm
Risk Factors
Ang kontaminadong pagkain ay isang nangungunang panganib pagdating sa mga intestinal parasites. Dahil sa kawalan ng safety sa food handling at consumption practices ng mga adult, maaaring mauwi sa mas maraming problema. Pangunahin na ang intestinal parasites sa katawan. Ang pagluluto ng pagkain sa pagitan ng temperatura na 60 hanggang 75 degrees Celsius ay napag-alamang hindi aktibo ang mga parasito.
Bukod sa direktang pagkain ng kontaminadong pagkain, ang mga nasa hustong gulang ay dapat mag-alala tungkol sa oral exposure o fecal exposure sa isang taong may mga isyu sa intestinal parasites.
Mga Karagdagang Risk Factors
- Hindi magandang kalinisan
- International na paglalakbay
- Naninirahan sa isang lugar na may parasite-infested
- Mga profile sa edad at immunocompromised (ang mga matatanda at napakabata ay mga bulnerableng populasyon na nangangailangan ng karagdagang pag-iingat laban dito)
- Kahinaan mula sa HIV o AIDS
- Ang mga alagang hayop sa bahay na mayroon ding parasites ay itinuturing na mataas ang panganib para sa mga matatanda at bata. Isang partikular na strain na tinatawag na toxoplasmosis ay nagmumula sa dumi ng pusa at maaaring nakamamatay sa mga fetus ng mga buntis.
Sintomas Ng Intestinal Parasites Sa Katawan
Karamihan sa intestinal parasites, maliban sa mga itlog o bulate na maaaring lumabas sa katawan sa pamamagitan ng dumi, ay hindi nakikita o nangangailangan ng mikroskopyo. Natutulog, maaari silang manirahan sa katawan sa loob ng maraming taon. At hindi matukoy dahil may mga asymptomatic cases. Kailangan ng gamot sa parasites.
Kapag nagpakita sila ng mga sintomas sa isang infected na bata o nasa hustong gulang, narito ang maaari mong asahan:
- Pananakit ng tiyan
- Pagtatae
- Ang pakiramdam ng pagsusuka, nasusuka, o pagduduwal
- Bloatedness
- Pagkapagod
- May mga uod na lumalabas sa iyong dumi.
Herbal Na Gamot Sa Parasites
Bagama’t maaaring nakatutukso na mag self-medicate, kailangan pa rin ang kontrol kapag gumagamit ng halamang gamot para sa intestinal parasites. Ang mga halamang gamot na ito ay maaaring may interaction sa kasalukuyang gamot ng isang adult para sa parasites o iba pang mga sakit. Ang mga espesyalista sa halamang gamot ay maaaring makipagtulungan sa mga pasyente sa bagay na ito.
Narito ang mga pangalan ng sikat at sinasabing nasubok na mga herbal na gamot sa parasites. Ang mga ito ay tumutulong sa pag-flush ng unwanted parasites sa katawan. Kasama sa listahan ang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- Garlic
- Anise
- Barberry
- Golden Seal
- Wormwood
- Curled Mint
- Oregon Grape
- Black Walnuts
Sa Pilipinas, ang mga tao ay kumakain ng sariwang pinya upang makatulong sa pagpapaalis ng mga parasite sa bituka.
Paano Ito Nasusuri?
Humihiling ang mga doktor ng sample ng dumi. Pagkatapos ito ay susuriin para sa anumang pagdami ng protozoan. Makakatulong ang sample na ito na matukoy ang mga parasito na maaaring nagmula sa bituka.Depende sa dami ng mga parasito sa sample, ang interbensyong medikal ay maaaring iakma ng naaayon.
Maaaring magreseta ang mga doktor ng mga gamot tulad ng metronidazole at chloroquine.
Paggamot Sa Intestinal Parasites
Ang hydration ay mahalaga, at ang pag-iwas sa mga simpleng asukal o alkohol ay inirerekomenda para matigil ang intestinal parasites. Ang ilang pagkain na maaaring makatulong ay kinabibilangan ng:
Ang mabubuting bacteria mula sa mga probiotic supplement ay nakakatulong na mapanatiling maganda ang loob ng bituka.
Key Takeaways
Sa kabila ng mga magagandang resulta ng herbal na gamot sa parasites, ang ilang mga kaso ng intestinal parasites ay napupunta sa pagpapa hospital. Kung nagpapatuloy ang mga sintomas, kumunsulta sa iyong doktor o pumunta sa hospital para sa agarang paggamot. Ang mga gamot ay maaaring isang beses o isang mahigpit na iskedyul na tumatagal ng mga linggo, depende sa kalubhaan ng kaso. Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.